Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Chino Gaston
00:30Rolls-Royce, Bentley Bentayga, Toyota Tundra, Toyota Sequoia, dalawang Mercedes-Benz, Land Cruiser at Lincoln Navigator.
00:38Ang walong sasakyang ito na pag-aari ng pamilya Diskaya, pwede na raw ituring na smuggled dahil sa kakulangan ng papeles ayon sa Bureau of Customs.
00:46Itong iba pang sasakyan ang may import entry documents pero walang certificate of payment.
00:51Kung hindi maipapakita ng mga Diskaya ang kaukulang dokumento ng 15 sasakyan,
00:56hanggang katapusan ng buwan, pwedeng kunin o i-forfeit ng gobyerno ang mga sasakyan sa pamamagitan ng warrant of seizure and detention.
01:04Yung burden of proof, kanila pa yun. Kailangan patunayan nila sa amin na tama ang kanilang pinagbayaran.
01:10Kung meron po silang dokumento na kailangan pa makita, makukumpli ko kami. Tataligaw ko tayo parate para wala akong gusto.
01:19Nauna ng sinabi ng mga Diskaya na handa silang bayaran ang kulang na buwis para sa mga sasakyan kung may pagkukulang man.
01:27Pero ayon sa BOC, pwede lang yan kung hindi hihigit sa 30% ang diferensya ng buwis sa halagang itinakda ng batas.
01:35Posible rin daw na may pananagutan ang ilanilang empleyado. Hinihinga na raw sila ng paliwanag.
01:41Sa ngayon, meron na kaming yung tinatawag na persons of interest na pagpapaliwanagin natin kung bakit nakalusot o dumaan sa kanila yung mga sasakyan
01:51nang hindi nagkaroon ng tamang dokumento at hindi nagbayad ng tama. Doon sa mga ganun yung sitwasyon.
01:58We will have to make even our own people accountable.
02:03Noong lunes, sinabi ng mga Diskaya na humingi sila ng proteksyon kay Pangulong Bongbong Marcos at Senate Blue Ribbon Committee
02:10matapos nilang ilantad ang pangalan na mga politiko na humihingi umano ng kickback sa mga proyekto.
02:17Handa po kaming tumistigo ng walang pilit at kusang lob bilang state witness.
02:22Ayon kay Senate President Tito Soto, sumulat kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia
02:27si dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta
02:31para i-rekomendang gawing state witness ang mag-asawang Diskaya.
02:36Pero hindi pinirmahan ni Soto ang rekomendasyon.
02:39Ang unang sinabi ka agad sa akin ito, tell all ba yan?
02:42Kung tell all yan, pwede, pag-usapan natin.
02:46Pero ano sinabi? E puro kongresman ng binanggit eh.
02:49At saka meron pang mga nagkay-question sa mga binanggit na mga pangalan na tao.
02:54So, paano mong kaya nga papayag ka ka agad?
02:57Hindi ko pinirmahan.
02:58Sabi ko, hintayin ko na muna yung susunod mong hearing.
03:01Paiba-iba siya na sinabi eh.
03:03Tutol din ang ilang kongresista.
03:04Absolutely, no chance.
03:08They are as guilty as the DPWH engineers who are involved in ghost and substandard projects.
03:16They will be as guilty as the politicians that are involved in ghost and substandard projects.
03:23Napakalabo niyan.
03:24Isang requirement nga yan.
03:25Should not be the most guilty.
03:27How can he claim that hindi siya most guilty when he is the central figure here, a major player?
03:35Tapos, malabo pa yung mga kanyang mga sinasabi.
03:38Nire-respeto po natin ang paliwanag o opinion ng ating mga kagalang-galang na mga kongresista.
03:44Kung hindi sila entitled, so be it.
03:47Yun po ang opinion po ng ating mga kagalang-galang na kongresista.
03:51Pero bandang huli po, 40 po ang magdidesign yan.
03:54Sa ilalim ng Republic Act 6981 o ang Witness Protection Security and Benefit Act,
04:01may requirements para maituring na state witness ang isang taong kasama sa krimen.
04:06Dapat grave felony ang krimen.
04:08Dapat kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
04:12Walang ibang direktang ebidensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
04:16Ang kanyang testimonya ay maaring mapatunayan.
04:19Hindi siya ang pinakagilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen sangkot ang labis na kabuktutan.
04:28Ayon sa DOJ, isang nga sa pinag-uusapan ang posibilidad na maging state witness ang mga diskaya.
04:33Kaso nga lang po, ang lumalabas po sa mga statements nila ay buhang kakonsyaban na nila from the very start.
04:41Yung mga contractor, pati yung mga ibang politicians.
04:45And in a co-conspiracy or in a conspiracy, the guilt of one is the guilt of all.
04:50Meaning to say po, kung yung kasama nila sa conspiracy ay most guilty, sila din po ay pwedeng ituring na most guilty.
04:58So, that is still yet to be seen.
05:02Isa pang kondisyon ang nauna ng inilatag ni Justice Secretary Rimulya.
05:07Kailangan muna nila isauli yung pera para masimulan po natin yung usapang state witness.
05:15Pero it doesn't measure nila kapag binalik nila yung pera, automatically nila yung consider justice?
05:19No, not at all. It is a precondition to even consider them.
05:23Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended