00:00Sa unang araw ng balik eskwela, nag-ikot din sa ilang paaralan si Philippine National Police Chief General Nicolás Torre III
00:07para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa unang araw ng pagbubukas ng klase.
00:12May detalye si Ryan Nisigues.
00:15Para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa unang araw ng pagbubukas ng klase,
00:21personal na nag-ikot si PNP Chief Police General Nicolás Torre III sa ilang paaralan sa Quezon City.
00:26Dito ay tiniyak ni Torre ang mas pinatibay na ugnayan ng kapulisan sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante
00:34mula sa bullying at iba pang uri ng krimen.
00:37Guitang hepe ng pambansang pulisya, maaring gamitin ang publiko ang 911 emergency hotline para i-report
00:43ang anumang insidente na may kinalaman sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
00:47Mahalaga daw na matutukan hindi lamang ang insidente ng pambubuli sa loob ng eskulahan
00:51kundi pati na rin sa labas na maaring mangyari sa oras ng uwian.
00:55Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP sa ilalim ng Off-Land Balik Eskwela 2025
01:00na layuning masiguro ang maayos, mapayapa at ligtas na pagbubukas ng klase sa buong bansa.
01:06At sinisiguro na ang kanilang learning environment ay magiging maayos at maging payapa.
01:12At para naman sa lahat ng ating mga kababayan, including sa mga magulang,
01:16huwag nyo na kaming hanapin sa mga presinto sapagkat kami ay nasa inyo ng mga telepono.
01:21Dial 911.
01:22Bili naman ni Torres sa mga police commander, tutukan ang street crimes
01:26at bullying sa mga paralan bilang bahagi ng ligtas na pagbubukas ng klase.
01:31Soft target ang mga estudyante, di ba?
01:33Soft target ang mga estudyante.
01:35Dahil ang mga yan ay nagahanapan ng panibagong mga kaalaman,
01:39very malleable, very pliant ang mga utak ng ating mga estudyante
01:43dahil bata nga ang mga yan.
01:45So, ina-warn natin yung mga mag-take advantage niyan sa kung anumang kanilang mga selfish interests.
01:50Sa kabuha na iyaabot sa mahigit 37,000 polis ang ipapakalat ang PNP sa buong bansa
01:56para magpantay sa halos 46,000 paaralan.
02:00Bilang bahagi sa mas pinagting na police visibility,
02:03meron ding itinatag na mahigit 5,000 police assistance desk ang PNP malapit sa mga paaralan.
02:10Ryan Lixigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.