Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/26/2025
Pagprotekta sa kabataan mula sa maagang pagbubuntis, mahalaga para sa kinabukasan nila!

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga ka-RSP, patuloy po ang nakaka-alarmang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas.
00:06Ito po ay hindi lamang naglalagay sa batang ina sa panganib at komplikasyon.
00:12Maaari din po itong magresulta sa paglaki ng mga bata sa kahirapan.
00:16Malaki din po ang epekto nito sa edukasyon na natatanggap ng mga batang magulang.
00:21Pero ano naman kaya mga programa ang sinasagawa dito ng pamahalaan
00:25at mga non-government organization gaya ng Plan International Pilipinas?
00:30Alamin natin yan, kasama si Ma'am Glenna Paran, ang kanilang communications and advocacy officer.
00:35Good morning po Ma'am Glenna and welcome po sa Rise and Shine Pilipinas.
00:38Nagandang umaga po Sir Daniel at Ma'am Leslie at sa labo ng mananoy.
00:42Siyempre, ito po muna ang unang tanong natin. Big picture po muna tayo.
00:46Gaano na po ba kalala ang problema ng adolescent pregnancy po sa Pilipinas?
00:51May data po ba kayo na pwede po maihain ngayon?
00:54Marami na po tayong datos na available na nagpapatunay na patuloy pong lumulobo
01:00yung bilang ng mga kaso ng adolescent pregnancies
01:04o yung maagang pagbubuntis ng mga batang may edad
01:07o kabataang may edad na 19 years old pababa.
01:11Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority noong isang taon, noong nakalang taon lang, sinasabi na noong 2023, umabot na po sa 142,000 yung bilang.
01:27So, imagine po natin sa loob lamang ng 2023, kada araw may 389 births.
01:37At kaugnay po nung datos na yun, sinasabi din na patuloy na tumataas naman yung trend pagdating sa births registered naman po pagdating sa mga batang may edad na 10 to 14 years old.
01:52Actually, umakyat po ito ng 35% yung pagtaas niya from 2021 to 2023.
02:00142,000, ma'am. Napakadami no, no?
02:03Opo.
02:03Alam mo, Leslie, napakadami na ng mga campaign, mga advocacies, di ba?
02:09Na about nga dito para labanan yung teenage pregnancy.
02:13Pero ma'am, bakit po kaya parang marami pa rin kaso ng mga ganito?
02:17Opo. Marami naman na po tayong mga kampanya, no, na inilunsad po ng government saka ng mga non-government organizations din.
02:26At marami na ding information na available online at offline.
02:30Pero ang problema po kasi, marami po sa mga information platforms na ito, hindi po, um, kumbaga hindi po accurate, no?
02:40O kaya hindi po kumpleto yung information na nilalaman ng mga platforms na yun.
02:45At marami po sa mga ito, nanonormalize pa nga yung tinatawag natin risky behaviors sa mga bata na nakakanood or nakakabasa ng mga mali o inaccurate na information.
02:58If I follow up, ma'am.
02:59Ano yung nakikita niyo yung mga parang, ano, yung inaccuracy at yung mga parang misleading ba na campaign?
03:05Ano po yung mga so far na naobserbahan ninyo?
03:07Ito ay parang nagko-contribute po siya sa mga misconceptions na meron tayo ngayon, eh, no?
03:14Pagdating sa adolescent pregnancy, halimbawa na lang po, may mga palabas, no?
03:21Kahit sa loob ng television, no?
03:24Na nag-nonormalize halimbawa ng violence, no?
03:27Nabanggit niyo po kanina na yung merong recently sa Supreme Courtner case, no?
03:32Nanonormalize yung violence and abuse sa kababaihan.
03:35Meron din pong mga information na hindi kumpleto, kumbaga hindi po na ipapaliwanag kung ano yung maaaring mga consequences ng maagang pagbubuntis pagdating sa kalusugan ng isang bata.
03:48Ano namang po ba sa tingin niyo po yung mga pangunahinda ilan?
03:52Kung bakit mas vulnerable po sa pagbubuntis itong mga adolescent?
03:55Like yung mga factors, di ba, peer pressure, and everything?
04:00Yes. Marami pong salit na nakaka-apekto o nagdudulot ng maagang pagbubuntis ng mga bata.
04:09Kailangan po natin siyang tignan yung issue, batay dun sa, sige, yung isang tao, yung capacity na mag-decide o gumawa ng desisyon ng isang tao, ng isang bata,
04:23ay naapektuhan o na-influensyahan po yan ng kanya.
04:26Una, yung kanyang sitwasyon, no?
04:28Kasi maaaring siya ay nasa poverty situation.
04:31Sabihin natin, hindi po nakapagtapos ng pag-aaral o kaya naman kulang yung means, no?
04:36To access basic social services.
04:38At kasama na rin po dyan sa kanyang sitwasyon, yung kanyang identity.
04:43Maaaring yung bata din ay maaaring may disability o kaya naman hindi po conforming yung kanyang gender identity, no?
04:53Sa anuman yung meron tayo ngayon.
04:55At dagdag dito, bukod po dun sa identity at situation ng isang bata,
05:01yung isa sa mabigat na nakaka-influensya sa kanya ay yung external environment.
05:05So kasama na po dito yung mga taong nakapaligid sa kanya, yung pamilya, yung mga kaibigan, yung mga teacher, no?
05:12At kahit yung mga local government units natin.
05:15Ano, alam po kaya dun yung pinaka-challenging po na i-address?
05:19Kailangan po natin intindihin na yung lahat po ng mga factors na ito, no?
05:25Ay nagpo-promote o kaya naman nagtuturo ng values, mga attitude, mga kagawian sa mga bata, no?
05:33At minsan, meron tayong mga paniniwala at mga kagawian na nakakapag-limit dun sa desisyon, no?
05:41Na magpa siya kung anong gagawin ng isang bata sa kanyang katawan, sa kanyang buhay.
05:46So for example, kung ang paniniwala natin ay hindi dapat natin pinag-uusapan sa schools
05:52o kaya sa loob ng tahanan ang mga usapin tungkol sa sexual and reproductive health, no?
05:58Malilimitahan po talaga ang bata at maaaring ang kanyang ma-access na informasyon
06:03ay yung nasabi po natin na hindi po tama o kaya naman ay kulang.
06:07Pero ito, Leslie, para ma-alert rin yung mga mambabatas natin,
06:11ma'am kulang po ba yung mga bata sa Pilipinas para labanan po yung teenage pregnancy?
06:15Kami po sa Plan International Pilipinas, yung isa po sa mga key strategies, no?
06:23Nasa core po ng ginagawa namin ay yung comprehensive sexuality education.
06:28Itong nakaraan po naging matunog po yung usapin mo ito, no?
06:33Meron na po tayong comprehensive sexuality education
06:37through the implementation po ng Department of Education sa schools, no?
06:43Meron din po tayong mga NGOs ng tulad ng plan na naglulunsad ng CSE sa communities.
06:49Naniniwala po kami na kailangan po natin palakasin yung implementation nito.
06:53So, implementation na kailangan.
06:54Hindi doon sa batas, no?
06:55Correct.
06:55Mula na implementation, no?
06:57Oo.
06:58Ay, bukod po ba dyan sa mga nabanggit po ninyo, ha?
07:01Ano pa po ba yung mga hakbang at programa na isinasagawa ninyo
07:05para labanan po itong adolescent pregnancy?
07:08Tulad ng nabanggit ko, no?
07:10Yung CSE, mahalaga po ito kasi
07:12lalo na dahil ito ay nagtuturo sa mga bata
07:18kung paano nila aalagaan yung kanilang mga sariling katawan
07:21yung kanilang mga sarili
07:22at paano po protektahan yung kanilang mga sarili.
07:27Kaugnay po nun, kami po ay nakikipagtulungan sa mga bata
07:34lalo na sa mga batang babae
07:35para siguraduhin na lahat ng programa namin
07:37ay tumutugon sa kung ano talaga yung pangangailangan nila
07:41sa kainteres ng mga bata.
07:43At nakikipagtulungan din kami sa mga local government units
07:46at mga skwelahan, sa mga government agencies
07:49para siguraduhin na yung mga serbisyo
07:53na ipinoprovide natin sa mga bata
07:55at mga pamilya
07:57ay angkop po sa kanilang edad,
08:00angkop sa kanilang kultura.
08:02Pero ma'am, ano po ba, gano'ng kahalagay yung role?
08:05Kasi magulang, di ba?
08:07Gano'ng kahalagay yung role ng magulang?
08:09Tsaka paano ba dapat ina-approve siya magulang yung anak niya?
08:12O, medyo kasi sensitive.
08:13Palalo na kapag sa atin sa bansa natin
08:16kasi medyo ridiculous eh.
08:17Pag mga ganyang bagay talagang sabihin,
08:20ay hindi, di pwede pag-usapan
08:21o kaya naman nakakahiya.
08:24Yes.
08:25Naniniwala tayo na education begins at home.
08:28Yung mga parents at caregivers
08:29ay may pangunahin responsibility
08:32na i-educate yung kanilang mga anak
08:34o yung mga batang kasama sa bahay.
08:38Generally, ang tendency po natin
08:40ay maging uncomfortable.
08:42Di tayo comfortable yung pag-usapan yung gantong bagay
08:44o nahihiya o natatakot tayong pag-usapan
08:46kasama ng mga bata.
08:48Kasi ang tingin natin
08:49ay baka ma-encourage natin sila.
08:51Pero yun po yung kailangan natin
08:53baguhin na pagtingin.
08:55Kasi ang nakikita natin
08:56pangangailangan talaga nila
08:58ay yung tamang impormasyon
08:59na maaari pong ibigay
09:01ng kanilang mga magulang.
09:03Yung mga consequences din
09:04na pwedeng mangyari
09:05kapag nagkaganon.
09:07Hindi lang dapat love, no?
09:09Oo.
09:09Anong love, love?
09:10Lalo na pag mga bata.
09:11Pag-Diyos ko naman.
09:13Hindi yan ang priority.
09:14Mag-aral muna.
09:15Tama, tama.
09:16Alright.
09:17Maraming salamat po, Miss Glena.
09:18Muli po nakapanayam natin
09:19Miss Glena, paraan ng
09:21Plan International, Pilipinas.

Recommended