Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 months ago
Aminado ang education department na nahaharap sa learning crisis ang bansa, dahil sa dami ng mga estudyanteng hirap sa pagbabasa at basic math. Tutok na pagturo sa kanila ang isang solusyon. Pero may iba pa raw dapat tugunan, tulad ng gutom.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Aminado ang Education Department na nahaharap sa learning crisis ang bansa
00:06dahil sa dami ng mga estudyanteng hirap sa pagbabasa at sa basic math.
00:13Tutok na pagturo sa kanilang isang solusyon pero may iba pa raw dapat tugunan.
00:18Tulad ng gutom, nakatutok si Maki Pulido.
00:25Ha?
00:30Da, na, ang, ba, ko.
00:39Anong sinasabi ng binasa mo?
00:42Yung bag.
00:43Yung bag ay?
00:46Tinahanap pa.
00:47Tinahanap pa yung bag?
00:49Apo. Nasa upuan lang.
00:51Ha?
00:52Nasa upuan lang.
00:53Nasa upuan lang yung bag.
00:552023 na makilala namin ang nuoy grade 7 student na ito na paisa-isang pantig lang ang nababasa kahit 12 anyos na.
01:05Pandemic lockdowns ang nasisi dahil matagal na dinagklase ang marami at nang magbalik klase hindi naman face-to-face.
01:12Pero sabi ng United Nations Children's Fund o UNICEF, bago pa ang mga lockdown ay may learning crisis na sa bansa.
01:19Sa pag-aaral nga nito noong 2019, lumabas na siyam sa sampung Pilipinong nasa grade 5.
01:25Hindi kayang magbasa na angkop sa kanilang grade level.
01:2883% o mahigit walo naman sa sampu ang hirap sa basic mathematics.
01:33Pinakamalala sa Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
01:37At lumala pa yan noong pandemia.
01:40Hindi na yan itinatanggi ng Department of Education.
01:43Ay 100% nag-worsen.
01:45Kasi may mga bata na hindi pa marunong magbasa, nasa bahay lang sila.
01:48Hindi nila kasama yung teacher.
01:50So, paano silang matututong magbasa?
01:52Kaya nga anya nagsagawa ng Comprehensive Rapid Literacy Assessment noong school year 2024 to 2025
01:58para ma-assess ng mga guro ang mga estudyante mula grade 1 to 3.
02:01Lumabas dito na halos 60,000 nasa grade 3 ang hirap magbasa ng English.
02:08Pero matapos silang isa ilalim sa Summer Literacy Remediation Program ng DepEd,
02:12bumaba ang bilang sa 1,616 na lang.
02:16Dito sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City,
02:1938 estudyante ang nakitaan ng kahinaan sa pagbasa.
02:23Pinutukan sila ng mga guro sa after-school tutorial,
02:26kaya't napababa ang bilang sa dalawa na lang.
02:28Ang talagang nakatulong doon, yung one hour na si teacher talaga nakatutok lang doon sa mga may pangangailangan.
02:36Nahabol man daw nila mga naapektuhan ng COVID lockdown.
02:39Ngayon naman, problema ang gadget, kaya't hirap matuto ang mga bata.
02:44Actually, ang mga challenges talaga, minsan yung overexposure nila sa gadgets.
02:50Di ba yung mga printed material natin, hindi na masyadong pinapansin ng bata.
02:55Kasi they nakafocus sa phones.
02:58Problema na rin niya ni Nenita sa anak na mas gustong maglaro o manood sa cellphone, kaysa mag-aral.
03:03Hindi na po siya nagfocus sa pagsulat.
03:06Problema talaga ang cellphone.
03:08Tinatutok talaga. Nandun po talaga ako sa tabi niya, ma'am.
03:12Kasi para hindi siya tatakbo, magsiselfon.
03:15Pero higit pa dyan ay ang problema sa gutom.
03:18Sa tansya ng World Food Program, 1.7 milyon na kabataan ang malnourished,
03:22kaya hirap matuto at mag-aral.
03:25Para tugunan nito, sabi ng DOH, popondohan nila ang feeding program sa elementarya.
03:30At school age, kinder pa lang, umpisahan na yung feeding.
03:33At ginawa namin yung pera doon, ibinuho sa lahat ng young kids.
03:38Para at least they have one meal a day na good in the school.
03:42Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.

Recommended