00:00Sa kabila ng pagiging abala sa mga pulong sa kanyang official visit sa Washington D.C. sa Amerika,
00:06nakatutok pa rin po si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon dito sa Pilipinas
00:12dahil sa mga pagbaha, dulot ng walang humpay na pagulan.
00:15Sa kanyang mensahe, tiniyak ng Pangulo na nakaalerto ang lahat ng ahensya ng gobyerno
00:20para agad na matugunan ang pangailangan ng mamaya.
00:24Mula po sa Washington D.C., may report si Raquel Bayan ng Radio Pilipinas Live.
00:29Patrick, sa kabila ng pakikipagpulong sa matataas na opisya ng Estados Unidos
00:37bilang bahagi ng official visit sa Washington D.C.,
00:41si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nakatutok pa rin sa pinakahuling sitwasyon sa Pilipinas
00:46kaugnay sa mga nararanasang pagbaha at pagulan sa bansa.
00:51Sa inilabas ng mensahe ng Pangulo, siniguro nito na nakaalerto at kumikilos na
00:57ang iba't ibang tanggapan ng gobyerno upang umalalay sa mga naapektuhan ng pagbaha at pagulan.
01:02Inatasan na rin ng Pangulang OCD, Department of Health, DSWD, Department of Energy at DILG
01:09na higpitan pa ang koordinasyon sa isa't isa upang siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipino.
01:14Ang mga relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:21Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:26At tinitiyak natin na merong transportasyon.
01:30At syempre, tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
01:36At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima nitong pagbaha at malakas na ulan.
01:47Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang kahandaan ng transportasyon para sa pag-alalay sa mga mangangailangan.
01:54Gayun na rin ang sapat na supply ng tubig at kuryente.
01:57Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo ng kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
02:05Siguraduhin natin mas lalo pang mapalakas ang kakayahan ng pamahalan na tumugon sa ganitong klaseng sitwasyon.
02:12Payo ng Pangulo sa publiko, makinig at sumunod sa abiso ng mga otoridad para sa kanilang kaligtasan.
02:18Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU, ng National Government at pakisundan lang po
02:28para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
02:35Samantala, nakapulong na ni Pangulo Marcos sa Pentagon si U.S. Defense Secretary Pete Hegseth.
02:42Ilan lamang sa mga natalakay ay ang pagsang-ayon ng dalawang bansa sa pagpapaiting pa ng Defense and Security Cooperation sa pagitan ng Washington at Maynila.
02:51Nagpahayag naman ang commitment ng Amerika sa pagpapatupad ng Mutual Defense City sa kaling kailanganin ng pagkakataon.
02:57Habang ginamit rin ni Pangulo Marcos ang pulong upang magpasalamat sa assistance ng Estados Unidos,
03:03particular sa tulong nito sa AFP Modernization Program sa balikatang exercises kung saan ayon sa Pangulo,
03:10natututo ang militar ng Pilipinas mula sa karanasan at katayahan ng militar ng Amerika.
03:15Habang nagpasalamat rin si Pangulo Marcos sa patuloy na pagsuporta ng U.S. sa pagharap ng Pilipinas sa mga hamon sa loob at labas ng bansa.
03:23Para sa integrated media, para sa integrated state media, Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko, Washington D.C. USA.
03:33Maraming salamat, Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas, live mula po dyan sa Washington D.C.