00:00Nilinaw na malaking niyang na depende sa aktual na galaw ng presyo ng langis sa merkado ang pamamahagi ng fuel subsidy.
00:07Pero pag titiyak ng palasyo, nakahanda ang Administrasyong Marcos Jr. sa pagbibigay ng subsidy sa lahat ng apektadong sektor sakaling lumala pa ang tensyon sa Middle East.
00:18Si Gab Villegas sa report.
00:20Nilinaw ng palasyo na handa ang pamahalaan na magbigay ng fuel subsidy sa iba't ibang sektor kapag sumipa ang presyo ng mga produktong petrolyo.
00:31Kasama na rito ang public utility vehicle drivers, mga magsasaka at mangingisda.
00:36Oras na magkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyong product sa pandaigdigang merkado.
00:40Nakadepende raw ang fuel subsidy sa aktual na paggalaw ng presyo sa merkado, lalo na ngayon na may tensyon sa Middle East.
00:46May mga pagkakataon po siguro na din itong klaseng sitwasyon ay hindi po agad makakapag-decide ang Pangulo dahil depende po ito sa nagiging sitwasyon sa kasalukuyan.
00:58Pero patuloy pong nagbomonitor ang pamahalaan kung ano ba ang nangyayari sa issue sa Israel at Iran.
01:05Una nang sinabi ng Pangulo na hindi apektado ng Middle East tension ang ekonomiya ng Pilipinas.
01:11So, so far, there is no effect. So, there is no significant effect on the economy.
01:20Yun lamang, binabantayan natin ngayon yung price gouging.
01:25Dahil ang dami ko nang nakita, nagtataas ng presyo, hindi naman tumasang presyo ng ngayon.
01:30So, yun ang babantayan natin ngayon. Yeah, that's what we are going to watch.
01:34Pero binigyan din ng Malacanang na mananatiling nakaagapay ang gobyerno sa kabila na nang unsyaming pag-rollout ng fuel subsidy.
01:42Dahil bumaba na ang presyo ng langis kada by riles.
01:45Sa kasalukuyan po kasi, kung di po tayo nakakamali, umaabot lamang po sa 65 to 68 US Dollars per barrel ang presyo ng krudo.
01:55World market. Global market price.
01:59So, hindi po agad ito matitrigger. Pero tandaan po natin kung anong po ang maitutulong sa kakayanan at naaayon sa batas natin at sa rules,
02:10hindi naman po ito ipagkakaip ng pamahalaan.
02:12Nasa 3 billion piso ang nakalaampondo ng pamahalaan sa fuel subsidy.
02:17Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.