00:00Nilinaw na ang Malacanang na hindi directa ang nakikipagtulungan ang Pilipinas sa International Criminal Court
00:06kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon ng Justice Department sa mga testigo
00:10laban sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa War on Drugs.
00:16Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:20Pro-Filipino, ito ang pananaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24Sa usapin sa International Criminal Court at sa Sigalot sa West Philippine Sea,
00:29matapos sabihin ng Department of Justice na bibigyan ito ng proteksyon ang mga testigo sa kasong crimes against humanity
00:36ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, taugnay ng War on Drugs, nilinaw ng Malacanang na hindi ito nangangahulugang
00:42direkta ng nakikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.
00:46Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakatuon ng gobyerno sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino
00:53upang makanta nila ang ustisya at ito rin ang mismong ninanais ng Pangulo.
00:59Matutulungan ng DOJ ang mga witnesses para makapagtestify, para mabigyan ng ustisya ang dapat na mabigyan ng ustisya.
01:09Hindi directly makikipagtulungan sa ICC.
01:13Iginit pa ng palasyo na ito rin ang pananaw ng Commission on Human Rights.
01:17Kaugnay ng mandatong tulungan ang mga biktima, anuman ang sirkumstansya, lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa karapatang pantao,
01:26local man o abroad.
01:28Matatanda ang formal ng humiling sa ICC ang mga biktima ng War on Drugs.
01:32Naibasura ang urgent request for interim release ni Duterte.
01:36Ito ay sa pangamba sa kanilang siguridad, sakaling pansamantalang makalaya ang dating Pangulo.
01:42Sumagot din ang Malacanang sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na sa harap ng aligasyong siya ay pro-China.
01:49Iginit nito na siya ay hindi pro-any country o hindi pumapanig sa anumang bansa.
01:54Sabi nga po ni Dr. Jose Rizal, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop at malansang isda.
02:05Paano pa kaya ang isang Pilipino at isang leader na umaming hindi mahal ang kanyang sariling bansa?
02:14Ano kaya ang kanilang amoy?
02:17Giit pa ng palasyo na si Pangulong Marcos ay taas noong ipinagmamalaking siya ay pro-Philippines.
02:23At naninindigang hindi isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas.
02:29Matapos namang tawaging makaluma ni VP Sara ang Philippine National Police dahil sa pagtutok sa police visibility sa mga lansangan
02:37sa halip na gumamit ng makabagong teknolohiya tulad ng drones,
02:40sinabi ni Jose Castro na ayon mismo kay PNP Chief Police General Nicolás Torre de Ferre,
02:46ginagawa na nila ito para sa mabilis na pagresponde.
02:49Welcome rin na niya ang pangalawang pangulo na bumisita sa PNP upang makita nito kung gaano kahalaga ang pagpapakalat ng mga pulis sa kalsada.
02:59We have already incorporated technologies such as drones and CCTVs in our operations.
03:07This has enabled us to build a strong foundation for our quick response.
03:13So, ayon dito sa ating PNP Chief, makinig po tayo ng opinion sa mga taong may sense.