Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 months ago
[Trigger warning: Sensitibong balita]


EXCLUSIVE: Patay na rin ang dalawang menor de edad na tagapagpatuka lang ng panabong na manok gaya ng sinapit ng mga nawalang sabungero. Ayon ‘yan kay alias “Totoy” na nakausap ng mga kaanak ng mga teenager na biktima.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay na rin ang dalawang menor de edad na tagapagpatukalang ng panabong na manok
00:05gaya po ng sinapit ng mga nawalang sabongero.
00:08Ayon yan kay Alias Totoy na nakausap ng mga kaanak na mga teenager na biktima
00:12ang mga detalya sa aking eksklusibong pagtutok.
00:19Nagtatrabaho umano bilang tagapakain ng mga panabong na manok sa Katanawan, Quezon bago mawala
00:24sina Maison Ramos, 14 anyos at John Paul De Luna, 17 anyos.
00:30December 30, 2021, nang sumama sila at mga kaibigang sina Nazareno Biscante,
00:37Ricky Boy Ignacio at Ariel Teposo sa kanilang amo sa isang derby sa Santa Cruz, Laguna.
00:44Ayon kay Janice, tiyahin at nagpalaki kay Maison.
00:47Nagpumilit ang binatilyo na sumama para may pangsorpresa sa ama't ina.
00:52Sasama daw po siya doon sa pagsabong para po yung kikitahan niya po ang pera,
00:58edi gagamitin niya po yun para babigyan po ng magandang bagontan po yung kanyang pamilya.
01:05Nakabalik umano ang mga amo ni na Maison pero ang lima,
01:09kabilang ang dalawang minor de edad, hindi na nakita.
01:13Kabilang sila sa 34 na binansagang mga missing sabongero.
01:17Yung sasakyan po ay hindi na po bumalik.
01:21Tapos po ay may nagreport po sa amin na natagpuan po yung sasakyan doon sa tagig.
01:29Nakausap sa telepono ng pamilya ni Maison si Alias Totoy,
01:33isa sa mga akusado sa kaso ng pagkawala ng ilang sabongero sa Manila Arena at San Pablo, Laguna.
01:39Kabilang anya ang sinapit ni na Maison sa mga inireport sa kanya ng mga kasabuat.
01:43Santa Cruz, Laguna sila na wala. Ano kaya, gano'n na rin ba ang pangyayari sila sa kanila?
01:51Lahat walang naraligtas. Ako na magsabi sa inyo, pasinsya na, pero lahat walang naraligtas.
01:58Masakit man tanggapin, mainam na ayon sa pamilya ni Maison na naalaman ito.
02:04Para makagawa ng hakbang lalot, meron ang maaaring tumestigo.
02:07Sa amin po ay sobrang laking tulong po, sir. Napakasaya po namin at kahit paano po sa pakikipaglaban po namin ay
02:14nagkaroon na po ng magandang linaw.
02:18Sana po ay bigyan po ng hostesya kaming mahihirap.
02:21Nabagaman po kami wala pong pera eh.
02:23Ang batas naman po ay para sa lahat, hindi lang po para sa mayayaman.
02:27Nakausap din si Alyas Totoy ng mga kaanak ni Michael Bautista, missing sabongero,
02:33na na-video hampang nakaposas at inilalabas ng dalawang lalaki sa sabungan sa Santa Cruz, Laguna din.
02:39May kumuha po saan lang iba, hindi po kayong kumuha nun.
02:42Si Alyas Totoy at si Alyas Dudong ang may bit-bit niyan.
02:47Sana marinig ng lahat na malabasan ang Warat of Paris yung dalawa na yan.
02:51Ang dalawang lalaking inalyasan ni Alyas Totoy, pinangalanan na rao niya sa kanyang affidavit na isusumitin na niya sa lalong madaling panahon.
03:00Kasama rao sila sa mga sasampakan ng kaso kaugnay ng pagkawala ni Bautista at tatlo pang kasama
03:05nang magderby sila sa Laguna noong April 2021 na sina Domingo Carable, Jason Amoroto at Erlindo Tahup.
03:13Ang pasasalamat po namin sa iyo, abot langit na po.
03:16Kasi ito lang po talaga yung inihintay namin na magkaroon ng isang tao na makonsensya.
03:20Nadismiss man yung kaso namin pero sa pagkakataon to, nabigyan na po siya ng linaw.
03:24Apat na taon na ang lumipas, naglahong parambula, wala na isa sa kanila ang natagpuan.
03:29Tatlong pulis ang kinasuhan sa pagkawala ni Lasko.
03:32Nasa korte pa rin ang kaso kaugnay ng pagkawala ng anim na sabungero.
03:36Ayon kay Alyas Totoy, desidido siyang panindigan ang kanyang mga pakayag.
03:40Tapos na rao ang kanyang affidavit.
03:42Handa rao niya itong panumpaan at isumiti sa mga otoridad sa lalong madaling panahon.
03:47Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.

Recommended