00:00Update po tayo sa pagpunta ng mga kaanak ng ilang nawawalang sabongero sa DOJ sa ulat on the spot ni Chino Gaston.
00:06Chino!
00:11Rafi, nakikipag-usap ang ilang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero dito sa mga kawani ng kagawaran ng Department of Justice
00:21at maya-maya lamang ay naasang haharap nga sa mga tauhan ng media.
00:25Hindi na raw ikinagulat ng mga kaanak ng mga nawawalang sabongero ang mga binitawang salita ni Julie Patidongan
00:32na nagdidiin sa negosyanteng si Atong Ang pati ang dating aktres o ang showbiz personality na si Gretchen Barreto.
00:40Ano man ang resulta ng kaso, ang importante raw ay makamit ang hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay.
00:45Ikinatuwa raw nila ang mga naging rebalasyon ni Patidongan dahil matagal na rin silang naniniwala na may kinalaman si Ang
00:54sa misteryosong pagkawalan ng 34 ang mga sabongero.
00:58Nagtungo sila sa Department of Justice para daw pasalamatan si Sekretary Crispin Rimulia
01:03pati na ang mga opisyal na tumulong at walang pagod na tumutok sa kaso.
01:08Sa ngayon ay kakalabas lamang ng mga ni Sekretary Crispin Rimulia
01:16at nagbibigay ngayon ng pahayag dito sa mga personalidad ng media
01:21na nagbabantay dito sa labas ng Department of Justice.
01:24At yan ang latest mula rito sa Lunsod na Maynila. Balik sa inyo, Rafi.
01:28Maraming salamat, Chino Gaston.
Comments