Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Law expert, nagbabala sa mga bansang tatanggap sa posibleng interim release ni dating Pangulong Duterte

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy natin ang tutulan ng International Criminal Court Assistant to Council,
00:04Attorney Cristina Conti,
00:06ang anumang tangkang pansamantalaang pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:10Posibleng masiraan niya ang imahe ng anumang bansang tatanggap sa interim release nito.
00:16Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:20Nagbabala ang isang law expert na posibleng masira ang imahe sa international community
00:25ng sinumang bansang tatanggap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:30Ito ay sa harap ng umunay planong pakikipag-ugnayan ng kampo ni Duterte sa bansang Australia
00:35para tanggapin ang kanyang posibleng interim release.
00:40Ayon kay ICC Assistant to Council, Attorney Cristina Conti,
00:43kapag tinanggap ng isang bansa si Duterte,
00:46posible rin itong maka-apekto sa kanilang diplomatic ties sa ibang bansa,
00:50lalo na sa mga kasunduang may kinalaman sa human rights.
00:54Any country who hosts Duterte will certainly have their reputation tarnished
01:00with the hosting or sponsoring of a mass murderer within the territory.
01:06So they will have to contend with the international repercussions of such hosting.
01:14Kaugnay dito, patuloy umanong tututula ni Attorney Conti
01:17ang anumang tangkang pansamantalang pagpapalaya sa dating Pangulo.
01:21Kabilang na ang posibleng interim release nito sa Australia.
01:25Bukod dito, hindi rin tiyak ang law expert sa kahandaan ng Australia,
01:30lalo na't wala pa umanay itong history ng pagtanggap ng isang detainee ng ICC.
01:36Pero sa uli, ang pagbabatayan pa rin naman o sa interim release
01:40ay hindi ang bansang patutunguhan ng isang akusado,
01:43kundi ang mga implikasyon tulad ng posibleng pagtakas,
01:48pagkakataong makagawa ng dagdag na krimen,
01:51at posibleng epekto sa investigasyon at sa mga testigo.
01:55Ayon naman, kay UP College of Law Professor Mike Q,
01:58malaboring mapili ang Australia sakaling mapagbigyan ang interim release ni Duterte
02:03dahil napakalayo nito sa ICC.
02:05Kung dadali ng dating Pangulo sa Australia,
02:08posible o manong magkaproblema pa ang ICC sa pagdalo niya
02:11sa confirmation of charges hearing sa September.
02:14I would think that the court, if i-gagrant niya yung release,
02:19ay doon lang sa malapit na bansa sa Europe,
02:23yung hindi kailangan ng napakadaming logistics para ilipad yung dating Pangulo.
02:30Napakalayo naman ang Australia sa ICC.
02:33Samantala, naniniwala rin ang law experts na hindi makaapekto sa kaso ni Duterte
02:39ang ginagawang pag-iikot sa iba't ibang bansa ni Vice President Sara Duterte
02:43at iba pang miyembro ng Pamilya Duterte
02:46upang mangalap ng simpatsya mula sa international at Filipino community.
02:52Wala lang talaga, iingay lang siya.
02:54I think maingay lang niyang request na yan.
02:58Kasi kahit naman mag-succeed yung appeal ng mga Pilikino sa Australia,
03:03hindi pa rin naman yun ibig sabihin tatanggap yun ng korte yung Australia.
03:07Bilang pag-re-release niya.
03:10Yung ginagawa pag-iikot ng Duterte siblings, Duterte children,
03:15sa international community, na ano kami doon eh,
03:19sa totoo lang naasiwa na may ganung klaseng kumbaga pakanak
03:25itong Duterte family na ipakita ang tatay nila na bilang isang siktima.
03:30Ngayong araw lamang din ay humiling na ang ICC prosecution
03:34sa ICC pre-trial chamber na ibasura
03:37ang urgent request for interim release ni Duterte.
03:41Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended