00:00Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang gabinete na tiyaking matatapos ang proyekto ng pamahalaan na naaayon sa oras at budget.
00:10Direktiba ito ng Pangulo kasabay ng presentasyon ng dalawang batas na nakatoon sa ekonomiya at efektibong pagtugon sa kalamidad.
00:18May report si Harley Valbuena.
00:21Hamon ko sa gabinete at mga pinuno ng ahensya, siguruhin matatapos ang mga proyekto ng ayon sa schedule at sa budget.
00:32Hindi na tayo papayag na may masyadong cost overrun, mayroong mga time extension and no to non-performing projects.
00:40Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gabinete at mga pinuno ng iba't ibang ahensya
00:46kasabay ng presentasyon sa Malacanang ng dalawang bagong batas na nakatoon sa ekonomiya at disaster risk reduction.
00:54Unang iprinisinta ang Republic Act No. 12145 o ang Economy, Planning and Development Act
01:02na itong nagpalit sa pangalan ng National Economic and Development Authority sa Department of Economy, Planning and Development o DEPDEV.
01:10Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng bagong batas ay palalakasin ang mandato ng DEPDEV upang matiyak na ang mga programa ay ipinatutupad ng gusto
01:19at may iwasan ang pag-aksaya ng panahon at pondo.
01:24Mas madali na rin matutukoy ang mga proyektong dapat palawakin, ayusin o dapat nang itigil.
01:30Sinabi pa ng Pangulo na mas magiging mahigpit na simula ngayon ang pag-aproba sa Official Development Assistance Loans.
01:37Titiyakin natin na ang DEPDEV na pagkan may ipinangakong tulay, paaralan, health center, mga kalsada,
01:46ay matatapos sa tinakdang panahon at magagamit ng isang bayanan.
01:52Hindi lang po puro plano. Dapat nakikita at nasusubaybaya natin ang progreso ng ating mga proyekto.
01:59Samantala, iprinisinta rin ang Republic Act No. 12180 o FIVOX Modernization Act na mag-aangat sa kakayanan ng FIVOX
02:09sa pagbabantay at pagtugon sa mga lindol, pagputok ng vulkan at tsunami.
02:14Sa ilalim ng batas ay nilikha rin ang 1.25 billion pesos na annual FIVOX Modernization Fund
02:21na tataas pa sa 2 billion pesos sa ikalimang taon ng pagpapatupad.
02:26Magpapatayo ang FIVOX ng bagong laboratorio, Centralized Data Center Learning Hub.
02:33Palalawakin palalo natin ang monitoring network at pag-iigtingin din ang pagmamatyad sa mga aktibong vulkan sa buong bansa.
02:43Hinamon din ang Pangulo ang FIVOX na panatilihin ang mataas na kalidad ng servisyo,
02:49profesionalismo at pagmamahal sa bansa at sa kanilang mga kawani.
02:52Hinikayat din ito ang kabataan na palalimin pa ang kalaman sa siyensya
02:57upang madagdagan ang mga volcanologists, scientists at eksperto ng bansa
03:02na maaaring magsilbi sa D.O.S.T. o FIVOX sa hinaharap.
03:07Horny Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.