Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Hanggang baywang na baha ang ininda ng nakatira sa tabing-ilog sa Barangay Damayan sa Quezon City.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang baywang na baka ang inindaan ng nakatira sa tabing ilog sa Barangay Damayan sa Quezon City.
00:05Mula roon, nakatutok live si Ivan Mayrina.
00:08Ivan!
00:14Emil, simula nitong Sabado ay taas baba pero hindi tuluyang humuhupa ang baha dito sa West Riverside sa Barangay Damayan sa Quezon City
00:22pero naging pinakamataas yan, dakong alauna ng hapon kalina sa kasagsagan ng malakas sa buhos ng ulan.
00:30Hanggang baywang ang baha kanina ng alauna ng hapon sa West Riverside sa Barangay Damayan sa Quezon City.
00:39Dahil tabing ilog, ito talaga ang unang binabaha sa barangay.
00:42Lagi po, lagi po tuwing umuulan po, kapag patuloy po na tumataas yung tubig ilog po,
00:49tumataas din po yung tubig baha po dito sa lugar ng West Riverside po.
00:53Ito pong sitwasyon ngayon, alas tres imedya ng hapon sa West Riverside sa Barangay Damayan.
00:59Dito sa Quezon City, tulad ng nakikita ninyo, gahita kanina hanggang bewang ang tubig baha rito.
01:06Yan mga lubid na yan, yan ang ginagamit nila para makatawid.
01:11At atayo naman, gamit natin itong balsa na gawa sa styrofoam.
01:15Ang styrobalsa, rakit ng ilan para sa mga ayaw lumusong.
01:20Sayang din anilang bariya-baryang kita.
01:22Pero kung minsan ay libre lang bilang pakikisama, kwento nila bahagi na ng buhay nilang ganito
01:27at kabisado na nilang taas baba ng baha.
01:30Depende sa buhos ng ulan.
01:32Kaya si Mang Mario hindi lumikas at nasa ikalawang palapag lang ng kanyang tirahan.
01:36May tila naman eh. Hindi nang tuloy-tuloy ang ulan eh.
01:40So ito ho, kabisado nyo na. Depende sa buhos ng ulan.
01:43Kabisado ang kabisado na.
01:45Pero hindi rin anilang may kakailanang mga pagbaha nitong mga nakarantaon.
01:49Pabilisan ng pabilis at palalim na ng palalim.
01:52Tulad ng napunan ni Fredso, na naging bahagi na mga pagbaha simula pagkabata.
01:57Dati dito, hanggang pata sa bata, hanggang dibdib.
02:00Tapos ngayon hanggang sa may grills.
02:03Hanggang yun sa grills.
02:04Sa kabila nito, hindi alintana ng mga residenteng peligro.
02:07At idinadaan na nga lang sa kantsawan at tawanan ang ganitong siste tuwing tagulan.
02:13Yan ang konsekwenses ng mga tawing ilog. Asahan mo yan.
02:16Hindi mo pwede sisihin ng gobyerno.
02:18Tumira kami rito eh, di ba?
02:19Ano mo magalit kami sa gobyerno.
02:28Emil, hanggang alas 5 kaninang hapon, umaabot na sa halos isandaang pamilya.
02:33Ang nasa evacuation center, yan ay ang mismong barangay hall ng barangay Damayan
02:37at ang social hall ng kalapit na simbahan.
02:41Patuloy ang paghikayat, Emil, ng barangay sa mga residente na lumikas na
02:46dahil mahirap abutan ng pagtaasang tubig baha sa kalaliman ng gabi.
02:51At patuloy naman ang 24 oras na monitoring ng barangay,
02:55lalo pa't hindi tumitigil ang pagulan.
02:57At sa ating kinatatayon, Emil, unti-unti na naman gumagapang
03:01at tumataas na naman ang tubig baha rito.
03:04Emil.
03:04Maraming salamat, Ivan Mayrina.
03:06SET蒐iz
03:11SET蒐iz

Recommended