00:00Inflation
00:01Mainit-init na balita, bahagyang bumilis ang inflation o bilis ng pagmahal na mga produkto at serbisyo sa bansa.
00:15Ayon sa Philippine Statistics Authority, 1.4% ang naitalang inflation nitong Hunyo.
00:21Ito ang unang beses na bumilis ang inflation ngayong 2025, makalipas ang apat na sunod na buwang deceleration o pagbagal nito.
00:30Sabi ng PSA, nakaambag sa pagbilis ng inflation ang mas mabilis na pagtaas na presyo ng kuryente,
00:37pati mas mabagal na pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel,
00:41pati ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng tuition sa mga eskwelahan, bunsod ng simula ng pasukan.
00:48Ang inflation nitong Hunyo ay pasok sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas na 1.1 hanggang 1.9%.