00:00Sa iba yung dagat pa rin, dalawang babae patay sa pamamaril sa isang simbahan sa Kentucky
00:04at mga residente naman sa Texas, pinalikas na naman dahil sa banta ng panibagong pagbaha.
00:11Si Joyce Alamatin sa Sentro ng Balita.
00:15Patay ang dalawang babae matapos pagbabarilin sa isang simbahan sa Lessington, Kentucky sa US.
00:21Ayon sa otoridad, tumakas pa ang suspect palabas ng Richmond Road Baptist Church
00:27kung saan dalawang lalaki rin ang kanyang binaril.
00:30Sugatan din ang isang sundalo malapit sa Bluegrass Airport matapos paputokan ng suspect.
00:35Kalaunan, natagpuan ang mga otoridad ang suspect na wala ng buhay.
00:40Patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaril.
00:44Pinalilikas muli ng mga otoridad ang mga residente sa Texas dahil sa banta ng matinding pagbaha.
00:51Inilabas ang nasabing evacuation order ng isang linggo mula ng nanalasa ang matinding pagbaha sa Central Texas.
00:58Kabilang sa pinalilikas ang mga residente ng Saudi Eastern San Saba County,
01:02kabilang ang Colorado Bend State Park.
01:05Ayon sa National Weather Service, asahan ng malalakas na pagulan na magdudulot ng pag-apaw ng San Saba River.
01:13Dahil dito, kinansila rin ang pagkahanap sa mga nawawalang residente sa naunang pagbaha sa Kerrville City.
01:20Muling tiniyak ni North Korean leader Kim Jong-un ang buong suporta sa Russia sa patuloy na digmaan sa Ukraine.
01:28Kasunod dito ng pakikipag-usap niya kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov sa pagbisita nito sa North Korea.
01:35Dito'y inihayag ni Kim ang kahandaan ng Pyongyang na suportahan ang mga hakbang ng Russia sa paglutas ng ugat ng krisis sa Ukraine.
01:43Ang pagbisita ng matataas na opisya ng Moscow ay bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
01:51Sa kabila ng makabagong teknolohya at modernong komunikasyon, isang alaala ng nakaraan ang patuloy na nagbibigay pugay sa kasaysayan.
02:00Ito ang huling military pigeon sa Europe na hanggang ngayon ay lumilipad pa rin.
02:05Matatagpuan ito sa Mont Valerian Fortress kung saan naninirahan ang mga kalapating mensahero na pinalaki at inalagaan ng French Army.
02:14Ang mga ibo na ito ay nagsilbing katuwang ng mga sundalo sa digmaan.
02:19Kabilang si Pigeon 193529, isang carrier pigeon o uri ng kalapati na ginagamit para maghatid ng impormasyon noong una at ikalawang digmaang pandaigdig.
02:30Joyce Salamatid para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.