00:00Samantana, SAIC nag-sagawa ng operasyon laban sa illegal na terminal ng mga taxi sa PITX.
00:07Ang grupo ay ikot din sa Naiya at sa mga mall.
00:10May live report si Bernard Ferrer.
00:15Daniel, tama ka dyan.
00:17Nagsagawa nga ng operasyon ngayong umaga ang DOTR SAIC laban sa illegal na terminal ng taxi
00:22sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:30Na-issuehan ng violation ticket ang dalawang taxi driver matapos maaktuhang nagpaparada sa labas ng itinalagang taxi terminal
00:38sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:42Kasunod ito na isang nagawang operasyon ng Department of Transportation,
00:46Special Action and Intelligence Committee for Transportation o DOTR SAIC.
00:51Obstruction at illegal na terminal ang pinatao na paglabag sa dalawang driver.
00:56Ayon sa DOTR SAIC, may itinalagang taxi terminal sa PITX,
01:00ngunit pinilo-umano ng mga driver na huwag pumila doon.
01:04Napagalaman din na hindi rehestrado ang mga taxi nila sa PITX.
01:08Paliwanag ng DOTR SAIC, mahalaga ang pagsunod sa tamang terminal
01:12dahil dito ay sinasagawa ang maayos na queuing system
01:15kung saan na itatala ang impormasyon ng bawat taxi driver.
01:19Ito ay bahagi ng hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga pasajero
01:22at upang madaling maaksyonan ang anumang reklamo
01:25gaya ng overcharging o pananamantala.
01:28Bukod sa PITX, iikot din ang DOTR SAIC sa mga mall
01:32at sa Ninoy Aquino International Airport
01:34bilang bahagi ng kampanya contra illegal na terminal
01:37at pananamantala sa mga pasajero
01:39lalo na ngayong tag-ulan kung saan ilan ay nahihirapan
01:43na makuha ng masasakyan.
01:45Daniel, kasabay nito binabantayan din ang DOTR SAIC
01:50ang pagpapatupan naman ng Anti-Sardinas Directive
01:53ni Transportation Secretary Vince Lison
01:55upang maiwasan ang overloading sa mga pampasaherong sasakyan.
01:59Balik sa iyo, Daniel.
02:02Maraming salamat, Bernard Ferrer.