00:00Presyo ng karneng baboy sa merkado kasama sa tatalakayin sa press conference ng ilang grupo.
00:06Alamin natin ang detalye sa report ni Vel Custodio. Live, Vel!
00:13Rise and shine, Patrick. Magsasagawa ng press conference kayong umaga si Pork Producers,
00:18Federation of the Philippines Chairperson at Agapartilist Representative Nick Riones
00:23para talakay ng ilang mga issues at mungkahi para sa pagpapaunlat ng sektor na agrikultura at pagbababoy.
00:34Isa sa highlight sa press conference ang presyo ng karneng baboy sa merkado.
00:39Nitong linggo lang, inanunsyo ng Department of Agriculture ang paglalagay ng maximum suggested retail price sa importe na karneng baboy simula sa Agosto.
00:47Na isinresolvahin ng DA ang mga nananamantala sa presyo ng baboy.
00:51Nilalagyan daw kasi ng local label ang mga imported pork para makapagpatong ng mas mataas sa presyo.
00:57Kasalukuyan kasing mas mababa ang presyo na imported kaysa sa local pork.
01:01Kasalukuyang nasa P380-P470 ang presyo ng local na liyempo habang P350-P380 naman sa kasim.
01:11Mas mataas ito sa frozen imported pork na P290-P310 lang ang liyempo at P230-P290 lang ang kilo ng kasim.
01:23Kaya naman nais din magpatupad ang kagawaran na agrikultura ng proper labeling.
01:26Tatalakayin din ni Congressman Nick Briones ang mga hakbang para sa commercial use ng bakuna contra African swine fever.
01:35Habang hinahantay ito, patuloy ang repopulation efforts na maaaring tumagal ng at least 3 years.
01:42Patrick, pag-uusapan din mamaya ang mga bills na makatutulong sa pagpapaunlad ng sektor na agrikultura maaging sa pagbababoy.
01:53Mamaya nauna nang naipasa dito ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na pinatututukan naman na administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon nito.
02:04Balik sa iyo, Patrick.
02:05Thank you, Vel Custodyo.