Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil sa bahang dulot ng ulan at high tide,
00:02apektado ang kabuhayan at pamumuhay ng mga residente sa Giginto, Bulacan.
00:07May unang balita live si Bea Pinlak.
00:10Bea?
00:13Igan perwisyo sa pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na sa hanap buhay.
00:19Yan daw ang dulot ng hindi pa humuhupang baha sa mga residente dito
00:23ng barangay Ilang-Ilang sa Giginto, Bulacan.
00:30Magdamag ng ambasin na Nanay Cecilia dahil sa bahang pumasok na sa bahay nila
00:34sa barangay Ilang-Ilang Giginto, Bulacan.
00:37Sinabayan daw kasi ng malakas na ulan kahapon ang high tide.
00:41Lahat ng gamit namin nakataas na po sa higaan namin.
00:44Kami po halos wala nang matulugan dahil nakataas po lahat ng gamit.
00:49May mga bata pa po kaming kasama sa loob ng bahay.
00:53Warak-warak na rin po ang dingding.
00:55Ang mga haligi po wala na. Marupok na.
00:58Kahit anong taas o dumidaw ng baha rito,
01:01wala raw silang magawa kundi lusungin ito para maghanap buhay.
01:05Kwento naman ang tindera ng gulay na si Aneta
01:07na lubog din sa baha ang pananim na gulay
01:10kaya tiyak daw na wala silang maaani.
01:12Ang aming mga gulayan doon, walang pinakikinabangan
01:16kasi nasisiran ko ang tubig.
01:21Ilinulubog talaga ito.
01:23Hindi na kami nakakagpanagtanim doon kasi ganito o.
01:28Lubog talaga palagi.
01:30Herap habuhay talaga.
01:32Walang kong nahititindag marami.
01:35Apektado rin ang iba pang negosyo tulad ng karindirian ni Joel.
01:38Matumal daw ang kita kahapon nang abot pa sa bewang ang baha
01:42kaya umaasa silang makakabawi ngayong araw.
01:45Talagang naka-apekto po kasi gawa nung walang pupunta rito,
01:49walang kakain.
01:51May kamakain naman, may bumibili, ilan lang.
01:54Ayon sa Bulacan, PDRRMO,
01:56nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam
01:59kasunod ng malalakas na ulan.
02:01Isa pa raw ito sa mga nagpalala sa baha rito sa probinsya.
02:08Igan sa ngayon, paambun-ambun na lang dito sa Bulacan.
02:12Makulim-lim pa rin ang kalangitan
02:14kaya ang mga residente rito nangangamba pa rin
02:16na kapag lumakas pa ang ulan,
02:18ay tumaas ulit ang baha.
02:20Yan muna ang latest mula rito sa Bulacan.
02:23Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.

Recommended