- 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00My name is Bernadette Reyes.
00:30Bye.
00:31Bye.
00:32Bye guys.
00:33Sa video na ito, kitang nakatambay ang grupo ng mga grade 8 students sa isang tent sa Bambang Nueva Vizcaya.
00:39Isa sa kanila nagsi-cellphone sa gilid hanggang sa...
00:43O tayo guard nga.
00:45O lalaban yan.
00:48Magpaping nga ka.
00:50O yun yung kilay niya.
00:53Napahupo ang biktimang nakapulang palda habang nanood lang ang iba pa nilang kasama.
00:58Paano naman kami?
01:00Hindi pa man tapos magsalita ang biktima, nilapitan siya ng isa pang babae at bigla siyang sinampal.
01:08Hindi pong walagang biktima pero hindi pa rin natigil ang mga kasama niya.
01:12May isa pa, may isa pa.
01:14Ang mga nanakit, nagtawanan pa habang ang biktima na natili na lang na nakaupo at hindi na kumikibo.
01:22May isa pa ulit na sumampal sa kanya.
01:24Doon na sila nilapitan at inawat ng isang may-ari ng kalapit na tindahan.
01:29Sa isa pang video, nakatayo sa gilid ng halamanan ang magkakaiskwela at muling nagkaroon ng komprontasyon at tulakan.
01:37Nataranta ang grupo at agad sinilip ang biktima na nakahiga at nadaga na ng tumulak sa kanya.
01:43Muli silang pinuntahan at inawat ng may-ari ng tindahan.
01:46Ang nagviral na insidente na nangyari noong Martes, nakarating na sa Alkalde ng Bambang na agad nagpaimbestiga.
01:53Kuha ang mga video ng isa rin kasama ng mga estudyanteng kita sa video.
01:57Base sa inisyal na investigasyon, nag-cutting o lumiban sa klase ang mga estudyante at nag-inuman malapit sa paaralan.
02:05Nagkainitan daw sila hanggang sa nauwi sa sakitan.
02:09Ayon sa Schools Division Superintendent, lima ang sinasabing nanakit sa biktima.
02:14At rekomendasyon ng mga otoridad, ilipat sila ng paaralan.
02:18Nagtakda na rin sila ng counseling at debriefing para sa biktima at iba pang sangkot na estudyante.
02:24Sabi ng mga otoridad, pag-aaralan din nila ang reklamong cyberbullying dahil sa pag-upload at pagbabahagi ng viral video ng pananakit.
02:32Ayon sa polisya, decidido raw na magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima.
02:36Ipatatawag din ang opisyal ng paaralan na nagbenta ng alak sa mga sangkot na estudyante.
02:41Ipinagutos na rin na LGU na tiyaking walang magbibenta ng alak sa mga minor de edad alinsunod sa kanilang ordinansa.
02:48Sinubukan naming makuha ang panig ng mga sangkot sa insidente pero tumanggi silang magbigay ng pahaya.
02:54Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
03:01Pahirapan man ang pagsisid, muling nakakuha pa rin ng mga sako sa Taal Lake ang divers ng Philippine Coast Guard.
03:08Habang lumalalim ang paghahanap sa mga nawawalang sabongero, apektado naman ang kabuhayan at turismo sa lugar.
03:15At mula sa Laurel, Batangas, nakatutok lahat si Rafi Pima.
03:20Rafi?
03:21Pia, dalawang sako muli ang naiahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa pangatlong araw ng kanilang search and retrieval operation dito sa Taal Lake sa bahagi ng Laurel, Batangas.
03:34Pero kakaiba daw yung nakakapa ng kanilang mga divers ngayon dahil tila may mga pabigat ito.
03:39Nakasilid sa mesh bag ang suspicious object ng iaahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa ikalawang araw ng kanilang dive operation.
03:50Tulad kahapon, mayingat itong iniabot sa mga kawani ng PNP Senator Crime Operative, Sosoko, at isinilid sa cadaver bag.
03:56Mas mahirap daw ang visibility ngayong araw kumpara kahapon.
03:59Bukod dito, ang nakitang suspicious object ng mga PCG divers kanina tila may pabigat umano.
04:04Unlike kahapon, pagka mismo pagpunta mo sa bottom,
04:08that's the time na ang distansya ng divers sa visibility, one meter lang halos.
04:14So ito, pagbaba mo pa lang ng ano, wala ka na talaga halos makita.
04:20Gayunman, tuloy pa rin naman daw ang ginagawa ang operasyon ng mga divers ng Coast Guard.
04:23Bukod sa visibility, hamon din daw ang malakas na current o agos sa ilalim ng Taal.
04:28Bukod sa visibility, hamon din daw ang malakas na current o agos sa ilalim ng Taal Lake.
04:33Bagamat batid daw nila ang kahalaga ng paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
04:37kaligtasan ng kanilang mga kawani pa rin ang pangunahin sa isinasagwang operasyon.
04:41May mga, of course, there are technicalities and safety considerations
04:47sa pagre-recover ng any items dun sa ilalim.
04:51Kapakapa and sinusuyod pa rin nila dahan-dahan.
04:55May underwater current din yan, yung area na yan.
04:59Ang Taal Lake ay very challenging na area para magkakanda ka ng diving operations.
05:06Ang search area hindi kalayuan mula sa lugar kung saan may nakuhang dalawang suspicious objects din ang PCG kahapon.
05:12Sa gitna ng isinasagwang search and recovery operation, ramdam na daw ng bayan ng Laurel ang epekto nito sa kanilang bayan.
05:18Ayon sa alkalde ng bayan, nabawasan ang mga pumapalaot nilang manging isda.
05:24Kasi sa report ng ating Peaceport Office ay before nagkakaroon tayo ng 10 na bankang pumapalaot.
05:34Ngayon, dalawa na lang kada araw.
05:37Dahil nang walang masyadong order na dinadala sa market sa Manila.
05:43Maliban sa pangingisda, bagay ang mga turista ay nabawasan na rin daw.
05:47Gayon man, handa pa rin daw silang makipagtulungan sa isinasagwang search operation.
05:51Kung ano po yung kailangan nila nakakapag-provide tulad nga po ng mga bankang malalaki,
05:56tumawag sila kahapon at kailangan nila.
05:59Kami naman po ay nakaka... kami naman po ay willing na nakikipag-cooperate po sa kanila.
06:04Pia, ang mga tila pabigat sa suspicious object na nakita ng divers ng PCJ na iwan pa rao sa site,
06:14pero nakamarka na ang mga ito.
06:16Iri-retrieve din daw ang mga tila pabigat ng mga bato dahil posibleng makatulong ang mga ito sa investigasyon.
06:21At yan ang latest mula dito sa Laurel, Batangas. Pia?
06:25Maraming salamat, Rafi Tima.
06:28Dahil sa mga nakuhang buto sa Taal Lake,
06:31natingin ng Justice Department credible ang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy
06:37sa kaso ng missing Sabongeros.
06:39Sinagot din ang DOJ ang aligasyong tanimbuto o inilagay lang daw ang butong na iahon sa Taal.
06:45Nakatutok si JP Soriano.
06:50Desidido na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy na maghain ng reklamo o complaint affidavit
06:56laban sa mga polis na sinasabi niyang kasabwat sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabongero.
07:02Sa lones talaga nga pupunta na ako sa Napolcom.
07:07Yung mga polis na nabanggit ko kaya ipapahilan ko na ang DOJ sa Napolcom.
07:14Ayon kay Patidongan, aktibo pa raw ang isa sa mga sangkot na polis
07:19at nagmamayari umano ng isang fish pond sa Taal Lake.
07:23Siguro doon dinadala at doon siguro tinagawa yung pagpaslang sa mga missing sabongero.
07:31Sa kabuan ayon sa PNP, 34 sabongero at kasamahan nila ang naiulat na nawawala.
07:38Sa sobrang dami niyan, hindi ko masyado matandaan kung ilan yung mga nilubog nila dyan.
07:45Base doon sa mga video na naisin sa akin, asadyang mayroon talagang nilubog dyan.
07:52Nang makuha sa Taal Lake ang mga nangingitim ng buto, hinala ni Patidongan.
07:58Sa sobrang dami niyan, sa ginagawa nilang pambilisan, baka sinapsap na nila yan.
08:04Nilagyan ng pabigat na buhangin.
08:06Sinagot din ang DOJ ang aligasyon sa social media na tanim buto umano
08:11o inilagay lang daw ang mga butong na recover sa Taal.
08:15Sinusuri natin ng mainam kung saan tayo dadalhin ng ebidensya.
08:19Kailangan niyan merong science-based, merong ebidensya.
08:23At yun ang tinutumbok natin ngayon doon sa pagkakaroon ng Forensic Institute.
08:28Daraan sa pagsusuri ang mga naiahong buto sa Taal Lake.
08:31Sa tingin pa ng DOJ kay Patidongan.
08:34Incredible siya.
08:35At lalo na yung tinuturo niya na lugar kung saan tinagtapunan daw,
08:43ayon sa kanya, ng mga biktima sa kanyang tarumag-dumag na krimen,
08:51ay lumalabas na merong mga sako na buto.
08:54So, these are all developments that really would support his statement ng real ebidensya.
09:03Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
09:09Pansamata lang si Ruspende ang operasyon ng Mactan Cebu International Airport
09:15dahil sa nakitang pophole o yung pumbutas sa runway nito.
09:19May delay at pagbabago sa schedule ng flights dahil sa isinagawang inspeksyon at pagkukumpuni sa runway.
09:25Ayon sa MCIA, nakaschedule ang repair hanggang alas 6.30 ngayong gabi.
09:31At may umiiral din notice to airmen hanggang alas 7 ng gabi.
09:36Posible raw itong palawigin depende sa status o lagay ng pagkukumpuni sa runway.
09:41Nakikipag-unayin daw ang pamunuan ng airport sa mga airline
09:46at inibisuan nila ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanika nilang airline.
09:52Mismong si Vice President Sara Duterte na nagsabing edited o fake ang kumakalat na litrato ng kanyang amang
10:01si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano'y nakaratay.
10:04Nakatutok si Bernadette Reyes.
10:09Unang-una, nag-hearing, nandun ako walang kahit isang tanong.
10:14Ngayon may impeachment trial tapos magbibiscuss ako noon sa labas ng impeachment trial.
10:20Pag wala ng ibang venue, saka ako magsasalita.
10:26My explanations will be in my own time.
10:30Hindi sa panahon kung kailan gusto ng mga members of the House of Representatives.
10:36Ito ang sagot ni Vice President Sara Duterte sa mga batikos na mga kongresista
10:41kung bakit ngayon lang siya sumasagot kaugnay sa isyo ng confidential funds.
10:45Noong pinadalahan daw siya ng sulat ng Commission on Audit,
10:49maayos rao itong sinagot ng Office of the Vice President.
10:52Nitong martes, hininga ng Supreme Court ang Kamara at Senado
10:56na makakaragdagang impormasyon kaugnay sa impeachment ng vicepresidente.
11:00Nauna ng kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco
11:05na natanggap na nila ang notice mula sa Korte Suprema.
11:08Nanindigan din si Velasco na walang nilabag na rule sa impeachment
11:12ang kanyang tanggapan at ang Kamara.
11:14Sagot ng vice,
11:16Sumagot na lang siya sa Supreme Court.
11:18Nagtanong na ang Supreme Court doon sa mga questions
11:21na sa tingin nila may irregularity.
11:23So huwag, huwag siya sumagot sa atin.
11:25Hindi naman tayo nagtatanong doon sa Supreme Court.
11:29Siniguro din ang vice na maayos ang kalagayan ni dating Pangulong Duterte.
11:33Meron pong nagpadala sa akin ng foto na mukhang nasa hospital bed
11:40si dating Pangulong Duterte.
11:42Hindi totoo yung foto na yun.
11:44Malamang edited yung foto na yun.
11:47Ibang pasyente yun.
11:49Inanulang nila yung mukha ni dating Pangulong Duterte.
11:53Bala po siya sa hospital ng detention unit.
11:57Nandun po siya sa regular wing ng detention unit.
12:02At kanina, naglalakad naman siyang mag-isa,
12:06albeit may daladala siyang tungkod.
12:11Oo, may daladala siyang tungkod.
12:13So clearly, wala siyang sakit na kailangan niya maging federated.
12:22Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.
12:28Nang dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga,
12:32naaresto sa Maynila ang isang Korean national na matagal nang wanted sa Korea.
12:37Nakatutok si Jomer Apresto.
12:39Nakunaan sa surveillance video ang isang Korean national habang may hawak na ecstasy tablets sa Malate, Maynila.
12:49Makalipas ang ilang araw, nahuli siya ng mga tauha ng Ermita Police Station
12:53sa tapat ng isang convenience store sa bahagi ng Nakpil Street kasamang isang Pilipino.
12:58Naaktuhan raw siya ng mga otoridad habang bumibili ng iligal na droga sa isang lalaki.
13:03Matapos ang isinagawang verification sa Bureau of Immigration,
13:06napagalaman ng polisya na ang dayuhan na nahuli wanted sa South Korea
13:10at pinagahanap ng Interpol noon pang 2022.
13:13Operator daw ng ilang illegal gambling sites sa nasabing bansa ang sospek.
13:18Malaking tao ito.
13:19Visito sa report o ipinigay sa atin ng Interpol.
13:24Positively identified siya na siya yun.
13:26And then he is involved in series of online gambling activities sa kanilang lugar.
13:34Pusibleng hindi raw kagad nakilala ang sospek
13:37dahil gumamit siya ng ibang pangalan nang makarating sa Pilipinas.
13:40Sabi ng Manila Police District o MPD,
13:43Bagaman may red notice ang sospek, kinakailangan niya pa rin harapin ang kaso niya sa Pilipinas.
13:48After niya magawan ng documents dyan at nakapag-decide yung ating court,
13:56he will be extradited or deported to his country.
14:02Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng dayuhang sospek
14:05at ang Pilipino na sinasabing supplier niya ng iligal na droga.
14:09Na-inquest na sila at nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Act.
14:12Nakatakdang i-turn over sa immigration ng dayuhang sospek
14:15at nadalhin siya sa custodial facility nito
14:17habang gumugulong ang kanyang kaso sa bansa.
14:20Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
14:27Tumaas ang presyo ng isdad sa ilang pamilihan dahil mababa raw ang supply.
14:32Apektado rin ang presyo ng gulay dahil sa mga pagulan.
14:35Nakatutok si Bernadette Reyes.
14:37Kakaunti ang mga panindang isda ni Elizabeth ngayong araw sa Litex Market sa Quezon City.
14:46Medyo madalang po kasi dahil dun sa bagyo,
14:49tsaka mahirap kong mamili ngayon.
14:51Nauubusan ng stock, mahal pa po.
14:53Kaya ang mga mamimili tulad ni Hannah.
14:56Kung ano lang po yung kaya, kung anong budget namin, kung ano lang yung meron kami, yun yung ginagawa namin, yun yung niluluto.
15:03Dito sa Marikina Public Market, tumaas na rin ang presyo ng mga isda.
15:08May iba naman na wala talagang dumating na supply,
15:11habang ang mga galunggong naman, maliliit ang mga dumating ngayong araw.
15:15Sa monitoring ng Department of Agriculture, tumaas ng 20 pesos ang kada kilo ng galunggong.
15:20Sa ngayon, mahirap ang isang kartside, kaya pataas ng pataas ang presyo.
15:27Wala pong dating ngayon mga espada, tas yung mga galunggong, maliliit lang yung dating.
15:33Dahil naman sa mga pagulan, tumaas raw ang presyo ng ilang gulay.
15:37Ang palaya po, 130 po ngayon, dating 100 lang.
15:40Yung Repolyo parang medyo lusaw po eh, pero yung mga Tagalog matitibay.
15:45Nangangamba ang ilang nagtitinda na baka makaapekto rin sa presyo ng gulay
15:49ang panibagong oil price hike sa Martes.
15:52Tuloy-tuloy na yung ulan, and talagang papasok na yung bagyo,
15:56and then yung sa pagtaas ng gasolina.
15:58Siguro doon talaga siya maapektohan yung mga gulay namin.
16:03Ayon sa Department of Agriculture, base sa pinakahuling damage report
16:07dahil sa habagat at bagyong Bising,
16:09umaabot sa 34 metric tons ang nasirang palay sa Cavite.
16:13Hinihintay pa ang ulat kung may iba pang naiulat na napinsalang agricultural products.
16:18Kung kagay sa upland, hindi naman siya masyadong concert.
16:23Sa lola naman, wala naman nakre-report sa atin ang mga malawakang pagbahag.
16:28Para naman matiyak na sapat ang supply na isda,
16:31nauna nang pinayagan ang importation ng 25,000 metric tons ng isda.
16:35Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatuto 24 oras.
16:42Matapos po ang dalawang magkasunod na rollback,
16:45oil price hike ang nakaamba naman sa susunod na linggo.
16:48At sa tansya ng kumpanyang Uni Oil, hanggang piso at 30 cmol kada litro ang posibeng dagdag presyo sa diesel.
16:55Hanggang 50 cmol naman sa kada litro ng gasolina.
16:59Maunong sinabi ng Oil Industry Management Bureau na kabilang sa dahilan ng pagtaas ng presyo
17:04ay ang pagbaba ng produksyon ng langis na Amerika habang tumatas ang demand
17:08at ang pag-atake ng mga hooties sa mga shipping vessels sa Red Sea.
17:13Ngayong araw po, i-inquest ang tatlong suspect na nanghold up at pumatay sa isang TNVS driver.
17:20At sa Autocity Report, lumalabas na dalawang beses sinaksak sa kaliwang bibib
17:24ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
17:27Nakatuto si Nico Wahe.
17:33Alas 5 ng hapon kanina nang ma-inquest sa DOJ para sa kaso of robbery with homicide
17:38ang tatlong suspect na pumatay kay Raymond Cabrera,
17:40ang TNVS driver na nawala noong Mayo at natagpuan ng bangkay kahapon sa Saragosa, Nueva Ecija.
17:47Mismong mga sospek ang nagturo ng kinaroroonan ng katawan matapos silang sumuko.
17:52Matapos ang inquest ay dinala sa NBI Detention Facility sa Montinlupa City ang tatlong sospek.
17:57Sa Autocity Report, lumalabas na dalawang beses sinaksak sa kaliwang dibdib si Cabrera
18:01na naging sanhin ang kanyang pagkamatay.
18:03Kitchen knife o mano ang ginamit sa pagsaksak at hinahanap pa rin ito ng NBI.
18:08Nasa advanced decomposing stage na rin daw ang katawan at inuood.
18:1290% na raw na siguradong ito ang nawawalang si Cabrera.
18:16Yan ay matapos i-identify mismo ng kanyang anak ang sapatos na suot nito
18:20at maging ang screw nito sa braso.
18:22Positively identified siya.
18:24True D, yung sapatos niya, yung mga gamit niya.
18:28Plus meron siyang screw sa may braso at saka sa arms nung maaksidente siya.
18:35So yung mga yun ay na-positively identified siya ng kanyang anak na siya ngayon.
18:42DNA test result na lang daw ang hinihintay.
18:45Pero ito turnover na raw ng NBI ang katawan sa pamilya.
18:48Bandang alas 6 kahapon, nakrimit ang labi ng biktima sa Tarlac City
18:52at dinala sa isang punerarya sa Zaragoza, Nueva Ecija.
18:55Sa lunes, inaasahang kukunin ang mga kaanak ng biktima ang kanyang labi.
18:59Para sa GMA Integrated News, Ngi Kuahe, Nakatutok 24 Oras.
19:04Pansamantalang sinuspindi ang operasyon ng isang flight school matapos bumagsak ang isa sa kanilang training aircraft sa Zambales.
19:12Nagpapagaling sa ospital ang piloto at tatlong estudyante.
19:16Nakatutok si JP Soriano.
19:20Nagtulong-tulong ang mga residente at otoridad sa pagsagi sa mga sakay ng bumagsak na training aircraft ng isang flying school sa Iba Zambales.
19:29Lula nito ang isang piloto na flight instructor at tatlo pang sakay ng mga student pilot.
19:36Agad silang dinala sa ospital at patuloy na nagpapagaling.
19:40Ayon sa PNP Aviation Security Group, mag-aalas 9 ng umaga kahapon, lumipad ang training aircraft mula Iba Zambales
19:48nang bumagsak sa isang agricultural area.
19:51Ipinatawag ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga opisyal ng flight school
19:57at pansamantalang sinuspindi ang operasyon habang isinasagawa ang imbistigasyon.
20:02Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
20:10Tila naging waterfalls ang gilid ng Cannon Road dahil sa pag-agos ng tubig mula sa bundok.
20:15Binahari ng ilang lugar sa Iloilo at Davao City.
20:18Nakatutok si Aileen Pedreso ng KMA Digital.
20:22Sa kuha ng motoristang ito habang binabagtas ang kahabaan ng Cannon Road sa Bingget,
20:29nagmistulang waterfalls na ang gilid ng kasada dahil sa tubig ulang bumabagsak mula sa bundok.
20:35Bahagyaring bumigat ang daloy ng trapiko sa pag-iwas ng mga motorista sa bahaging binabagsakan ng tubig.
20:41Abiso ng otoridad, dumaan na muna sa Marcos Highway lalo na kung maulan.
20:46Nasa halos 400 residente ang inilikas bunsod na mataas na baha kagabi sa Haruiloilo City.
20:53Ang itinuturong dahilan, ang pag-apaw ng tubig sa irrigation canal.
20:57Humupa rin ang baha at nagsiuwian na rin ang mga lumikas.
21:01Ganyan din ang naging sitwasyon sa Bocol City kagabi.
21:05Makikitang dahan-dahan lang ang takbo ng ilang motorista dahil sa baha.
21:09Siam na barangay ang apektado ayon sa CDRRMO.
21:12Nagsagawa na ng rescue operations ang lokal na pamahalaan at ilang volunteer kaninang madaling araw.
21:18Rumagasa ang baha at nagsitumbahan naman ang ilang puno sa Davao City kagabi.
21:22Bunsod na malakas na ulan at hangin.
21:24Para sa GMA Integrating News, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV, nakatuto 24 oras.
21:31Baka puso, patuloy na minomonitor ng pag-asa ang isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
21:37Namatakan yan sa layong 2,050 kilometers east-northeast of extreme northern Luzon.
21:43Pero ayon sa pag-asa, maliit ang tsansa na pumasok yan sa PAR dahil dahan-dahan itong lumalayo.
21:49Sa ngayon, patuloy na magpapaulan sa buong bansa ang southwest monsoon o habaga.
21:54Base sa rainfall forecast, ang Metro Weather posibleng makaranas ang light to intense rains bukas sa hilagang bahagi ng Luzon, lalong lalo na sa malaking bahagi ng Kalinga.
22:03Posibleng ulanin ang ilang lugar sa Central Luzon, Calabarzon at Pimaropa.
22:08May tsansa rin ang light to intense rains bukas sa malaking bahagi ng Visayas at Pindanao pagdating ng hapon.
22:13Light to moderate rains naman ang posibleng maranasan bukas sa Metro Manila.
22:24Hindi lang daw langit at dagat ang kulay blue sa Cagayan, pati na ang mga nalambat kamakaila ng mga dikya na kung tawagin ay LULU.
22:32Bakit blue ang mga LULU? Kuya Kim, ano na?
22:39Di ak LULU ang inyong mga mata sa nalambat ng mga manging isda nito mula pamplo ng Cagayan.
22:44Hindi lang mga isda, kundi napakaraming kulay asul ng dikya.
22:48O kung tawagin sa kanilang probinsya, LULU.
22:51Ang mga LULU, madalas na lumilitaw sa mga dagat ng Cagayan tuwing Hunyo at Hulyo.
23:07Pero ang comment section na inupload ng video ni Oliver, halos malunod sa tanong.
23:12Bakit na walang takot na inahawakan ng mga manging isda ang LULU?
23:16Hindi ro ba ito delikado?
23:17Pag natalsikan ka, makati lang siya, lalo na po sa mga sensitive na area.
23:24Sana yun na po, mula pagkabata, alam na po namin na jellyfish po yun.
23:30Kuya Kim, ano na?
23:33Ang mga LULU, kilala rin daw sa tawag na jelly blubber o blue blubber jellyfish.
23:38Binansagan man silang blue blubber.
23:40Pero meron din mga species ng tikyang ito na kulay puti o brown.
23:44Ang kanilang kulay nakadepende sa algae na kanilang kinakain.
23:48Di tulad sa napakadelikadong box jellyfish, mild lang daw ang sting ng mga LULU.
23:53Pero maaari pa rin daw tumagdulot ng rashes kung maraming beses, mas sting nito.
23:57Kapag mayroong direct contact sa skin,
24:00so nagkakaroon ng allergic reaction.
24:02So depende sa toxins na present.
24:05But ang pinakamadaling prevention for that is
24:10ibabad lang sa suka for 15 seconds.
24:12Kaya mainam pa rin na iwasan ang mga ito kung makakakita nito sa dagat.
24:16It's also an indicator na there could be ecological imbalance.
24:20Indicator na parang ko konti na yung mga natural predators.
24:26Laging tandaan, kiimportante ang may alam.
24:29Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
24:36Walang pag-aalinlangan na pumasok ang batang yan sa loob na isang claw machine
24:41sa isang shopping center sa Mason, Ohio, sa Amerika.
24:45Nakita pa ang bata ng isang lalaki bago ito tuluyang nakapasok sa machine.
24:49Ilang sandali lang, naabutan ang nanay ng bata ang kanyang anak
24:52na na-stuck na pala sa loob.
24:55Sinubukat pa siyang ilabas pero bigo ang kanyang nanay.
24:59Para may ilabas ang bata, dilala pa ang machine sa isang shop.
25:02Doon kinalas ang claw machine at saka nakalabas ang bata.
25:06Ligtas na ang bata na hindi naman nasaktan.
25:11Nabulabog na ang sunog ang ilang residenteng nakatira sa isang gusali sa Binondo, Maynila.
25:15Ang mga bombero kailangan pagsirain ng gate para makapasok sa gusali.
25:19Nakatutok si Jomera Presto.
25:26Sunog ang gumising sa mga residente ng gusaling yan sa baragay 282 Binondo, Maynila,
25:31mag-aalas 5 ng madaling araw kanina.
25:34Ang may-ari ng katabing karinder yan na si Remy Quendoza,
25:37paalis na sana para mamalengke nang mapansin na nasusunog ang katabing gusali.
25:42Agad daw niyang binuksan ang fire exit ng kanyang kainan para makapasok ang mga bombero.
25:47Mamalengke sana kami.
25:49Ngayon may naglalagotokan.
25:51Pagdating dito, pagtingin namin yun nga,
25:53umaano na.
25:54May mga nasusunog na.
25:56Nandiyon po yung mga gamit namin.
25:57Naglikas din po kami kasi mahirap na.
26:01Winasak na rin ang mga bombero ang maliit na gate na ito para makapasok ang iba pang bombero.
26:06Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog bago naapula, dakong alas 6 sa 6 ng umaga.
26:11Hindi naman na damay ang mga katabing gusali pero gumapang ang usok.
26:14Mabutit kaagad na nakalika sa mga residente roon.
26:17Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog.
26:21Walang napaulat na namatay o nasugatan sa insidente.
26:24Patuloy ang investigasyon ng BFP kung magkano'ng halaga ng pinsala sa ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng apoy.
26:31Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
26:39Nasa basketball pa rin ang puso ng dating Gilas Pilipinas captain na si Jimmy Alapag.
26:45Kabilang po siya sa coaching staff ng NBA team na Sacramento Kings.
26:50Nakatutok si Martin Javier.
26:54Dating kapitan ng Gilas Pilipinas, ngayon ay patuloy pa rin ang paggabay sa mga batang manlalaro.
27:01Si The Mighty Mouse Jimmy Alapag ay kabilang sa coaching staff ng isa sa mga kupunan dito sa nagaganap na NBA Summer League 2025 sa Las Vegas.
27:11Itinuturing na legend sa Philippine basketball.
27:16Ang kanyang kaalaman sa larangan.
27:18Ibinabahagi sa Sacramento Kings.
27:21Bilang player development coach sa ikatlong taon.
27:24Bahagi siya ng Summer League coaching staff ng team na dumayo sa Las Vegas para sa torneo.
27:29It's a huge blessing Martin.
27:31Extremely thankful to still be on board and still be here in the NBA.
27:36Excited to be here at Summer League.
27:37We've got a great young group.
27:39So looking forward to continue working with them.
27:41Good first win.
27:42But we want to continue to get better.
27:45We have a big challenge coming up in our next game on Saturday.
27:48So we'll keep working and see what happens.
27:52Bilang player development coach, nakatutok siya sa ilang manlalaro para maabot ang kanilang potensyal.
27:58I helped a lot of the offensive scouts during the NBA season as well as working with certain guys on our team.
28:05In the past, it's been Davion Mitchell.
28:08I continued to work with Keon Ellis.
28:10And then now, for this upcoming year, I'll be with Devin Carter.
28:13Ayon kay Coach Jimmy, malaki ang papel ng paglalaro niya sa Pilipinas sa kanyang tinatahak na landas ngayon.
28:20Nakafocus siya sa overall improvement ng kanyang kupunan.
28:24It allows me to, when I'm helping these guys, reflect on some of my past experiences,
28:30be able to translate that to helping the guys that are here.
28:33The thing that I'm excited about the most is just, you know, an opportunity to get better.
28:37Hopefully, we'll give ourselves that chance going into next year.
28:39Mula sa Las Vegas, Nevada.
28:42Ako si Marty Navier, Nakatutok 24 Horas.
28:47Nagliyabang sa motorsiklo sa gitanang kalsada sa Lawag City sa Ilocos Norte kahapon.
28:52Sakto may mga bubero na nasa lugar kaya't agad nilang nirespondihan ang sunog.
28:56Ayos sa mga bubero, hindi nasaktan ang driver na agad na nakababa
29:00nang mapansin niyang mainit at nasusunog na ang makina ng tricycle.
29:04Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.
29:09On to the next project na si Sophia Pablo at Allen Ansay na mapapano this time sa big screen.
29:17And what's next for Anton Vinson matapos ang kanyang unang project na Mga Batang Riles.
29:22Narito ang aking chika.
29:23Sinulit ni na Sophia Pablo at Allen Ansay, a.k.a. Team Althea, ang kanilang time lalot nagpe-prepare na sila for their next project
29:36after ng successful run ng seryang Prinsesa ng City Jail.
29:40This time, exploring new territories at hindi na sa telebisyon.
29:45Ang first movie na kanilang gagawin, paribagong genre din para sa kanila.
30:03It's horror!
30:05So, Obama!
30:07And also, ngayon talaga, mapapansin niyo sa amin ni Sophie.
30:11Sasabay na sa akin si Sophie sa pag-gym kasi medyo pinagpa-prep siya for our next show na hindi pa pwede sabihin.
30:17Si Anton Vinson naman, very thankful sa naging pagtanggap ng mga manonood sa kanya sa unang project niyang ang mga Batang Riles.
30:26Ipinakilala na rin siya sa Saturday Afternoon School drama na Maka Next Chapter,
30:32kung saan kasama niya ang co-star niya sa mga Batang Riles na si Rahil Biria at Campus Cuties 2025 grand winner Madramos.
30:41Hindi ko po ini-expect yun eh, pero grabe po yung pag-tulong sa akin ng Maka kasi...
30:49Ano mo raw yung pagiging Batang Riles mo sa Maka?
30:51Yun na nga eh, parang naging bully ako, naging mabait, tapos naging bully.
30:55Parang gusto ko munang gumulpis ang mga Maka na yan.
31:03Team Dustby o Team Wilka ba kayo?
31:05Masayang nag-bonding ang PBB housemates na sina Will Ashley at Bianca Devera sa isang benefit gig.
31:12May paayuda rin ang Dustby duo sa kanilang shippers dahil sa isang fan-meet,
31:16ibinunyag ni Dustin Yu na may promise daw siya kay Bianca.
31:20Alam niyan sa chika ni Athena Imperial.
31:22Full support ang PBB Celebrity Colab Edition housemates na sina Will Ashley at Bianca Devera
31:31sa special fundraising gig with OPM artists for the benefit of animal welfare.
31:36Ginanap ito kagabi sa UP Village sa Quezon City na dinaluhan ng Will Catcher Community
31:42o ang supporters nila Will at Bianca.
31:45Parehong animal lover si na Bianca at Will. Cat person si Will.
31:49Ngayon po nasa bahay dalawa eh, dalawang pusa.
31:52Super na-miss mo yun?
31:53Super! Grabe yun.
31:55Hanggang ngayon nga hindi ko po na nakikita kasi hindi pa ako nakaka-uwi.
31:59Si Bianca naman, malapit sa mga aso.
32:02Matatanda ang pinagbigyan ni Kuya ang dalawin ni Bianca ang fur baby niyang si Peach
32:06nang pumanaw ito habang nasa loob pa ng bahay ni Kuya si Bianca.
32:10I'm seeing all of this right now. I'm sure she's very very proud
32:14at nararamdaman ko rin yung pagmamahal para sa kanya kahit na nasa heaven na siya.
32:18Kagabi, nakasalamuhan ng dalawa ang Ambasa Dogs at Diplo Cat
32:23ng Potion Project Foundation Inc.
32:25Obvious ang closeness ng dalawa habang nag-e-enjoy sa event.
32:29Ano naman kaya ang masasabi nila sa nag-trend nilang video
32:32when they hugged each other during the big night?
32:35Nagulat po ako nung nakita ko na talaga nag-trending siya.
32:38But at the same time, sobrang grateful po ako na maraming tao talaga yung sumusuporta sa amin ni Bianca.
32:44It was a beautiful moment shared and we're so happy na minahalin yun ng tao.
32:50Giving Das Bia ayuda naman ang pagdalo ni Bianca with Dustin Yu sa isang fan meet.
32:58I made the promise to Bianca.
33:02Wala pa nga eh.
33:03I made the promise to Bianca na to take her face.
33:13I believe in her face.
33:16Ako naman, I made the promise to him.
33:19Sabi ko sa kanya,
33:20outside kung kakailangan ng ipaglaban ko siya sa buong mundo.
33:27As duos.
33:32Hinarana pa ni Dustin si Bianca na lalong nagpakilig sa kanilang shippers.
33:39Ilang beses na naging emosyonal ang duo habang pinapanood ang kanilang pinagdaanan sa bahay ni Kuya.
33:45Naging emosyonal si Bianca nang mag-donate ang kanilang official fan group para sa Animal Kingdom Foundation.
33:53Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
33:58Mapapanood na ngayong gabi ang Beyond 75.GMA Anniversary Special.
34:03Ang mga kapuso stars na dumalo.
34:06Nag-shine bright like a diamond sa diamond anniversary ng Kapuso Network.
34:09All out at concert level na performances at ilang kaabang-abang na collaborations ang mapapanood.
34:16May special guest pa.
34:18Mapapanood ito mamayang 7.15pm sa GMA, GMA Pinoy TV, GMA Network YouTube channel at iba pang GMA online platforms.
34:26And that's my chika. It's Saturday night. Ako po si Nelson Canlas. Pia, Ivan.
34:34Thank you, Nelson.
34:36At yan po, ang mga balita ngayon sabado para sa mas malaking emisyon at sa mas malawa ng paglilingkod sa bayan.
34:43Ako po si Pia Arcangel.
34:44Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
34:50Nakatoto kami 24 oras.
Recommended
36:23
|
Up next
1:26
13:58
10:44