00:00Sa oras po ng emergency, lahat tayo ay may pakialam dahil lahat tayo ay maaring tumulong.
00:05Kaya mahalagang turuan ng mga bata kung paano mag-response sa mga life-threatening situation tulad po ng cardiac arrest.
00:12Silipin natin ang mga naganap sa itinagawang CPR Awareness Campaign sa Nanka Elementary School sa Marikina City.
00:18Panoorin po natin ito.
00:20Hindi lahat ng emergency ay nangyayari sa ospital.
00:23Ayon sa isang heart association, 80% ng cardiac arrest cases ay nangyayari sa bahay.
00:30Kadalas ang nasasaksihan ng miyembro ng pamilya.
00:34Ngunit sa kabila nito, less than 10% lamang ng mga biktima ang nakakaligtas
00:39dahil karamihan sa mga nakasaksi ay hindi marunong mag-cardiopulmonary resuscitation o CPR.
00:45Pero hindi mo kailangan maging doktor para matutuhan ng CPR.
00:50Sa katunayan, may batas na nakalaan para ituro ang basic life support sa mga estudyante.
00:55Sa ilalim ng Republic Act No. 10871 o Samboy Limlo,
01:01lahat ng estudyante sa basic education ay kailangang dumaan sa age-appropriate basic life support training.
01:08Ito ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng Philippine Heart Association o PHA
01:13na nagsasagawa ng nationwide CPR awareness campaign sa isang paaralan sa Marikina City.
01:19Kami sa Philippine Heart Association, parang ginawa naming advokasya na eskwelahan ang ating tutukan,
01:27ang mga teachers, ang mga estudyante.
01:29Ito po, programa ng Philippine Heart Association, libre po ito, hands-only CPR.
01:35All throughout the year, sa buong bansa, mayroon pong chapters ang Philippine Heart Association.
01:40May dalawang uri ng CPR, ang hands-only at conventional CPR.
01:46Ang hands-only CPR ay recommended sa mga bystander o taong walang formal training
01:51na maaaring makapagligtas ng taong nagkaroon ng sudden cardiac arrest.
01:56Mas madali itong matutuhan kaya mas maraming tao ang pwedeng tumulong agad.
02:01Samantala, ang conventional CPR ay usually ginagawa ng trained rescuers.
02:06Mas efektibo ang paraang ito para sa mga bata, infant at biktima ng near-drowning o overdose.
02:13Kinakailangan ng mouth-to-mouth resuscitation para rito.
02:17Malaki ang tulong ng kaalaman at kasanayang ito sa pagliligtas ng buhay ng tao.
02:22Isa rin itong magandang pagkakataon sa mga estudyante na maging handa sa oras ng panganib.
02:28Kahit simple yung kabataan lang po kami, meron po kami alam sa mga simple yung bagay,
02:34lalo na sa mga ganito pangyayari.
02:35Natutunan ko din po paano po gumamit ng machine na nakakatulang din po sa pagtulang po sa mga nagkakarjack arrest.
02:43Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang sakuna o panganib sa ating buhay.
02:48Pero may pagkakataon tayo para maging handa para rito.