Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/1/2025
Mahigit P34-M na halaga ng smuggled agricultural products, nasabat sa Port of Manila; 59 pang containers sa Subic Port, iinspeksyunin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Port of Manila
00:30Manila kanina na magkakasamang ininspeksyon ng Department of Agriculture, Bureau of Customs at Department of Health.
00:36Mapapansin sa shipping container na ito na tinatabunan ng mga kahon na naglalaman ng egg noodles ang mga smuggled na onion.
00:44Ineclare nila na food item, yun ang ginamit na kortina, tapos nasa likod po yung produkto ng agriculture product.
00:54Ang problem, dahil yan po ay nakadeclare na food product, ang nakakapagpabukas sa customs po ay ang FDA.
01:02Kaya nakipagpulong sa akin si Secretary Kiko, sinabi niya, kayo lang pwedeng magpabukas niyan, hindi niya kayang pabuksan.
01:09Kasi dineclare as food, processed food under the FDA regulation.
01:14Ayon sa DA, galing China ang mga ipinuslit na anim na shipping containers na tumating noong May 27 at June 1 sa Pilipinas.
01:23Idineklara itong assorted food items gaya ng mantu, egg noodles at kimchi.
01:29Pero matapos ang pag-issue ng alert orders at aktual na inspeksyon noong July 10,
01:34natuklas ang naglalaman ng mga containers ng pula at puting sibuyas at frozen na mackerel.
01:39Kaya naglabas na ng warrant of seizure and detention para sa mga nasabing produkto
01:44dahil sa missed declaration at kawalan ng kaukulang import permits.
01:48China lahat, kaya magka-re-risk assessment tayo sa mga galing sa China.
01:53Kung kailangan lahat, buksan lahat ng container galing China, gagawin natin yun para siguradong wala na makanosot.
01:59Dalawang kumpanya ang consignees sa mga kargamento.
02:02Kasama na ito sa labing walo na blacklisted companies mula Enero
02:06at nakatakda pang madagdagan kapag isinagwa na rin ang inspeksyon sa pantalan ng Subic.
02:11Meron kami pinapahold ang 59 containers na nasa Subic ngayon.
02:16So maraki-laki yun.
02:17At just I would like to inform everybody, lalo na sa mga customs brokers na nagre-release na mga ito,
02:24haahabulin, kasama namin sila sa kaso ngayon.
02:27Hindi lang yung consignee.
02:29Base sa bagong batas, pati actually driver, kagaling isama dyan.
02:32Sinong bumili? Sinong nagbenta? So haahabulin namin lahat po yun ngayon.
02:37Ayon pa kay DOH Secretary Ted Herbosa, bagamat sa Food and Drug Administration ipinalisensya ang mga kontrabando,
02:45mali naman ang labeling nito.
02:47Nakita namin yung ginawang kortina, improperly labeled.
02:51Kasi bawal kang magpasok ng hindi English ang label.
02:55So kasi para nababasa nyo, pag kayong namili nung produkto, maintindihan nyo kung ano yung produkto,
03:01ano yung kinakain nyo, anong ingredients niya.
03:03So requirement yun, ang FDA na yung ipapasok mo.
03:06Kahit na yung pinasok, kontrabando din ang declaration natin doon kasi mali ang labeling.
03:11Inilahad ni Secretary Herbosa ang mga sakit na pwedeng makuha kung sakaling mapatunayan na hindi ligtas kainin ang mga kontrabando.
03:19Nauna nang nakitaan ng E. coli ang natuklasang smuggled onions sa Paco Public Market noong nakaraang buwan.
03:26Ang E. coli causes gastrointestinal illnesses, no?
03:29Pagtatae, malalagnat, kung may edad ka o batang-bata, pwede ka pang mamatay from dehydration.
03:36So may issue talaga ng food safety ang smuggled food items.
03:40Maharap ang mga sangkot sa mga kasong paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Custom Modernization and Tariff Act.
03:48Vel Custodyo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended