Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
Napalikas ang ilang nasa Tehran, Iran kabilang ang ilang Pilipino kasunod ng pahayag ni U.S. President Donald Trump na lisanin ang lugar. May babala naman ang supreme leader ng Iran sa Amerika kung manghihimasok ito sa sigalot nila ng Israel. May report si JP Soriano.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00J.P. Sorian
00:30Wala nang atakihin ang Israel ang Iran noong biyernes, wala nang pati ang gantihan ng airstrike ng dalawang bansa.
00:41Dahil sa tumitinding tensyon, may mga lumikas na mula sa Iranian capital na Tehran.
00:50Nadagdagan pa ang mga yan.
00:52Nang nagbabala sa social media ang Pangulo ng Kaalyadong Bansa ng Israel na si US President Donald Trump,
00:58dapat na raw lumisan ang lahat ng nasa Tehran.
01:02Inereklamo ni Trump ang hindi raw pagpirma ng Iran sa kasunduang sinabi niyang lagdaan.
01:08Paulit-ulit din daw niyang iginiit na hindi dapat magkaroon ng nuclear weapon ang Iran.
01:14Hiningi din ni Trump ang unconditional surrender ng Iran.
01:17Tugo naman ng Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Hamilay sa sinabi ni Trump,
01:23hinding-hindi sila susuko.
01:26Babala pa niya, magiging irreparable ang pinsala sa Amerika kung manghihimasok ito.
01:33Kasama sa mga lumikas mula sa Tehran, ang ilang Pilipinong nagtatrabaho roon.
01:38Pagkasabi pa lang ni President Trump, ay nag-alisad na mga tao.
01:42Haba na uli yung pilahan, yung traffic sa highway.
01:46Very alarming.
01:47Ibig sabihin, wala silang planong ihinto ito.
01:50Gayunman, hindi raw muna sasama si Naofar sa voluntary repatriation
01:54dahil maayos naman daw ang lagay ng kanilang pamilya sa northern part ng Iran.
02:00Tatlongpong Pilipino ang nagtatrabaho sa Iran ayon sa DFA.
02:04Nang tanungin si Pangulong Bongbong Marcos kung kailangan na bang magpatupad
02:08ng mandatory repatriation sa Israel at Iran.
02:12No, not yet.
02:14We generally leave it to each individual or each family to decide for themselves
02:21whether or not they feel safe or whether or not they would like to be evacuated.
02:25Pero handa naman daw ang ating gobyerno na ilikas ang mga Pilipino sa Iran at Israel.
02:31JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended