00:00Inihahanda na ng Transportation Department ang ipamamahanging fuel subsidy
00:05sa mga apektado ng pagtaasang presyo ng petrolyo,
00:08bunsod ng lumalalang tensyon sa Middle East.
00:11Nilinaw naman ang DOTR na maging ang mga driver
00:14na hindi pa kasama sa kooperatiba ay mabibigyan din ng tulong.
00:19Si J.M. Pineda sa Sentro ng Balita.
00:2312 oras o kalahating araw ang ginagawang biyahe ng delivery rider na si Tatay Dominador.
00:29Pero sa kabila niyan, matumal pa rin daw ang kita niya.
00:33Dagdag pasakit paan niya ang pagtaas ng gasolina.
00:36Mabuti na lang at may fuel subsidy mula sa pamahalaan na kahit papano'y bawas aray sa kanila.
00:41Siyempre mas malaking tulong po sa amin.
00:44Kasi siyempre maganda na rin yan kung sakaskaling magkatotoman na magkakaroon ka.
00:52Subsidy.
00:53Malaking bagay na para sa amin.
00:56Kasi siyempre panggasto sa bahay, pang araw-araw na bilhin, pagkain.
01:02Mas pamasahin ang mga anak namin sa school.
01:04Malaking bagay rin para kay Dennis ang subsidiyang nakaabang para sa kanila mga delivery riders.
01:09Lalo pa at ang konsumo niya sa gasolina ang pinakamalaking tumatapya sa kanyang kita.
01:15Malaking tulong din rin, sir.
01:17Sa gitna ng pagtaas ng produktong petrolyo na dahilan ng pag-aray ngayon ng maraming motorista,
01:29agarang tulong ang direktiba ng Pangulo sa mga ahensya para sa sektor ng transportasyon.
01:34Kahit ang mga delivery riders ay maaabutan ng tulong dahil isa rin sila sa mga apektado ng oil price increase.
01:41Samantala, ayon naman sa DOTR at LTFRB, kasado na ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga PUV drivers at operators.
01:48Nilinaw rin ang ahensya na inclusive at bukas para sa lahat ng mga super at operator ang nakahandang fuel subsidy.
01:55Kahit umano ang mga driver na hindi kasama sa mga kooperatiba,
01:59ay mabibigyan ng karampatang tulong dahil ramdam din nila ang epekto ng oil price hike.
02:04Inaasahan na ilalabas sa lalong madaling panahon ang ayuda para makatulong na sa mga motorista.
02:10Kahapon naman, nakipagpulong ang Department of Energy sa mga oil companies
02:14kung saan pumayag ang mga ito na utay-utahin ang pagpatong sa presyo sa mga produktong petrolyo
02:19para mabawasan din daw ang napakalaking epekto nito sa mga motorista.
02:24J.M. Pineda, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.