Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging
00:07SAKSI!
00:15Sa eksklusibo at muling pagharap niya sa GMA Integrated News,
00:19nagpakilala na si alias Totoy bilang si Julie Dondon Patidongan,
00:24isa sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:27So, pinangalanan at iniletali rin niya ang umano yung mga mastermind at may kinalaman sa kaso,
00:33kabilang na ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
00:37Ang kampo ni Ang, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ni Patidongan.
00:44SAKSI!
00:44Si Emil Sumangil, exclusive.
00:49Sa muling pagharap ni alias Totoy sa GMA Integrated News,
00:54pumayag na siyang ilabas ang kanyang tunay na pangalan.
00:56Siya, si Julie Dondon Patidongan, head ng security ng ilang sabongan.
01:02Isa rin siya sa anim na kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero sa iba't ibang lugar sa bansa.
01:08Ano ang ipapil mo dito sa missing sabongero?
01:10Ba't ikaw ay kasama sa kinasuhan?
01:12Sa totoo lang, wala akong kinalaman dyan at isa lang akong utusan niya na bilang parmanager.
01:20Sa eksklusibong parayam ng GMA Integrated News, pinangalanan ni Patidongan ang mga umuloy mastermind sa pagkawala nang hindi raw bababa sa sandaang mga sabongero.
01:31Nandyan sa apidabit ko yan, Mr. Charlie Atong Ang, then Eric De La Rosa, engineer silso sa lasan.
01:39Sila ang mastermind sa nawalang mga sabongero. Sila ang utak ng lahat.
01:45I-dinetalya niya ang papel na mga ito.
01:48Si Mr. Eric De La Rosa, siya ang nagmamonitor ng mga palabas.
01:53Pag alam niya ang tsupi, pinapaalam niya kay Mr. Atong Ang.
01:57Then mag-uusap sila ni silso sa lasan.
02:00Then itawag sa akin na i-hold yung mga taong nagsusupi.
02:04Kasi Mr. Atong Ang, siya yung chairman ng pitmaster.
02:07Siya ang pinaka-mastermind at siya ang naguutos na talagang iligpit yung mga yan.
02:15Pinangalanan na rin niya pati ang babaeng showbiz personality na nauna niyang iniugnay sa kaso.
02:20Yang artista na yan, walang iba kundi si Ms. Gritzen Barito.
02:26100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
02:33Panawagan ko lang sa kanya para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin.
02:42Ayon kay Pati Dongan, nagpa-interview siya dahil kung ano-ano na raw bintang ang ibinabato sa kanya ng mga kalabang.
02:49Ipinakita niya sa akin ang affidavit na pinapipirma raw sa kanya ng kampo ni Atong Ang.
02:54Nakasaad umano rito na babawiin at babalik na rin ni Pati Dongan.
02:57Ang lahat ng kanyang naging salaysay laban sa kampo ni na Atong Ang at iba pa kapalit ng 300 milyon pesos.
03:05Mr. Atong Ang, sabi na nga ng mga matatanda na huwag ka na magtago sa palda ng nanay mo.
03:15Binigyan mo ako ng papel para pirmahan ko yung rekantisyon ba yun na binigay mo sa akin kapalit ng pira.
03:25Sabi ko hindi ko kayang tanggapin yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ang nakataya dito.
03:32At ano ng mga pamilya ng mga nauwalan sa bongiro.
03:39Sa statement na pinadala ng kampo ni Atong Ang, sinabing maghahain siya ng complaint affidavit bukas laban kay Pati Dongan.
03:47Iahain daw nila ito sa Office of Mandaluyong City Prosecutor.
03:51Ayong pa sa kampo ni Ang, isa si Pati Dongan.
03:54Sa nakipagsabwatan umano para magsagawa ng attempted robbery with violence and intimidation,
03:59grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons at slander laban kay Ang.
04:06Nabahiran umano nito ang dignidad at reputasyon ni Ang.
04:10At nagdulot ng anxiety at stress sa kanyang pamilya.
04:14Wala raw katotohanan.
04:15Walang basiyan at malisyoso umano ang mga aligasyon laban sa negosyante.
04:20Sa katunayanan nila, nakikipagtulungan siya sa mga otoridad mula noong magsimula ang imbestigasyon para malinis ang kanyang pangalam.
04:27Umaapela rin si Ang sa publiko at sa media na huwag magkalat ng maling impormasyon.
04:32Dapat daw mapanatili ang right-to-do process at maiwasan ang trial by publicity.
04:37Ikaw pala ikakasuhan bukas ni Atong Ang. Ano naman sasabi mo?
04:41Parang kinasuhan niya na rin yung sarili niya.
04:44Dahil ako kakasuhan niya, siya naman nag-uutos ng lahat.
04:47Katulad niya yung sinabi niya, nag-extortion daw ako ng 300 milyon.
04:53Para alam ng lahat, hindi ko kayang tanggapin yung pira niya.
04:58Sa mga taong nagtaka, bakit ngayon lang ako lumutang?
05:02Ah, ngayon lumutang ako dahil alam ko ang pinagkatiwalaan kong tao na ang ating PNP chief na si General Tore.
05:14Alam kong hindi niya kaya bayaran ng pira yan.
05:17Sinusubukan pa naming ba ako ang panic ni na Gretchen Barreto at iba pang nabanggit ni Patidongan.
05:23Ang mga ibinunyag ni Patidongan.
05:26Ang mga ibinunyag ni Patidongan.
05:28Hindi na raw ikinagulat ng pamilya ni Edgar Malaca.
05:31Pero para raw silang pinarusahan sa kanilang narinig.
05:35Kung nagkasalamang sana yung mga sabungero, dapat dinaan nyo sa batas, pinakulong nyo na lang sana.
05:45Dinaan nyo sa proseso.
05:46Hindi, masama ang loob namin kung ganun ang ginawa mo.
05:50Pero yung pagkidnap, pagkitil sa mga buhay ng 34 na sabungero, sobra-sobra yung ginawa mong parusa sa amin lahat.
06:03Nasaan ang konsensya mo?
06:05Wala ka bang ina?
06:07Wala ka bang anak?
06:08Wala ka bang kapatid at mga asawa?
06:12Ang 76 na taong gulang na ina ni John John Lasko, napaluha pero lalaban daw siya.
06:18Magdusa din sila.
06:21Magdusa sila sa kulungan.
06:25Maranasan nila kung gano'ng kahirap.
06:29Yan eh, kulong pa lang.
06:31How much more pinatay nila yung anak ko.
06:35Laban ako.
06:36Kailangan lumaban ako.
06:38Anya, matagal na nilang alam sa pamilya na si Ang ang suspect pero takot silang ulang magpangalan kay Ang.
06:45Panawagan niya kay Pati Dongan na huwag siyang magrekant o bumaliktad at sanay lumabas pa ang ibang testigo.
06:52Kasabay ng kanyang mga revelasyon na nawagan sa Pangulo si Pati Dongan.
06:56Sa mahal kong presidente, BBM, sir, sana pakinggan mo naman yung mga pamilya na namamatayan.
07:08Ito na yung pagkakataon na tulungan niyo ako dahil lahat ng sinasabi ko dito walang kasinungalingan at walang pirang kapalit dito.
07:17Ayon sa Malacanang, patuloy na pinaiimbestiga ng Pangulo ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
07:22Patuloy po ang pag-iimbestiga ng malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino pa talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot.
07:29Para sa GMA Integrated News, ako si Emil Subangil, ang inyong saksi.
07:36Hanggang sa mga oras na ito, sinisika pa namin makuha ang panig ni Gretchen Barreto at ang iba pang nabanggit ni Julie Dondon Patigongan.
07:45Samantala, mag-iit siyam na po ang arestado sa iligal umanong raffle sa San Vicente Tarlac.
07:50At ayon sa mga polis, bukos sa walang permit, luto umanong ang resulta.
07:56Saksi, si June Veneracion.
07:59Puno ang event center na sinugod ang dalawang daang polis sa San Vicente Tarlac.
08:18Pinatigil ang umanoy iligal na raffle na may live stream pa.
08:22Milyong piso ang halaga ng premyo.
08:25Meron pang brand new SUV na ipinagmalaki sa online advertisement.
08:2820 pesos lang ang tiket, kaya maraming naingganyo.
08:32Pero ayon sa mga polis...
08:34As alleged, wala talaga legitimate winners na na-identified.
08:38As alleged, sabi mo mga ibang tumataya, belong.
08:42Yung mga nananalo, belongs to the E.N. server.
08:45Parang luto na to.
08:47Sabi ng PNP, limang taong nag-operate ang mga nasa likod ng illegal gambling operation
08:51gamit ang tambiolo system.
08:54Buwanan daw akadilang raffle draw sa iba't ibang lugar sa Luzon.
08:58Kadalasan daw, consolation price lang ang naiuwi ng mga tunay na tumataya.
09:03Questionable rin umano ang paraan ng bunutan.
09:05Ang sabi, nung ibang mga nananalo, is that pangalan lang ang binabanggit.
09:10Hindi na binabanggit yung...
09:12Usually naman, may mga numbers doon.
09:14Ticket numbers, di ba?
09:16Siyam na putapat ang arestado.
09:18Kabilang ang mga financier ng raffle.
09:20Doon sa venue, 1,000 naigit yung tao doon.
09:25And based on the law of illegal gambling,
09:28financers, bettors, everybody pwede makasuhan.
09:33Sinegrate lang muna namin yung mga mas malaking kasimuno.
09:37Sinampahan ng reklamang illegal gambling ang mga suspect
09:40na nakakulong sa Tarlac Provincial Police Office.
09:44Sinusubukan pa namin silang makunghana ng panig.
09:46Para sa GMA Integrated News,
09:48Ako si Jun Van Arasyon ang inyong saksi.
09:52Nagsampahan ng reklamang cyber libel si Senator Risa Ontiveros sa NBI.
09:57Laban po kay Michael Maurillo alias Rene
09:59at sa nagpost ng umano'y mapanirang video nito.
10:03Pina-iimbisigan din ng senadora ang mga vlogger
10:05na nagpakalit umano'y ng video.
10:08Umalmah ang ilan sa mga tinukoy na vlogger.
10:11Saksi, si John Consulta.
10:13Pebrero noong nakarang taon,
10:19nagbigay testimonya ang isang alias Rene
10:21sa Senate Committee Hearing
10:23laban kina Pastor Apollo Quimloy,
10:25dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:27at Vice President Sara Duterte.
10:30Pero itong hunyo,
10:31lumabas ang video ni Michael Maurillo
10:33na nagpakinalang siya si alias Rene
10:36at sinabing tinakot at binyalan lamang umano siya
10:39ni Senator Risa Ontiveros para tumistigo.
10:42Mari-iitin ang gito ng senadora.
10:44Sabay lapag ng mga resibo o screenshot
10:47ng mga mensaheng na papakitang si Maurillo umano
10:49ang ilang ulit na lumapit sa kanyang opisina
10:52at nag-volunteer na tumistigo.
10:55Ngayong araw,
10:56inereklamo ni Ontiveros ng cyber libel
10:58si Maurillo sa NBI.
11:00Kasama rin sa sinampahal ng reklamo
11:01ang nagpost ng video
11:03na pagtanggol valiente social media account.
11:05Pangunahing layunin ng reklamo
11:07alamin sino o sino-sino
11:10ang nasa likod
11:11ng pag-produce
11:13ng video,
11:14dalawang video na
11:15ni Michael Maurillo
11:17dahil hanggang ngayon
11:19wala pa rin umaamin.
11:20Sinabi natin ni Ontiveros
11:21na bago lumabas ang video,
11:23humingi sa kanya ng tulong si Maurillo
11:25dahil kinidap umano siya.
11:27Nanalangin pa rin ako
11:28para sa kanyang kaligtasan.
11:30Sana matukoy kaagad ng PNP Davao
11:34kung nasan siya
11:35at mailigtas
11:37pero gayunpaman
11:38kailangan na niyang
11:39magpaliwanag
11:40at managot
11:41kung bakit siya
11:42nagsisinungaling
11:42sa mga video na ito.
11:44Pero sa isa pang
11:45Facebook video kahapon,
11:46muli nagsalita si Maurillo
11:47at igriit
11:49na hindi siya kinidap
11:50ng Kingdom of Jesus Christ
11:51at hindi rin siya
11:52piniyaran o pinilit
11:53na sabihin
11:54ang kanyang mga sinabi
11:55sa video.
11:56Handa raw siyang panindigan
11:57ang kanyang mga sinabi.
11:59Pinabubulaanan rin niya
12:00ang mga nilabas
12:01ng umano'y
12:01mga patunoy na siya
12:03ang naunang
12:03na ipagognayan
12:04sa opisina ng senadora.
12:06Wala pong katotohanan
12:07yung mga claims
12:08ni Senador Riza
12:09sa kanyang press con.
12:10Ito lamang
12:10ay pamamaraan
12:11ni Senador Riza
12:13upang ako ay makuha ulit
12:15at patahimikin.
12:17Sinusubukan pa namin
12:18hinga ng pahayag
12:18ang nasa likod
12:19ng pagtanggol
12:20Valende social media account.
12:22Inireklamo rin
12:23ni Ontiveros
12:23ang 13 taong
12:25aaniyay nagpakalat
12:26ng umano'y
12:27mapanirang video
12:28ni Maurillo.
12:29Para investigahan din
12:30sa pamamagitan
12:31ng reklamo ito
12:32yung mga vlogger
12:34na pinamumudmod
12:36at dinadagdagan pa
12:37ang mga kasinwalingang
12:39nakalagay
12:39sa mga video
12:40ni Michael Maurillo.
12:42Hindi ako papaya
12:44sa ganitong mga
12:45pagsisinungaling
12:47mga mapatanganib
12:48na pagsisinungaling
12:49lalo na
12:50ang tinarget
12:51ay hindi lang ako
12:52ang tinarget
12:54ay ang mga witnesses
12:55ang tinarget
12:56pati mga staff ko
12:58tinarget
12:59ang Senado mismo.
13:00Naglabas ng pahayag
13:01ang ilan sa mga
13:02sinampahan ng reklamo
13:03sabi ni na
13:04Trixie Cruz Angeles
13:05at Amit Pagginawan
13:07hindi nila ipinakalat
13:08ang video ni Maurillo
13:09pero nagsagawa raw sila
13:11ng social media live
13:12para talakayin
13:14ang mga sinabi ni Maurillo
13:15at para raw patas
13:17tinalakayin nila
13:18ang tugon
13:19ng Senadora.
13:20Bahagi raw ito
13:21ng free speech
13:22ay naman kay
13:23Sas Ruggando Sasot
13:25nalaman lang niya
13:26ang tungkol sa video
13:27ni Maurillo
13:27sa GMA News
13:29sabay puntong
13:30kung live news
13:31na ibahagi ang video
13:32ganon din daw dapat
13:33sa media.
13:34Sabi ni Joy Cruz
13:35dapat magfokus
13:36ang Senadora
13:37sa pagsagot
13:38sa mga aligasyon
13:39ni Maurillo.
13:40Isa lamang daw siyang
13:41political observer
13:42at may karapatang
13:43magpahayag ng opinion.
13:45Sinusubukan pa namin
13:45kung na napahayag
13:46ang iba pa mga
13:47sinampahan ng reklamo.
13:48Para sa GMA
13:49Inigrated News
13:50ako si John Consulta
13:53ang inyong
13:53Saksi.
13:54Mga kapuso,
13:57maging una sa Saksi.
13:59Mag-subscribe sa
13:59GMA Inigrated News
14:00sa YouTube
14:01para sa ibat-ibang balita.

Recommended