00:00Buena mano bukas, unang araw ng Hulyo ang pisong rollback sa kada kilo ng tankenang LPG ng Petron at Solane.
00:08Arangkada rin bukas ang rollback sa Petrolyo.
00:11Tataas naman ang arawang sahod sa Metro Manila sa susunod na buwan.
00:14Pero malayo ito sa isinusulong ng ilang grupo at sa mga ipinanukala sa Kongreso.
00:20May report si Rafi Tima.
00:24Hanggang sa naaabot ang piso mo?
00:26Sa datos ng Philippine Citizenship Authority o PSA, ang 1 peso mo noong 2018, 79 centavos na lang ang katumbas ngayong taon.
00:35Ibig sabihin, ang 1,000 pesos noong 2018, halos 800 piso na lang ang halaga makalipas ng 7 taon.
00:43Sa lagay na yan, ano ba ang nakabubuhay na sahod para sa pamilyang Pinoy?
00:48Ang datos dito ng PSA noong 2023, mahigit 353,000 pesos na average annual income.
00:54Pero ang average ding gastos ng kada pamilya, lagpas 258,000 pesos.
01:00Sa makatwid, ang natitira sa kanila para sa buong taon, wala pang 100,000 pesos o mahigit 260 pesos kada araw.
01:08Kaya panayang hirit ng mga labor group na minimum wage hike.
01:12Bigong maipasa sa 19th Congress ang mga wage hike bill na 100 pesos sa versyon ng Senado at 200 pesos sa Kamara.
01:18Ngayong 20th Congress, isinusulong ng ilang grupo ang 1,200 pesos na daily living wage.
01:25Ito raw ang sapat na halaga para bumuhay ng pamilyang may limang miyembro.
01:29Pero malayong malayo yan sa 50 pesos na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila na inaprobahan ng Regional Wage Board.
01:35Dahil dyan, simula July 18, 695 pesos na ang minimum wage para sa non-agricultural sector.
01:43658 pesos naman para sa agri-sector at mga service or retail establishment na 15 pa baba ang empleyado.
01:50At manufacturing naman na 10 pa baba ang tauhan.
01:53Pag naipo naman siya ng isang buwan, malaki na rin yun.
01:57Pambigas na din yun.
02:00Kapang gaso sa araw-araw, parang di kakayanin pa rin yun sir.
02:03Para sa Employers Confederation of the Philippines, mas mainam ito kumpara sa pano kala sa Kongreso.
02:09Kahit yung maliliit, alam mo, yung micro, trice ball, marami dyan struggling.
02:17Yung pasweldo lang sa linggo-linggo, buwan mga, pinoproblema. Tataas ako pa.
02:23Paliwanag ng National Wages and Productivity Commission, naging batayan sa pag-aproba ng umento sa sahod ay ang 5.4% na paglago ng ekonomiya nitong Enero hanggang Marso.
02:34Ang mas maliit na inflation rate sa Metro Manila nitong Mayo na 1.7% at unemployment rate na nasa 5.1% noong Abril.
02:42Kinailangan daw magbalanse para di mauwi sa pagmahal ng bilihin ang taas sahod.
02:46Magpapipilita magtaas ang price yung iba, yung iba naman mapipilita magpapos ang tao kung hindi nila kaya.
02:53Pero ayon sa kilusang Mayo 1, pabarya-barya lang daw ang dagdag sahod na ibinibigay ng Administrasyong Marcos.
03:00Bukod sa sahod, idinaraing din ang mahal ng petrolyo.
03:04Kahit nga may rollback bukas, nakukulangan pa rin dito ang ilang motorista kasunod ng dalawang bagsak ng oil price noong nakaraang linggo.
03:10Dapat naman, kung magkano tinataas, dapat gano'n din na rollback, diba?
03:16Pero hindi eh. Magtataas ng limang piso, bababa, dalawang piso.
03:20Ayon naman sa Energy Department, posibli pang masunda ng rollback.
03:24Pumayag din magbigay ng 1 peso per liter discount ang ilang kumpanya.
03:28Pag-aaralan pa kung pwede rin bigyan ng discount ang mga pribadong sasakyan.
03:31Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:35Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:39Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:42Ng-subscribe na sa YouTube.