00:00Natuwa ang ilang motorista matapos ipag-utos ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpaliban muna ang rehabilitasyon ng EDSA.
00:07Ang detalya sa report ni Gab Villegas.
00:12Ilang mga motorista ang natuwa sa balita na pansamantala muna ipagpapaliban ang rehabilitasyon ng EDSA.
00:19Mayroon rin silang mga mungkahi paano mapapabuti ang lagay ng trapiko sa EDSA.
00:24Hindi naman yung cemento ang problema, nadadaanan siya.
00:27Yung volume na sasakyan, hindi niya kaya niya kung umudate kasi nga masikip siya.
00:31Dapat palakihin mo.
00:32Papunawaan po na i-rehab pero yun nga, kung may mas mabilis pong paraan, mas mainam po.
00:39Ito ay matapos pansamantala muna ng ipinahihinto na isang buwan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang napipintong EDSA rebuild.
00:47Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nais ni Pangulong Marcos na mapabilis palalo ang pag-rehabilitate ng EDSA.
00:54Sa halip na dalawang taon, nais nito na abutin lang ng 6 buwan ang magiging rehabilitasyon.
01:01Dagdag pa ng kalihim, gusto ng Pangulo na makahanap ng mas magandang paraan na maayos ang EDSA na hindi magkakaroon ng matinding abala sa mga commuter at mga motorista.
01:11The President made a very bold decision to say, let's walk this back, let's find a better way para hindi mahirapan ng mga kababayan natin ng dalawang taon.
01:25Kinansila na rin ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng add-even scheme kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Marcos na suspendihin ng EDSA rebuild para makahanap ng magandang paraan para mapagaan ang pasanin ng mga commuter at mga motorista.
01:40Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, ang nasabing suspensyon ay pagkakataon para sa kanila na muling tignan ang kanilang mga plano para pagaanin ang inaasahang bigat ng tapiko dahil sa dalawang taong sa rehabilitasyon.
01:55Dahil rin dito, ay mananatiray pa rin ang umiiral na number coding scheme.
01:59Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.