Kinumpirma ni Senador Bam Aquino na kumikiling sila ni Senador Kiko Pangilinan sa pag-anib sa mayorya. Pero mananatili aniya siyang independent.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kinoffirma ni Sen. Mamakino na kumikiling sila ni Sen. Kiko Pangilinan sa pag-anib sa mayorya, pero mananatili niya siyang independent.
00:12Ang dahilan sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:18Ilang linggo ng maugong na usap-usapan na sa halip na samahan sa minorya ng Senado,
00:23ang kaalyadong si Sen. Arisa Ontiveros sa mayorya a-anib si Sen. Kiko Pangilinan at Mamakino.
00:30Sa kanyang programa sa radyo, pagkumpirma ni Aquino, kumikiling sila ni Pangilinan sa pag-anib sa mayorya.
00:36Ang dahilan, para makuha ang mga nais nilang kumite sa Senado.
00:40Senate Committee on Education ang kumite ang gustong makuha ni Aquino.
00:43Committee on Agriculture naman ang target anya ni Pangilinan.
00:46Sa Senado, otomatikong magiging miyembro ng mayorya ang mga buboto sa mananalong Senate President,
00:52kahit pagaling sila sa magkakaibang partido at kahit kontra pa sa administrasyon.
00:57Minorya naman ang tawag sa mga buboto sa matatalo sa pagka-Senate President.
01:01Pero mabilis na sabi ni Aquino, kahit pa mapunta siya sa mayorya,
01:05mananatili siyang independent at kaalyado ng Liberal Party at akbayan at hindi pa rin pro-Marcos o pro-Duterte.
01:12Sa ipinadalang text message, sabi naman ni Pangilinan, sa July 28 na lang siya magbibigay ng pahayag kung kailan mas malinaw na ang mga bagay.
01:21Pero sa isang Facebook post, sinabi ni Pangilinan na naiintindihan daw niya ang agam-agam sakaling makianib siya sa mga hindi nila kapareho ng prinsipyo.
01:30Sana raw ay maunawaan din siya na may ipinangako rin siya noong eleksyon para mapababa ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
01:37Ito raw at hindi pansariling interes ang basihan ng magiging pa siya kung sa minorya o sa mayorya siya a anib.
01:44Kung matatandaan, matapos ang eleksyon ay inalok ni Sen. Arisa Ontiveros, sinapangilinan at Aquino na bumuo ng independent bloc.
01:53Pero sabi niya ngayon, walang samaan ng loob kahit hindi na ito mabuo.
01:57Bukas na rin siyang suportahan ang veterans bloc na binubuo ni dating Senate President Migs Hubiri
02:02kung palalakasin itong oposisyon para sa 2028 elections.
02:06Otomatikong minorya sila kung mas konti ang botong makuha ng susuportahan nila sa pagka-Senate President na si Tito Soto.
02:14Ano man ang maging desisyon ng bawat isa sa amin, magtatrabaho kami, magkasama sa mga pare-parehong adbukasya namin.
02:23Plus, yung mga kapartido namin sa House of Representatives ay nagbubuo na inuwi ng isang multi-party caucus.
02:33Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.