Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Nagsampa ng reklamong child abuse ang PWD na binugbog at kinuryente sa isang bus laban sa driver, konduktor at pasahero nitong security guard. Siya rin ang PWD na nangagat umano ng konduktor sa isa pang bus sa EDSA carousel na iniimbestigahan ng Department of Transportation.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsampa ng reklamong child abuse ang PWD na binugbog at kinuryente sa isang bus laban sa driver, konduktor at pasahero nitong security guard.
00:11Siya rin ang PWD na nangagat umano ng konduktor sa isa pang bus sa Elsa Carousel na inaimbestigahan ng Department of Transportation.
00:20Nakatutok si Joseph Moro.
00:21Sinamahan ng Department of Transportation para maghain ng reklamo sa Makati City Fiscal's Office ang 25-anyos na person with disability na binugbog sa loob ng bus at tinaser pa.
00:39Binigyan ng abogado ng DOTR ang kanyang pamilya para makapaghain ng reklamong child abuse laban sa driver at konduktor ng bus na umunay kasama sa mga nanakit.
00:49Under the law, there is also that word neglect. And then also, it also includes yung failure to provide immediate medical treatment.
00:58Pinabayaan nila, nakita nila na binubugbog.
01:01Naano na nang itinanggi ng driver at konduktor ang paratang.
01:04Pero ang pasaherong security guard na siya umanong gumamit ng taser o pang oriente, sabit din sa asunto.
01:11Ayon sa DOTR, nakilala siya dahil nahagip siya sa video na siya rin pala ang kumukuha.
01:16Taddad daw ng taser mark ang biktima.
01:19May taser mark siya sa ulo, may taser mark siya sa paa, may taser mark siya sa katawan.
01:24Hinahanap din ang DOTR ang iba pang pasaherong nang bugbog sa biktima.
01:29Ayon sa Transportation Department, child abuse.
01:31Ang inihain nilang reklamo, batay na rin sa mental na kapasidad ng biktima.
01:35Yun ang recommendation ng lawyers kasi even if above, I think, 23 years old, I think, or 25 years old,
01:42ang kanyang mental state is that of a 13 or 12 year old.
01:47So under our laws, child abuse is the correct case to be filed.
01:53Mas mabigat ang kaso ng child abuse kasi presyon mayor, almost 6 years ang parusa dito.
01:58Pero kung physical injury lang ito, ay hindi yan naabot kahit na ng isang buwan.
02:07Iniimbestigahan naman ng DOTR ang ikalawang insidente nitong biyernes,
02:11kung saan nangagat umano ulit ang biktima ng isang konduktor ng bus habang sakay ulit ito sa EDSA bus carousel.
02:17The first incident is a clear incident of abuse.
02:22Kasi nakita lang natin na CCTV footage yung nangagat.
02:26Hindi natin nakita pa yung nangyari before that.
02:30Paliwanag ng kanyang pamilya, pinapayagan nilang gumala ang biktima.
02:34Pag may sinabi naman po siya na oras, ando na po siya.
02:37Tapos susundoyin po ng kuya niya, minsan pag nasa school po yung kuya niya, nagkocommute po siya.
02:43At ang kailangan nga po natin ay mas inclusive ang ating society.
02:47Hindi po sagot ang pagkulong sa kanila sa kanilang bahay,
02:51kasi mas nakakasira po ito sa kanilang pangkalahatang pagkatao.
02:55Ang mga may kapansanan po ay gaya din po natin.
02:58May karapatan po sila na mag-travel.
03:00May karapatan po sila na ma-enjoy ang ating serviso ng ating gobyerno.
03:06Bakos sa DOTR, tinutulungan na rin ng Department of Social Welfare and Development of DSWD
03:11ang biktima at ang kanyang pamilya.
03:14Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.

Recommended