24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Naghain ang reklamong cyber libel sa DOJ si Sen. Risa Ontiveros
00:06laban sa 6 na personalidad na anyay nagpakalat ng mapanirang video ni Alias Rene.
00:12Sinampahan din ang reklamong cyber libel si Michael Maurillo na nagpakilalang Alias Rene.
00:19Sinabi noon ni Maurillo na tinakot at binayaran umano siya ng Senadora para tumestigo
00:25laban kinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at Pastor Apolo Quiboloy.
00:32Itinanggi ni Ontiveros na binayaran si Maurillo at sinabing si Maurillo ang nag-alok na tumestigo
00:39kaugnay ng umunoy pang-aabuso ni Quiboloy sa ilang miyembro ng kanyang religious group.
00:45Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, hindi muna siya magkokomento hanggang hindi formal na natatanggap ang summons kaugnay ng reklamo.
00:52Hindi pa niya nakita ang kopya ng complaint.
00:56Sabi naman ni Banat Bay, ginagamit ang Senadora ang libel laban sa mga kritiko.
01:02Tinawag naman ni Tio Moreno ang hakbang bilang legal harassment at bullying.
01:06Habang si Kaeric Celis, tinawag itong pag-atake sa free speech at freedom of expression.
01:13Sinusubukan pa po namin makuhanan ang pahayag ng iba pang respondent sa reklamo ni Ontiveros.
01:22Dahil sa kawalan ng tulay, nanganganibang mga tumatawid sa isang lumaragasang ilog sa barangay Puray sa Rodriguez Rizal.
01:32Kaya para may ligtas na daanan, ang mayigit apat na libong residente doon,
01:38ipagpapatayo sila ng bago at matibay na kapuso tulay ng GMA Kapuso Foundation.
01:46Tuwing bumubuhos ang malakas na ulan, lakas loob na nilulusong ng mga estudyante sa barangay Puray sa Rodriguez Rizal ang rumaragasang ilog.
02:02Bukod sa mga gamit, ay bit-bit na rin nila ang mga sapatos.
02:05Makapasok lang.
02:08Sa ilog din tumatawid ang mga guro habang sinisikap na huwag mabasa ang mga dalang modules na gagamitin ang mga estudyante.
02:19Hirap din ang mga katutubong dumagat remontado sa lugar na itawid ang mga binibenta nilang root crops.
02:26Pag ito po kasi ibahang-baha, yung aking mga kamag-anak na mamaybay sila ron, diyan sila dumadaan sa gubat para lang makalusot sila rito sa kabila.
02:36Halos wala namang kasing tuloy-tuloy na daan, kumbaga may higit isang oras din.
02:41Ang kanilang kalbaryo, nasaksiyan ng GMA Kapuso Foundation.
02:46Kaya bilang tulong, sisimula na natin ang pagpapatayo doon ng 50 meter long cable suspended concrete and steel hanging bridge sa ilalim ng ating Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project.
03:03Inapili natin ito. Tinamaan kasi siya ng dalawang malakas na bagyo.
03:07Itong bagyong Karina last year at saka yung bagyong Enteng.
03:11Hindi sila makatawid. Ang taas-taas ng tubig, sisiguraduhin natin na hindi na kayo maa-isolate.
03:19Naging posible ang proyekto dahil sa pakikiisa ng ating sponsors, donors, partners at volunteers.
03:26Ang ating participation dito, hindi lang sa security, but kasama tayo na tutulong para mapabilis ang pag-construct ng tulay.
03:37Ang physical na contribution natin dito ng LGU ay yung mga aggregates.
03:42Aggregates tayo and then to facilitate yung mobility ng lahat ng mga materyales.
03:47Tulungan po natin ang muling pag-unlad ng mga tagapuray.
03:52At sa mga nais na mamag-donate, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Lowal Year.
04:00Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
04:04Target ng Administrasyong Marcos na wala nang babayarang kontribusyon ang mga PhilHealth Beneficiary.
04:15Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, tinatrabaho ng gobyerno na dahang-dahang mabawasan ang kontribusyon ng mga membro hanggang sa maabot yan.
04:25Palalawakin din na niya ang coverage ng PhilHealth.
04:28Sinabi yan ni Pangulong Marcos kanina sa okasyon ng pamahagi ng mahigit 300 patient transport vehicle na pinunduhan ng isang bilyong piso ng PCSO.
04:39Pag naayos natin ang ating ekonomiya ng mabuti at kaya na natin, ay kaya naman siguro natin wala nang kontribusyon ng pasyente.
04:51Siguro yung mga kagaya sa ibang lugar na nakikita ko na nasubukan ko, administrative costs lang.
04:59May sapat ng bilang para manatiling Senate President si Sen. Cheese Escudero batay sa pakikipag-usap ng GMA Integrated News sa mga magkakaalyadong senador.
05:11Kabilang dyan ang ilang makaduterte at ilang tumakbo sa ilalim ng senatorial slate ng administrasyon itong eleksyon.
05:19Nakatutok si Mav Gonzalez.
05:20Naghayag na yun ang suporta para kay Sen. Cheese Escudero ang tinagroy ang Duterte Black sa Senado para manatili siya sa pwesto, ayon kay Sen. Bato de la Rosa.
05:33Nakapag-commit na kami. I don't know kung nakapirma na yung iba.
05:38Ay kayo, sir.
05:38Ako, nakapirma na ako.
05:39I don't know kung nag-usap na sila personal eh, pero in principle, kami, Duterte Black, napag-usapan namin, we are inclined to support the Senate President Cheese Escudero.
05:56Bukod kay de la Rosa, kasama rito si na Sen. Bongo, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Aimee Marcos at magkapatid na Mark at Camille Villar.
06:04Batay sa aming pakikipag-usap sa mga magkakaalyadong senador, lumalabas na para rin kay Escudero ang magkapatid na si na Alan Peter at Pia Cayetano,
06:14magkapatid na JV Ejercito at Jingoy Estrada, at magkapatid na Irwin at Rafi Tulfo.
06:19His stand towards impeachment is not a factor to our decision in choosing him as our Senate President.
06:30Ang pinaka-big factor dyan na nakikita ko lang talaga is yung pagka-open niya, nakikinig siya.
06:38Pag-impeachment na ang pinag-usapan, kanya-kanya kami ng decision dyan.
06:42Ito namang sa leadership, nag-usap kami ng mga kasamahan ko sa partido na we will vote as one, as a black.
06:54Una, apat kami, naging lima, naging pito. Kung sino yung makakatulong sa mga pagsusulong ng mga programa, na makakatulong sa mga mahirap.
07:05I think, hindi lang siguro nagpapatawag si SPG's ng caucus as a whole, the body as a whole, but I think he talks to them as blacks or as groups.
07:20Kung tuloy ang kanilang pagsuporta kay Escudero hanggang sa magbukas ang sisyon, meron ng labing tatlong boto si Escudero o mayorya.
07:29Pero tuloy pa rin daw sa pangangampanya para kay Sen. Tito Soto ang kanyang grupong veterans block na binubuo ng limang senador.
07:36There are mini caucuses that are happening still right now. I believe Sen. Larry Legarda has been meeting also several individual senators.
07:44Sen. Soto as well and Sen. Ping Lakson are meeting individual senators. It's a slow process, but eventually, we'll never know. On the 28th of July, we'll see what happens.
07:56Hindi pa malinaw kung para kanino ang ibang senador, pero nababanggit ang mga pangalan ni na Sen. Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa mga magkakaroon ng komite kung mananatili sa pwesto si Escudero.
08:07Nang aming tanungin, sinabi lamang ni Pangilinan na hintayin na lang ang pangbubukas ng 20th Congress habang wala pang tugon si Aquino.
08:15Si Sen. Rizontiveros na nangampanya para kinapangilinan at Aquino noong eleksyon, sinabing mananatili siya sa oposisyon.
08:22Hindi ako naha-hurt, basta patuloy akong maninindigan. Kung ang bawat isa sa amin ay may sariling diskarte, ako rin naman po, basta nakatutok pa rin ako doon sa layunin na palakasin yung oposisyon, hindi lang sa loob, pati sa labas ng Senado.
08:42Nababanggit din ang pangalan ni Sen. Ruin Gatchalian sa mga mabibigyan ng komite. Hinihingan pa namin siya ng pahayag.
08:48Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
09:18Para takasan ang heatwave na naranasan ngayon sa ilang bahagi ng Europa, ang takbuhan ng ilan, mga beach.
09:24Pero sa halip na mapreskohan, ang ilang beachgoer sa Buarcos Beach sa Portugal, nang lamig sa kanilang nadatnan.
09:33Gusto lang isang tsunami na pampalapit sa dalampasigan.
09:36Pero kung titignang maigi, hindi ito higanting anon, kundi isang ulap.
09:41Sa takot ang ilan sa mga naniligo na paahon.
09:43Habang ang iba, agad na binidyohan ang pambihirang view.
09:47Ayon sa pag-asa ang namataan sa Portugal, isang rare na ulap na kutawagin roll clouds.
09:51Isa siyang roll cloud, which is a form of an arthus cloud.
09:55May merong rolling effect sa nangyayari dun sa nakikita natin na ang gulo.
10:00Usually associated yan sa pagkikod din ng hangin na nanggagaling dun sa thunderstorm, na siyang pinanggalingan ng roll cloud na rin.
10:08Ang roll clouds matatagpuan sa bababang parte ng kalangitan.
10:12Pero hindi ito dumidikit sa lupa.
10:13Horizontal o pahalang ang ulap na ito.
10:16Parang isang malaking rolyo o tube sa langit.
10:18Hindi rin sila konektado sa ibang ulap gaya ng thunderstorm clouds.
10:22Kaya hindi ito nagdadala ng ulan.
10:24Gayunman, maaring sinyalis ito ng papalapit na pagbabago ng panahon.
10:28Talagang ang reason yan is the thunderstorm itself.
10:30Typical yan na nangyayari sa mga continental areas but not because of tropical regions gaya ng Pilipinas.
10:36Ang heatwave kasi is associated sa temperatures.
10:39Regardless kung meron mong mabuo mga thunderstorms, kung ang temperature mo talaga is abnormal,
10:44masasabi natin na magkakaroon nga ng heatwave.
10:46Pero alam niyo ba kung paano nabubuo ang mga pambihirang ulap na ito?
10:50Kuya Kim, ano na?
10:56Kapag bumubuga ang malamig na hangin, tinutulak nito ang mainit at humid na hangin pataas.
11:02Habang umaakyat ang mainit na hangin, lumalamig ito at nagpo-condense.
11:06Dito nabubuo ang isang ulap.
11:08Kapag merong windshear o yung pag-iba ng direksyon at bilis ng hangin,
11:11umiikot horizontally o pahalang ang ulap.
11:14Kaya nabubuo ang tila rolyo o malatubo na hugis ng isang roll cloud.
11:18Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita ay post o ay comment lang,
11:22Hashtag Kuya Kim, ano na?
11:24Laging tandaan, kimportante ang may alam.
11:27Ako po si Kuya Kim, magsagot ko kayo 24 hours.
11:30Mabilis na chikayan tayo para updated sa Sherbiz Happenings.
11:40Layag na layag ang Wilka Shippers nina Wil Ashley at Bianca Devera sa Outside World.
11:47Ang kanilang TikTok entry na ipinost ni Wil may 12 million views na at 3 million likes.
11:53Kuha ang video niya nang magbalikbahay ang housemates para sa kanilang Thanksgiving party.
12:00London workation mode on ang Julliver.
12:04Ilang tourist site ang hindi pinalampas ng couple sa kanilang trip sa London,
12:08kagaya na lang ng Big Ben, Buckingham Palace at Stonehenge.
12:12Naroon ang Julliver para sa London Barrio Fiesta 2025.
12:16Wow!
12:19A sweet birthday surprise ang inihanda ni Max Collins at Pancho Magno para sa kanilang baby boy na si Sky.
12:25Sa post naman ni Max, mala cowboy look ang birthday boy habang binablow ang kanyang cake.
12:32Bamala po, sensitibo ang video na inyong mapapanood.
12:37Nakuha na ng isang lola sa Lapulapo City sa Cebu,
12:41nang inungudud ang ulo ng sariling apo sa baha.
12:44Umiiyak at nagmamakaawa na labing dalawang taong gulang na apo habang pilit na nilulubog ng kanyang lola.
13:00Binitiwan din ito ng lola kalauna na tagad tumakbo ang bata.
13:04Ayon sa investigasyon, nangyari ito noong Marso pero kahapon lang ito na post sa social media.
13:10Depensa ng lola sa Lapulapo City Social Welfare and Development Office,
13:16dinidisiplina niya lang ang apo matapos maligo sa baha kahit pinagbawalan niya.
13:22Nagsisisi raw siya sa ginawa.
13:24Isa sa ilalim rin sa counseling at monitoring ang bata.
13:29Hinalay na hiningan pa umano ng pera ang isang grade 12 student sa Quezon City.
13:34Ang sospek, isang lasing na construction worker na agad ding naaresto sa tulong ng mga rumorod ng patrol car ng polis.
13:43Nakatutok si James Agustin.
13:48Pauwi na sa kanilang bahay ang isang babaeng estudyante nang sundan siya ng isang lalaki sa bahaging ito
13:54ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City, magalas 11.20 ng gabi noong Sabado.
13:58Ang lalaki agad na lumapit sa estudyante.
14:01Sa imbisikasyon sa apilitan umanong isinaman ng lasing na lalaki,
14:04ang 17-anyos na estudyante sa bakanteng lote at doon pinagsamantalahan.
14:09Ang biktimang grade 12 student katatapos lang bumili ng pagkain at school materials.
14:14Nung sinundan siya ng sospek, inakbayan siya at tinutukan ng patalim.
14:21Siyempre nagsisigaw po yung biktima kaya sinabihan siya ng sospek na huwag kang maingay, papatayin kita.
14:27At pagkatapos po, dinala po niya doon sa isang madilim na lugar, sa loob din po ng subdivision.
14:34At doon nga po nangyari yung krimen.
14:36Nanghingi pa raw ng pera ang sospek sa biktima matapos ang krimen.
14:40Pasado ating gabi na makuna sa CCTV ang pagdating ng dalawa sa convenience store.
14:43Initially, nagbigay si victim ng 66 pesos and then nakulangan niya tayong sospek ng hingi pa ng additional.
14:55Kaya nagpunta sila sa convenience store para magpa-cash out.
14:59And then, yun nga po, since may mga tao roon sa convenience store, doon po nakahingi ng tulong yung ating biktima.
15:07Nahagip din sa CCTV ang paghingi ng tulong ng biktima sa napadaang motorista.
15:12Itinuturo pa niya sa driver ang sospek hanggang sa dumating na ang patrol car ng polisya na rumoronda noon sa lugar.
15:18Inaresto ang 32 anyo sa sospek na isang construction worker.
15:23Nakuha naman sa bakanting lote ang ginamit niyang kutsilyo.
15:26Ayon sa polisya, dalawang linggo pa lang nagtatrabaho sa subdivision ng sospek.
15:30Aminado siya sa nagawang krimen.
15:31Nagisisi po ako sa akin ginagawa.
15:35Sobra po sir, kasaray ka naman po ng alak.
15:37Sana po mapatawad po nila ako.
15:39Laki nagawa.
15:40Nasa pa ng sospek na reklamong paglabag sa anti-rape law.
15:44Ang biktima sumasa ilalim sa counselling ng Social Services Development Department.
15:49Para sa Gemma Integrated News, James Agustin, Nakatuto, 24 Horas.
15:53Ngayong tag-ulan, tumataas muli ang Bantanang Dengue.
16:09And while we're waiting para sa safe at effective na vaccine kontra dyan,
16:13may nagde-develop din sa Amerika ng mosquito trap na may artificial intelligence.
16:18Para saan kaya ang AI nito?
16:20Tara, let's change the game!
16:22Ang vacation getaway sana ng pamilya ni Nanay Janet nitong bakasyon na uwi sa pagpapagaling.
16:33Apat kasi sa liman niyang anak, sunod-sunod na nagkasakit ng dengue.
16:38Si Queenie, 12 years old, ang unang nagpakita ng sintomas.
16:45Sinunda ng kanilang punso na kinailangang makonfine.
16:49Umabot ulit ng tatlong araw, ayaw niya na kumain. Sinusukan na lang na.
16:54Hindi rin lusot ang dalawang nakatatandang kapatid na parehong na ospital ng anim na araw.
17:00Sabi ko, naku, yun ba yan? Wala namang katapusan ito.
17:06Ang mga anak ni Janet, kabilang sa mahigit 130,000 dengue cases na naitala ngayong taon.
17:14At inaasahang tataas pa dahil sa mga pagulan.
17:17Kinukonsidera ang isa sa mga deadliest animals ang lamok dahil sa mga sakit nilang nadadala tulad ng malaria,
17:23zika, at dengue.
17:25Kaya bukod sa preventive measures, isang makabagong AI-powered mosquito trap ang dinedevelop sa United States
17:32para ma-detect ang presensya ng dengue-carrying mosquitoes.
17:38Para maabantayan kung tumataas ang bilang ng mga lamok na may dalang dengue,
17:43gumamit ang researchers ng University of South Florida ng artificial intelligence
17:48para makabuo ng smart AI mosquito trap.
17:51Pwede rin itong early warning device.
17:55Identifying where the disease-carrying mosquitoes are is very important
17:58because then the public health officials can go there and launch control efforts to prevent further outbreaks.
18:04Ang bawat mosquito trap merong attractant para mainggan yung pumasok yung mga babaeng lamok.
18:10Pagkatapos ito, hihigupin siya ng fan derecho dun sa sticky pad.
18:14Tapos kapag nakadikit na yung lamok, kukuha na nito ng litrato o ng imahe gamit ang built-in camera.
18:20At dito sa imahe nito, magbabase ang lahat.
18:23Yung algorithm na yung bahala na magproseso at mag-identify ng species ng lamok
18:28base dun sa kanilang anatomical features.
18:31At kung meron ba o posible ba itong magdala ng mga sakit tulad ng dengue.
18:36Lahat ng data, makakarating sa user nang hindi kinakailangang pumunta sa lokasyon.
18:46Bagaman malaki ang maitutulong nito sa pagbubantay sa banta ng dengue,
18:51ayon sa mga eksperto, malaki pa rin ang magagawa ng pagprotekta sa ating mga sarili
18:56tulad ng paglalagay ng mosquito repellant
18:59at paglilinis ng mga lugar na pwedeng pagbahayan ng mga lamok.
19:06There you have it mga kapuso,
19:08an innovation para maanggapan at mabantayan ang pagtaas ng populasyon
19:12ng mga dengue-carrying mosquitoes.
19:13Para sa GMA Integrated News, ako si Marty Navier.
19:17Changing the game!
19:22Mission accomplished to y'all!
19:25Nagtapos man bilang third big placer, feeling like a big winner pa rin,
19:29ang chares duo ni na Charlie Fleming at Snerd dahil sa pagmamahal
19:33na natatanggap nila sa outside world.
19:37Isa-isa ring sinagot ng duo ang comments ng netizens sa pagsalang nila
19:40sa GMA Integrated News interviews.
19:43Makichika kay Aubrey Carampen.
19:50Hi y'all!
19:51Atake!
19:53Ang energy ng chares duo ni na Charlie Fleming at Snerd
19:56nang sumalang sila sa GMA Integrated News interviews.
20:00Itinanghalman sila as third big placer.
20:03Feeling big winner na rin daw sila
20:05dahil sa love and support na natatanggap sa outside world.
20:09Anong na-feel nyo yung oras na yun,
20:11nung tinawag kayo na third placer kayo?
20:15Ako naman po, I really wasn't expecting anything.
20:18I was just happy na po na nabalik na nga ako sa bahay at napasama na sa big four.
20:23So, I was an expecting big winner and whatever runner, whatever place we got,
20:28sobrang contented na po ako dyan.
20:30Yung pagmamahal nila, big winner na po kami dahil doon.
20:33Marami pong big winner material po sa amin.
20:35Kaya, on that night,
20:37hindi po ako nag-expect,
20:39pero syempre, there's the hope na
20:41kasi sobrang lapit na namin, ganyan.
20:43Super happy sa mga natatanggap na mga reactions po ng mga tao
20:47kasi somehow, super na-appreciate po namin yung mga taong.
20:52Niro-root po talaga kami na maging big winner.
20:54Isa raw marahil sa kanilang PBB journey highlights
20:57ay ang top patent challenge with the evicted housemates.
21:01Sabi ng Tsares,
21:02di raw nila yun pinaghandaan
21:04at sinagot lang ang mga katanungan galing sa puso.
21:07Yun po talaga yung totoong mga nararamdaman namin
21:10at totoong thoughts po namin about the questions po na naiba to sa amin.
21:14The only thing I told as niya was, let's be graceful.
21:17Let's handle it with grace.
21:19Na hindi kami mag-i-insulto on whatever emotions we will feel.
21:22I'm proud of us.
21:23Kasi even if we've raised our voices to be heard,
21:26we've never given an insult to each and every one of them
21:29kasi we still handled it with love po.
21:32Sinagot din nila ang ilang puna
21:34tungkol sa kanilang naging PBB journey.
21:37Si Charlie, na pinakabata sa housemates,
21:40nasabihang immature.
21:41Yes, I misunderstood, but I hope people know that
21:45in my generation, a lot of us are misunderstood also.
21:48And if they could really give people chances,
21:50if they could really give the teens in my generation chances po,
21:53they would really get to understand them
21:55and get to see the good spots of them
21:56just like how they gave me a chance inside the house po.
22:00Pero sa pagbalik niya sa bahay ni Kuya,
22:02ipinakita niya ang kanyang maturity and growth.
22:05Madalas din siyang mag-share ng Bible verses
22:07sa kanyang fellow housemates.
22:09Saan ang kakaling yun at such a young age?
22:13Charlie.
22:13It came from my mom po talaga.
22:16When my mom got to know Jesus,
22:17she saw He was good, He saw He was amazing po.
22:20She shared that to us.
22:21Dinadala niya po talaga ako sa Bible studies
22:23and I go to church on every Sunday.
22:25And ako din po, ate young age,
22:26medyo na-open na din po talaga yung eyes ko
22:28to see the grace of God nga din po,
22:30yung grace that He's given us.
22:32And knowing po that it's something good,
22:35it's something that's so full of love,
22:37why not share it with everyone?
22:38Si Esnir nagulat naman daw
22:40na nasabihang playing safe
22:42sa loob ng bahay ni Kuya.
22:44Hindi ko po talaga alam
22:45paano po nila nasabing playing safe ako
22:47kasi siguro po ako lang po
22:49yung walang kalaban sa bahay.
22:51Feeling po siguro talaga nila na
22:53hindi kasi po yung, ano,
22:57ako kilala po talaga ako na
22:58nagbe-bring ng light sa house.
23:01At yun po yung pinakauna ko po talagang
23:03ikaw talaga yan.
23:04Yes, kung baga yun po yung,
23:05ako na po yun eh,
23:06yun po yung pinaka-goal ko po na
23:08gusto ko po mag-spread ng positivity sa bahay
23:11at gusto ko po na makapag-share po ng
23:15tawanan, laughter, ganyan.
23:17Kasi gusto ko po na itong season na to
23:19habang andito po ako ay
23:21malove po ng mga tao.
23:24Yung personality ko at the same time
23:26malove po nila ako bilang bakla.
23:28Isa naman daw sa ipinagpapasalamat niya
23:30ay naging tulay ang PBB
23:33sa pagkakaayos ng relasyon niya
23:34sa kanyang pamilya
23:36lalo na sa kanyang ama.
23:38It's a blessing in disguise po for me
23:40kasi pumasok po ako ng
23:42hindi po okay yung pamilya po namin
23:44sa mga pamilya nila.
23:46Tapos lumabas po ako na
23:48sobrang okay na po kaming lahat.
23:50So nagkaroon ng healing, kumbaga?
23:52Yes po, may healing at reconciliation po.
23:54Hindi man big winners,
23:56mission accomplished naman daw sila
23:58sa kanika nilang ipinaglalaban
23:59na i-represent
24:00ang mga tulad nilang breadwinners
24:03at sa kaso ni SNEER
24:04ang LGBTQIA plus community.
24:08Yung main goal naman po talaga namin is
24:10makapag-share kami ng kwento namin
24:12dun sa bahay at maka-influence kami
24:14gamitin namin yung platform po namin
24:15para sa mga taong na-re-represent po namin.
24:17Para sa mga breadwinners,
24:19para sa mga probinsyana
24:20at syempre sa LGBTQIA plus communities.
24:23Pobre Karambel,
24:24updated sa showbiz sa happiness.
24:26And that's my chica this Wednesday night.
24:30Ako po si Ia Agalyano.
24:31Ms. Mel, Ms. Vicky.
24:33Thank you, Ia.
24:34Salamat sa iyo, Ia.
24:36At yan ang mga balita ngayong miyerkoles.
24:38Ako po si Mel Tiyanko
24:39para sa mas malaking mission.
24:42Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
Be the first to comment