Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inayimbestigahan ni Makati City Mayor Nancy Binay ang 8.9 billion peso settlement deal ng lungsod sa non-shaming contractor ng Makati Subway Project na pinasok ng kanyang kapatid na si dating Makati Mayor Abby Binay.
00:13Sa ilalim ng kasunduan, kailangan magbayad ng lungsod sa contractor na Philippine Infradev Holdings Inc. sa loob ng siyamnapung araw.
00:24Dahil yan, sa natigil na Makati Subway Project noong 2022, punsod ng desisyon ng Korte Suprema na tagig ang may hurisdiksyon sa ilang lugar na pagtatayuan sana ng subway.
00:36Pinuna ni Mayor Nancy ang kasunduan pinasok ng kapatid dahil malalagay raw sa alanganin ang ibang proyekto sa lungsod.
00:44Hindi raw kayang bayaran ng Makati LGU ang ganoon kalaking halaga sa Infradev.
00:49May initial determination na po kami na itong kontrata is legally flawed.
00:57And not only that, yung kontrata is actually grossly disadvantageous po sa City Government of Makati.
01:06Nag-issue na po yung budget department ng City Government of Makati na wala namang na-appropriate po na funds para dito sa settlement agreement.
01:17Sa isang pahayag, iginit naman ni dating Mayor Abbey na hindi madedehado ang Makati City sa settlement agreement.
01:24Makokontrol daw kasi ng lungsod ang pagsusulong muli ng Subway Project at Makati LGU raw ang magiging full owner ng Makati City Subway Inc., maging ng land assets nito.
01:36Sapat din daw ang budget para bayaran ang Infradev na hindi nakokompromiso ang ibang servisyo sa lungsod.
01:43Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Philippine Infradev Holdings.
01:48Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.