00:00Inatasan ni Bang Samoro Autonomous Region and Muslim Mindanao Chief Minister Abdul Raoq Makakuwa
00:06ang lahat ng minister, deputy minister at pinuno ng mga opisina at ahensya ng BARM
00:11na magsumite ng kanilang courtesy resignation.
00:15Narito ang ulat ni Luisa Erispe.
00:19Ipinag-utos ni Chief Minister Abdul Raoq Makakuwa ang courtesy resignation
00:24sa lahat ng mga ministers, deputy ministers at heads ng mga opisina at ahensya ng gobyerno
00:30sa Bang Samoro Autonomous Region and Muslim Mindanao o BARM.
00:34Sa memorandum na isinapubliko ng Commission on Elections,
00:37kailangan magsumite ng resignation hanggang June 30 o sa lunes.
00:41Hindi naman dinitalye sa liham ano ang dahilan ng kautosan ng Chief Minister
00:46pero may kaugnayan umano ito sa mga seryoso at mabibigat na reklamo
00:51na natatanggap nila sa pamunuan sa BARM.
00:53Dahil naman dito, ang Commission on Elections
00:56aminadong may implikasyon ng courtesy resignation
00:59sa ginagawa nilang paghahanda para sa kauna-unahang parliamentary elections
01:04na nakatakdang isagawa sa BARM sa Oktubre.
01:06Any change ng leadership will always have an implication naman
01:10dun sa mga paghahanda kung meron man.
01:12Pero sana nga, tutal naman ito ay medyo mahaba-habap ang panahon
01:16kumpara sa nalalapit na halalan.
01:19Sana nga magkaroon ng kaliwanagan kaagad dun sa mga mapapalitan
01:24o dun sa mariretain upang hindi magkaroon ng agam-agam din
01:27at saka maging maliwanag sa Comelec kung sino yung mga tamang kausap natin.
01:31Bagamat tuloy pa rin ang trabaho ng mga ministers at leaders sa BARM
01:34sa kabila ng courtesy resignation,
01:37giit ng Comelec, kailangan agarang maging malinaw
01:40sino ang mga posibleng mapalitan sa pwesto
01:42para hindi magkaroon ng komplikasyon sa kanilang paghahanda.
01:45Ang mga nakaupo kasi ngayon na parliament leaders sa BARM
01:49ang siyang makakatuwang nila para sa mga preparasyon sa darating na eleksyon.
01:53Siyempre yung mga kaugnayan namin sa pagkukondak na eleksyon
01:56ay ang mga pinuno ng mga departamento o mga ministry doon
02:01and therefore tingnan natin kung gano'ng kabilis mapapalitan,
02:06kung magpapalitan ba o kung sakali magkakaroon ba ng pag-retain
02:10nung mga nakaupo sa kasalukuyan upang magtuloy-tuloy dang din yung pakikipag-usap natin sa kanila.
02:16Pero sa ngayon, tuloy pa rin naman ang paghahanda ng Comelec para sa eleksyon sa Oktubre.
02:21Lahat na po ng mga dapat nakagakamitin natin budget ay nahihanda na po natin
02:26and pati po yung training ng mga electoral board members,
02:30yung mga DESO at support staff ay nakalatag na po sa namin
02:34pati po yung mga dates kung lahat kailan ito gagawin.
02:38So again, itong buwan ng Hunyo at saka Hulyo ay napaka-crucial,
02:44lalong-lalong na kinakilangang matapos namin yung source code,
02:48yung trusted bill, yung local source code review,
02:51yung pag-i-depots ito sa Banko Sentral,
02:53yung pong tinatawag na pre-lot, logic and accuracy test,
02:58at syempre meron tayong mga mock election.
03:00Samantala, ayon naman kay Senate President Francis Cheese Escudero,
03:04sa tingin niya, wala pang direktang epekto ito sa parliamentary election sa Oktubre.
03:09Karapatan din umano ng Chief Minister na palitan ang kanyang mga gabinete o ministers
03:14upang matiyak na maayos ang pagpapatakbo sa bar.
03:18Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.