00:00At kahapon nangyari ang aberya, abot hanggang ngayong araw ang andog na libre na sakay sa LRT2 sa kanilang mga pasehero,
00:10alinsunod na rin sa kautusan ng DOTR at pagkitiyak naman ang LRTA,
00:17masusi na nilang binubusisi ang naging problema kahapon sa supply ng kuryente.
00:23Si J.M. Pineda sa Centro ng Balita.
00:25Hindi na umabot kahapon sa scheduled medical exam si Nanay Eva para sa kanyang nilalakad na papeles papunta sa ibang bansa.
00:35Naantala kasi ang biyahe ng LRT2 kahapon ng umaga, dahilan para maipit sila sa dami ng pasehero.
00:41Hindi naman ako naabot ng aberya, kaya lang hindi na kami nakasakay ng umaga.
00:47Marami na nakapila sa antipolo pero hindi na kami ng mga nakasakay.
00:51Nag-jeep na lang kami kasi hanggang Kubaw, tapos from Kubaw, diretsyo na lang pa Pedro Hill.
01:00Kasi may mga jeep naman na nahirapan, sobrang traffic, hindi ako umabot.
01:05Si Teacher Liz naman at ang kanyang anak na papasok sa eskwela, inabutan ng mahabang pila kahapon dahil sa aberya.
01:11Actually kapon, pag dating po namin doon sa LRT po, ang dami ng tao, so nag-abang na lang po kami ng geputi po, hindi po masyadong traffic, kaya po nakasakay naman po agad kami, hindi naman po ako na lake.
01:25Balik normal na muli ang operasyon ng LRT2 kaninang umaga.
01:29Pero para makabawi sa aberya kahapon, extended ang libring sakay para sa mga pasahero na inutos kahapon ni Transportation Secretary Vince Tison.
01:37Kabila nga sa mga nakinabang ay sinananay Eva at Teacher Liz na nadamay kahapon sa aberya sa train system.
01:43Sabi ng Light Rail Transit Authority o LRTA, kinulang ng supply ng kuryente ang isa sa mga train.
01:50Inayos umano nila ito bago pa ang pagbubukas ng kanilang operasyon.
01:53Pero kalaunan, nalaman nila pati ang ilang mga transformers ay palyado rin.
01:58Bandang tanghali na na mag-full operation na muli ang LRT2.
02:02Nag-deploy naman ang shuttle ang LRTA para may masakyan ng mga pasaherong na ipit sa aberya.
02:07Libring sakay rin mula ang Tipolo Station hanggang Cubo Station ang itinulong ng Metro Manila Development Authority o MMDA, pati na ang Philippine Coast Guard.
02:16Alinsunod na rin umano yan sa direktiba ng Pangulo na dapat tuloy-tuloy ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon at walang maipit na mga pasahero.
02:24Pag itiyak pa ng LRTA, bubusisiin nilang mabuti kung ano ang naging problema sa mga transformers at kuryente ng train para wala nang maaberya sa mga susunod na linggo.
02:35J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.