00:00Tadyang ng tao kabilang sa mga buto na nakuha ng Philippine Coast Guard sa pagsisid sa Taal Lake kahapon.
00:06Samantala, titiyakin muna ng DOJ kung ligtas ang pagsisid sa lawa bago ipagpatuloy ang operasyon matapos ngang magbuga ng usok ang bulkang taal.
00:17Si Luis Erispe sa Sentro ng Balita.
00:22Kumpirmado ng buto ng tao ang nakuha sa Taal Lake kahapon ng mga tauha ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police.
00:29Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia, mismong tadyang o ribs umano ng tao ang nakita sa loob ng dalawang sako na nakuha ng mga otoridad sa lawa.
00:40Two saks were found and we do not know how many people it belong to.
00:43Ribs, ribs na, yung tadyang na, yung ribs ng tao nakita.
00:49Ipinaliwanag rin ng opisyal na ang dalawang sakong nakuha kahapon may kasamang dalawa pang sako na buhangin na tila pang pabigat sa dalawang sako na may buto.
00:58Pinahanap sa Taal Lake na human remains in the area pointed to us by our sources that were also identified by Totoy.
01:10Dahil sa nakuha kahapon, lumalabas umanong totoo ang mga impormasyon na ibinibigay ni Julie Patidongan o alias Totoy at ng iba pang informants ng DOJ hinggil sa investigasyon.
01:22Bukod kasi sa mga pampabigat, ang lugar kung saan nakita ang mga sako ay ang eksaktong lokasyon na itinuro ni Totoy at mga informants ng DOJ kung saan umano itinapon ang mga nawawalang sabongero.
01:36Dahil dito, naniniwala silang may kredibilidad ang mga kausap nilang nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kaso.
01:43Yung nahanap sa kwadrant na yun sa Taal Lake is a positive indication that he knew what he was talking about.
01:52Kasi nga, andito na nahanap yung na-identify na.
01:56Nung tinanong yung guide kung saan na pupunta, tinuro nila kung saan pupunta para mahanap.
02:03Yon, true enough. Nung denied it on, tumbok.
02:06So, very reliable ang mga kausap namin ng witnesses actually.
02:11Bagamat hindi pa formal na nagbibigay ng sinumpaang salaysay si Pati Dongan, patuloy naman anya ang komunikasyon ng DOJ sa kanya.
02:18Pero muling iginiit ng DOJ, hindi lang siya ang nagbibigay ng impormasyon at meron pang ibang witnesses na kausap ang departamento.
02:26Hinggil naman sa mga labi na hinuhukay sa public cemetery ng Laurel Batangas, sinabi ni Rimulya, posibleng may kinalaman din ito sa isabong.
02:35Ito mukhang isabong ito eh, yung tatlo. Kasi salipan na wala eh.
02:40Nung 2020, may lumutang na mga katawan sa Taal Lake.
02:45Ito, kinuha ng polis natin, ng polis department at that time.
02:53And then, tinuan over sa Polonaria, they were left unclaimed, so they were buried.
02:59Tingin nila, hindi ito kasama sa 34 na nawawalang sa Bungero na nasa kaso.
03:05Pero konektado rin ito sa kanilang investigasyon.
03:08Kapag nahukay na ang mga labi, dadaan naman ito sa DNA testing.
03:12There was a clue that somebody in our meeting yesterday said that that uniform looked familiar.
03:19Basta merong suot yung, meron clothes na hanap that looked familiar.
03:24Eh, iras labid, iras labid sa amin. Basketball uniform.
03:28Samantala, kahapon, nagbuga ng usok ang Bulcang Taal.
03:32Aalamin ng DOJ kung ligtas ba ang pagsisid sa lawa bago ituloy ang operasyon.
03:37Well, pag hindi healthy, kung ito'y magiging balakid sa health ng tao,
03:42tigil mo na. Hindi naman magtutuloy-tuloy.
03:46Yung FIVOX will advise us kung ano, kung pwede, kung safe o hindi.
03:50Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
03:55Kaugnay niya ang kinumpirma ng Department of Justice na pansamantala munang
04:01itinigil ang search and retrieval operations kayong araw sa Taal Lake.
04:06Ayon kay Assistant Secretary Mico Clavano,
04:09ito'y dahil sa masamang panahon at malabong tubig sa lawa.