Skip to playerSkip to main content
Sa pagharap niya sa Senate impeachment court bilang testigo ngayong linggo, sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi niya sana papayagan umano ang pag-award ng anumang kontrata sa GenCorp Industries Inc. kung alam niyang stockholder nito si Vice President Sara Duterte. 


Ayon sa alkalde, ang Bids and Awards Committee (BAC) ng Davao City ang nagsagawa ng pagsusuri sa GenCorp at nagtakda rito bilang bidder na may lowest calculated responsive bid. 


Pero ano nga ba ang bidding at bakit dumadaan dito ang procurement ng pamahalaan? Alamin ‘yan sa explainer na ito.




#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung kinakailangang bumili ng laptop ng isang government office, anong supplier ang pipiliin nila?
00:06Supplier A. Mayroong pinakamababang offer
00:09Supplier B. Mas mataas ang offer pero mas mataas ang kalidad
00:14O Supplier C. May legal na kapasidad na mag-manufacture, mag-distribute o mag-deliver ng mga laptop
00:21Paano nga ba pumipili ng supplier ang gobyerno?
00:24Hindi basta-basta ang pagpili ng supplier kapag pera ng bayan ang gagamitin
00:29Kapag may kailangang binhinay paggawa ang gobyerno, kailangan itong dumaan sa isang itinakdang procurement process
00:36Sa idali ng Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act
00:42Ang competitive bidding ang pangunahing paraan ng procurement
00:46Pero, nagkaroon ng bagong batas
00:49Sa pisa ng Republic Act No. 12009 o ang New Government Procurement Act
00:54Bukod sa competitive bidding, may sampu pang mode of procurement na idinisenyo para sa iba't ibang pangangailangan ng gobyerno
01:02Pero para saan nga ba ang bidding at bakit kailangang dumaan dito ang mga potential supplier?
01:08Ayon sa Government Procurement Policy Board o GPPB
01:12Layunin itong masiguro ang transparency at pagiging patas
01:16At mahikayat ang kompetisyon sa mga kontraktor
01:18Habang sinisiguro na maayos ang kalidad ng mga binibili
01:22O ipinapagawa gamit ang pondo ng pamahalaan
01:25Pero bago pa man mapili ang supplier
01:27Kailangan munang malaman kung qualified ba itong sumali
01:31Dito pumapasok ang Bids and Awards Committee o BAC
01:34Sila ang nangangasiwa sa screening sa mga gustong sumali sa bidding
01:38Tinitingnan ang ba kung may kakayahan ba ang kumpanya na gumawa
01:42Mag-distribute o mag-deliver ng goods, infrastructure project o consulting service na kailangan ng gobyerno
01:49Kung legal ba itong makapag-operate bilang isang entity
01:52At mayroon ba itong mga kinakailangang permit, license at registration para gawin ang naturang negosyo
01:59At kung may sapat ba itong experience o expertise para maisagawa ang servisyo, manufacturing, distribution o delivery na kailangan
02:09Pero ang tanong, lagi bang pinakamurang bid ang pinipiling supplier ng gobyerno?
02:14Sa ilalim ng lumang batas, karaniwang ginagamit noon ang lowest calculated responsive bid
02:20Kung saan ang pinakamababang responsive bid ang pinipiling kontraktor
02:24Pero sa bagong batas, hindi na lang pinakamababang bid ang pwedeng pagbatayan sa pagpili
02:30May bago na kasing kriteriya na maaaring gamitin
02:33Ang Most Economically Advantageous Responsive Bid o MEARB
02:38Dito, maaaring timbangin ang pamahalaan ang parehong kalidad at presyo
02:43Para makuha ang pinakamahusay na halaga para sa pondong dagasusin
02:48Ayon sa GPPB, nagbibigay ang competitive bidding ng pagkakataon sa mga bidder
02:53Na magkaroon ng mas maayos at patas na proseso ng bidding
02:57Sa ganitong paraan, makukuha ng gobyerno ang kalidad na kailangan para sa mga proyekto at servisyo
03:04Habang isinasaalang-alang ang paggamit ng public funds
03:07At dahil nakadocument din ang bawat hakbang ng procurement process
03:12Nakatutulong umano ang competitive bidding para maiwasan ang korupsyon
03:16Mapanatili ang integridad ng procurement
03:19At mapalakas ang piwala ng publiko

Recommended