00:00Bistado ang maygit 700 milyong pisong halaga ng ininalang shabu sa loob ng ilang balikbayan box mula po sa Amerika.
00:06Nakatutok si Bernadette Reyes!
00:12Imported na tsokolate o mga dilata ang karaniwan na laman ng mga balikbayan box.
00:17Pero ang mga kahon sa shipment sa Manila International Container Ports sa Maynila mula California noong Junyo agad hinara.
00:24Dinaan muna yun sa x-ray. Then pagdana ng x-ray, tsaka natin inisa-isa yung may canine unit na rin tayo na umalalay sa ating mga kasamahan upang maingat na tingnan yung laman naman ng x-ray.
00:41Nagkaroon ng kakaibang reaksyon yung ating canine. May reaksyon sila na pabalik-balik.
00:47Bukod sa pag-upo, pagpabalik-balik sila na parang balisa. Yan ay indikasyon na meron silang suspetya na drugs.
00:56Sa apat sa 700 kahon sa shipment, tumambad ang mahigit 110 kilos ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng halos 750 milyon pesos.
01:08Idineklara raw ang mga ito bilang personal effects tulad ng pagkain. Nabisto ito ng Bureau of Customs sa tulong ng Intelligence Report.
01:16Iti-turn over ang mga nakumpiskang kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA habang patuloy ang imbestigasyon.
01:24Maaaring maharap ang mga sangkot sa kasong paglabag sa Section 118 o Prohibited Importation and Exportation ng Customs Modernization and Tariff Act at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:37Sinubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng de-consolidator pero wala pa silang sagot.
01:43Siniguro naman ang BOC na agad ire-release ang mga balikbayan box na walang kontrabando.
01:49Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
Comments