00:00Muling tiniyak ng Marcos Jr. Administration na may nakalang tulong pinansyal at kabuhayan para sa mga Pinoy na uuwi ng Pilipinas
00:09dahil sa gera ng Israel at Iran, maging ng mass deportation ng Estados Unidos.
00:15Yan ang ulat ni Bien Manalo.
00:19Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration ang tulong para sa mga Overseas Filipino worker na nagbalikbansa mula sa Israela
00:27dahil pa rin sa atensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
00:31Bukod sa P150,000 na tulong pinansyal mula sa DMW at OWA, makatatanggap din sila ng iba pang ayuda mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno
00:41gaya ng skills trainings, livelihood at medical assistance.
00:45Matatanda ang nakauwi na ng bansa kamakailan ang unang batch ng repatriated OFW mula sa Israela na binubuo ng 26 na OFW.
00:55Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho roon bilang caregivers.
00:59Kasama rin nilang umuwi ng pinans ang tatlong Pinoy mula sa Jordan, isa mula sa Palestine at Katara.
01:06Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Israel, sa maygit 30,000 Pinoy doon, maygit 300 pa lamang ang humiling na ma-repatriate na sila,
01:15habang 50 rito ang kumpirmado na para sa repatriation.
01:19Walo naman ang naiulat na nasugatan sa mga pag-atake, isa ang nasa kritikal na kalagayan, habang pito sa kanila ay nakalabas na ng ospital.
01:29Mahigit isang daang bahay na mga Pilipino roon ang nasira, habang nasa 400 Pinoy na ang nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
01:37Sa ngayon ay nasa alert level 3 ang Israel at Iran, ibig sabihin voluntary repatriation.
01:44Bagamat karamihan sa mga Pinoy sa Israel ay mas piniling manatili roon sa gitna ng nangyayaring sigalot,
01:51patuloy naman ang ahensya sa paghikayat sa kanila na mag-avail ng repatriation programa, kung saan nauna ng siniguro ng gobyerno ang tulong para sa kanila.
02:00Sa ngayon na voluntaryo siya, kami sa OWA, ang instruction ko po sa ating personnel on the ground ay kung maaari, tawagan, halos araw-araw, tawagan, kahit makulitan na sa amin, Sir Mike.
02:14Tawagan at kamustahin at tanungin kung sila ay disidido na na bumalik ng Pilipinas.
02:22Samantala, siniguro rin ang OWA ang tulong para sa mga lehitimong OFW na posibleng maapektuhan ng mass deportation sa Estados Unidos ng Trump administration.
02:34Sa ilalim yan, ng reintegration program at tulong pinansyal mula naman sa action fund ng Department of Migrant Workers.
02:42BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:47Abangan, food box ng DSWD, nakahanda na para sa stranded na mapasaherong...