00:00Samantala sa ating balita, good news para sa ating mga kababayang senior citizens at persons with disabilities.
00:08Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opisyal na paglulunsad ng 50% discount sa kanilang pasahe
00:16na ipatutupad sa lahat ng linya ng trends sa Metro Manila, kabilang ang LRT1, LRT2 at MRT3.
00:24Ang programang ito ng Department of Transportation ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na pag-aanin ang pasaning pinansyal na mga Pilipinong pasahero,
00:35lalo na ang mga kabilang sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta.
00:41Itinaas sa 50% ang diskwento mula sa kasalukuyang 20% na itinakda ng batas,
00:48kaya't mas magiging abot kaya ang biyahe para sa mga nakatatanda at PWD.
00:54Matatandaang pinangunahan din ng Administrasyong Marcos ang paglulunsad ng kaparehong diskwento para sa mga estudyante noong Hunyo.
01:03Samantala, kabilang din sa inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbiyayas ng Dalyan train na 10 taong hindi nagamit.
01:12Aabot sa hanggang 1,200 pasahero ang kapasidad ng mga tren na inaasahang magdi-decongest sa MRT3.
01:20Dahil din dito ay inaasahan ng mas maiksing agwat ng mga tren sa dalawat kalahating minuto mula sa dating apat na minuto.
01:29Ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng pagpapabuti sa servisyo ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.