00:00Inilunsad sa Pampanga, ang panibagong regional warehouse ng Social Welfare Department
00:05na inasa ang magpapabilis ng deployment ng relief goods sa iba't ibang lugar.
00:09Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:12Mas mabilis at mas efficient na disaster response ang tugon ng Department of Social Welfare and Development
00:19sa panibagong hakbang na isinagawa sa Clark, Pampanga.
00:22Katuwang ang Basis Conversion and Development Authority at Clark International Airport Corporation.
00:28Ililipat sa Clark, Pampanga, ang regional disaster response warehouse ng DSWD
00:33dahil bukod sa maayos na daloy ng trapiko, ilang minuto lang din ang layo nito sa airport.
00:39Kaya mas mabilis ang deployment ng relief goods sa anumang panig ng bansa.
00:43Kung may mangyari man sa ibang bahagi ng bansa, tinutulungan kami ng Air Force
00:48and dito yung airport nila napakalaki and can accommodate the C-130s na ginagamit namin to transport our goods.
00:54Gagamitin ang dating DFA building bilang bagong command center at bodega ng relief goods.
01:01Retrofitting na lang ang kailangan ayon sa SIAC.
01:03We want to make sure that it's a strategic location where you can launch your disaster response immediately
01:09and address yung mga needs ng Pilipino people.
01:13Inasang magiging operational ang bagong pasilidad sa loob ng 60 hanggang 70 araw bilang tugon
01:19sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat laging handa ang pamahalaan sa sakuna.
01:26Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.