Skip to playerSkip to main content
Naulila, dumaan sa iba't ibang pagsubok sa buhay, at nakaranas pa ng depression. Pero hindi diyan nagtapos ang kuwento ng isang babaeng kamakailan ay nagtapos sa kolehiyo bilang cum laude! Kilalanin siya sa report ni Katrina Son.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naulila dumaan sa iba't ibang pagsubok sa buhay at nakaranas pa ng depresyon pero hindi dyan nagtapos ang kwento ng isang babaeng kamakailan ay nagtapos sa kolehyo bilang cum laude.
00:12Kilalanin siya sa report ni Katrina Son.
00:17Chelsea Valdehuesa, Bachelor of Elementary Education, Cum Laude.
00:23Sa likod ng tagumpay na ito ay kwento ng samutsaring pagsubok sa buhay na idinetalya niya sa kanyang post.
00:32Naulila sa magulang sa murang edad kaya sila ng kapatid niyang babae kinupkup ng kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang ina.
00:40Siya at ang mister nito ang tumayong magulang at kumalinga sa kanila.
00:44Pero sadyang ramdam daw ni Si ang malaking puwang sa kanilang buhay.
00:48Isa talaga ang holidays sa mga hindi ako na-excite na mga panahon po kasi nakakaramdam po ako na naiiyak na ako.
01:02When it comes to family days, mayroong mga ganyan sa school eh.
01:08Mga family day, wala akong madadala na mama, wala madadala na papa.
01:14Malaking hamon din sa kanya ang tatlong sunod-sunod na taon na mabibigat na dagok.
01:202017 na kulong ang naging ama-amahan niya.
01:242018, pumanaw ang tiyahin kinilala niyang ina.
01:28At 2019, pumanaw ang lalaking pinsan niya na itinuring niya rin kapatid.
01:34Para makapag-aral, nagpalipat-lipat daw siya ng tinitirang kamag-anak at naging working student.
01:40Wala nga akong alma mater eh. Walang permanent na school ako nung high school kasi nung grade 7 ibang paaralan, grade 8 ibang paaralan, grade 9, grade 10, grade 11 until 12.
01:52Parang nagpatong-patong na po lahat na parang hindi ko na naiintindihan kung anong nangyayari sa buhay ko, ganyan.
02:00And then, parang looking back no, parang isa siyang malaking trauma sa akin.
02:052023, na-diagnose siyang may major depressive disorder. Maraming beses na raw niyang ginustong sumuko.
02:13Pero hindi raw siya nagpatalo. At sa bawat araw, lagi pa rin bumabangon.
02:18I already have that goal po. I really need to succeed in life because no one is coming to save me.
02:27No one is coming to, like I have to get up for myself kasi I have no backup. I myself is the backup.
02:36Ayon sa isang eksperto, hindi biro ang magkaroon ng major depressive disorder lalo na sa kaso ni C.
02:42Kapag naranasan niya yung success, yung nagkaroon siya ng mga owners, my God, that's the trophy na kailangan ng isang tao para mag-break doon sa stigma na meron kang depresyon, hindi mo kaya.
02:57Dagdag ng eksperto, naagapan at nagagamot ang major depressive disorder basta't maibibigay ang gamot at tulong na kinakailangan nila.
03:06Kung may pinagdaraanan, maaaring tumawag sa mga numero ng 24-7 Crisis Hotline ng National Center for Mental Health.
03:15Kahit nasa point ka ng life mo na parang ayaw mo na, show up lang. Kasi I am a firm believer po na there's always a light at the end of the tunnel.
03:26Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:30Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments

Recommended