00:00Samantala, apat na individual kabilang apat na taong gulang na bata patay nang bumanga ang isang sasakyan sa Child Center sa Amerika
00:07at kauna-unahang batch ng Project CUPER Internet Satellites, inilunsan ng Amazon.
00:14Si Joy Salamatid sa Sentro ng Balita.
00:18Aabot sa apat ang nasawi kabilang ang isang apat na taong gulang na bata matapos bumanga ang isang sasakyan sa Child Center sa Estados Unidos.
00:26Ayon sa Illinois State Police, naglalaro sa apat hanggang labing walong taong gulang ang mga nasawi.
00:33Pito naman ang naitalang sugatan na ginagamot na ngayon sa hospital.
00:37Ikinalungkot naman ni Illinois Governor J.B. Pritzker ang nangyari at tiniyak ang hustisya para sa mga biktima at investigasyon sa insidente.
00:48Nagdeklara na ng state of emergency ang Spain kasunod ng malawakang power outage sa malaking bahagi ng bansa at sa Portugal.
00:56Ayon kay Portugese Prime Minister Luis Montenegro, walang indikasyon na cyber attack ang dahilan ng pagkawala ng kuryente.
01:04Apektado ng power outage ang mga airport, tren at establishmento dahilan para mag-hoard ang mga mamamayan ng mga batteries at radio.
01:13Sa ngayon, unti-unti nang nababalik ang supply ng kuryente sa halos kalahati ng populasyon ng Spain,
01:19pero hindi pa rin natutukoy ang eksaktong dahilan ng power outage.
01:24Inilunsad na ng Amazon ang kauna-unahang batch ng Project Kuiper Internet Satellites na tatapat sa Starlink ni Elon Musk.
01:34Kahapon ang inilaunch mula sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida ang Kuiper Atlas 1 na may dalang 27 satellites.
01:42Una na rin itong sinubukang i-launch nitong nakaraang linggo pero napurnada dahil sa masamang lagay ng panahon.
01:50Ang Project Kuiper ay subsidiary ng online retail giant na itinatag ni Jeff Bezos na inaasahang magpapabilis ng internet connectivity sa mundo.
02:00Joy Salamatit para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!