00:00Hindi sumailalim sa inspeksyon kaya kinupiska sa isang palengke sa General Santos City
00:05ang halos 70 kilo ng karneng baboy.
00:09Karamihan sa mga karne nakuha sa isang meat shop
00:12habang ang iba pang lechong baboy ay sa iba pang tindahan.
00:17Ayon sa City Veterinary Office,
00:19hindi dumaan sa slaughterhouse ang mga buhay na hayop
00:23bago katayin para masigurong ligtas ito sa sakit.
00:26Dahil lumabag sa Meat Inspection Code,
00:30pinapatawag nila ang may-ari ng dalawang tindahan.
00:33Binuhusan ng kemikal at inilibing ang mga karne para hindi na mapakinabangan pa.
00:39Bukod sa pagbabantay sa mga palengke,
00:41sinisilip na rin ng mga otoridad ang talamak na bentahan ng karneng baboy online.
00:47Posibleng hindi rin daw ito dumaan sa tamang proseso kaya na ibebenta ng mura.
00:53Paalala nila sa publiko,
00:55maging mapanuri sa mga bibilhin para makaiwas sa sakit ngayong holiday season.
Comments