00:00Dahil sa high tide, baka sa lahat ng barangay ng Makabebe sa Pampanga,
00:04sa kabila niyan, pinili ng maraming residente na huwag nang lumikas.
00:08Nakatutok doon live si Nico Wack.
00:10Nico!
00:14Emil, lahat ng 25 barangay dito sa Makabebe, Pampanga ay lubog na nga sa baha.
00:20Ayon yan sa kanilang MDRRMO, pero marami sa mga residente ang hindi na lumikas dahil sanay na.
00:30Mag-hapong nakaranas ng sama ng panahon ang malaking bahagi ng Pampanga.
00:35Dito sa barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
00:39Maging ang elementary school ng Santa Maria, binaha na rin.
00:42Ang barangay San Isidro, hanggang tuhod na rin ang tubig.
00:45May ilang bahay nga na pinasok na rin.
00:47Pagdating sa Makabebe, mas malala ang baha.
00:50Mas lumakas na rin ang ulan bandang alas 5.30 ng hapon.
00:53Dito sa barangay Takasan, nakabangka ng ilang residente.
00:57Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
00:59Pero marami sa mga residente ay hindi na lumilikas.
01:03Sanay na po kami sa ganito.
01:06Ayun po, nagkataas na mga gamit.
01:09May ilang residente naman na inunang asikasuhin ang kanilang mga fish pond, gaya ni Eddie.
01:14Ito, puro baha. Malalim na yung tubig.
01:17Yung mga fish pond na lang ang nilalambatan.
01:23Lumalabas yung mga pakawalang tilapia at ipon.
01:28Ang ibang tilapia, inuwi na lang nila para may maiulam.
01:32Ayon sa MDRRMO na Makabebe, Pampanga, ay lahat ng 25 barangay nila rito ay lubog na sa baha.
01:38Ang dahilan niyan ay ang naitala nilang mahigit apat na metrong high tide na ayon sa kanila ay mas tataas pa.
01:44Unang-unang po, we are at aulahing town po.
01:50Saan po sa town po kami na Pampanga, kasama po natin yung bayan ng Masantol at Saswan.
01:57So kami po ang pagsakan ng tube from the Pampanga River Basin,
02:05using the Pampanga River as the main drainage mapuntang dagat.
02:11Sanay na raw ang mga taga rito kaya hindi na lumilikas ang iba.
02:1571 individual lang lumikas sa kanila sa ngayon.
02:18Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangang ilikas.
02:20E may langgang sa ngayon ay tuloy-tuloy at malakas ang ulan dito sa Makabebe, Pampanga.
02:29Kaya naman yung ilog dito sa aking likuran ay umapaw na rin at halos kapantay na nung kalsada.
02:34Kaya naman ang barangay naka-standby sakali mang may gustong lumikas.
02:38Yan muna ang latest. Balik sa inyo.
02:40Maraming salamat, Nico Waher.
02:41Waher.
Comments