00:00Samantala, pinayuhan ng Department of Transportation ang publiko na tiyaking nga sa maayos na kondisyon ang mga sasakyan bago bumiyahe ngayong Semana Santa.
00:09Ang detalye sa Balitang Pambansa ni J.B. Santiago ng AIBC30.
00:16Alas 8 pa lang kaninang umaga, dagsa na agad ang mga motorista sa talyer na ito para magpacheck ng kanilang sasakyan bago pa ang kanilang road trip ngayong Holy Week.
00:26Isa sa kanila si Michael na nagpaayos ng radiator bilang paghahanda sa biyahe ng kanyang pamilya kapuntang Cavite sa darating na Good Friday.
00:56Si Boyet naman, isinabay na rin ang pagpapalit ng langis at filter para sa kanilang road trip pa Baguio bukas.
01:05Pero pag titiyak ni Boyet, hindi lang dapat ang kanilang sasakyan ang nasa maayos na kondisyon, kundi pati na rin ang magiging driver nila bukas.
01:13Kasi kailangan na kondisyon yung driver, hindi siya laseng, hindi siya nakainom kung ano man o puyat.
01:21So kailangan kondisyon din yung magmamaneho ng sasakyan.
01:26Nagpaalala naman si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga motorista na tiyaking roadworthy ang mga sasakyan bago bumiyahe.
01:35Ayon sa kalihim, kaligtasan pa rin ang dapat isaalang-alang ngayong Semana Santa.
01:41Nako, ang road safety napaka-importante.
01:45Alam nyo, bago bumiyahe sa ating mga kababayan, i-check ang makina, i-check ang gulong, i-check ang preno, i-check po ang lahat.
01:54Kasi kailangan tayo lalo na ngayon, nadagsana. Simula ngayon, bukas hanggang Webes ang dagsa ng mga sasakyan sa kage. So mag-ingat po tayo.
02:04Huling paalala ng mga otoridad, huwag kakalimutan ang blow baguets.
02:08I-check ang battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tire at self para sa ligtas at suwabing biyahe.
02:21Mula sa IBC 13, JB Santiago para sa Balitang Pampansa.