00:00The International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Roa Duterte
00:06Igiriit ng Department of Foreign Affairs at International Criminal Court na lehitimo
00:18ang pagbisita ng Philippine Embassy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:23sa ICC Detention Facility sa The Hague, Netherlands.
00:26Kasunod po ito ng pagpuna ni Vice President Sara Duterte na wala ro'y ang pahintulot mula sa kanilang pamilya.
00:33Balitang hatid ni Mariz Omali.
00:39Tinutulan ni Vice President Sara Duterte ang ginawang pagbisita ng mga kinatawa ng Philippine Embassy sa The Hague
00:44sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:48Ayon sa Vice Presidente, nagpanggap daw silang isang welfare check ang kanilang gagawin.
00:53Pero tingin ni VP Sara, utos o mano ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:57Nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Malacanang na nagsumite ang Philippine Embassy ng reports sa Pangulo
01:03tungkol sa ginawang pagbisita.
01:05Giit ng Vice, nalagay raw sa panganib ang buhay ng ama ng payagan ng ICC na pumasok ang mga ahente ng gobyernong
01:12kumidnap sa dating Pangulo nang walang pahintulot ng kanyang pamilya.
01:15I can only speculate, Mr. President, but I don't really have the facts obtaining on the ground.
01:27Sa tingin ko lang talaga, baka yan ang purpose bakit sila pumunta doon para i-confirm siguro
01:34kung talagang totoo ba na merong cognitive impairment ang ating dating Pangulo.
01:39Paliwanag naman ng DFA Welfare Check ang ginawa ng mga taga-Philippine Embassy
01:43at naaayon ito sa Viana Convention on Consular Relations at Batas ng Pilipinas
01:48para protektahan ang kapakanan ng lahat ng mga Pilipino.
01:52Tungkulin daw ito ng lahat ng Philippine Foreign Service Posts
01:55at walang pinagkaiba sa ginagawa ng DFA para sa iba pang nakadetineng Pilipino abroad.
02:00Tiniyak naman ang International Criminal Court na naaayon ang mga aksyon ito sa ICC Rome Statute
02:07at sinusunod nito ang international standards na ang mga nakadetineng indibidwal
02:12ay may akses sa kinatawa ng kanilang mga konsulado.
02:15Ang anumang pagbisita raw, merong pahintulot ng nakadetineng indibidwal.
02:20Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments