00:00Samantala, ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang konstruksyon ng bagong gusali sa San Francisco High School sa Quezon City.
00:09Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pag-inspeksyon matapos masunog ang ilang bahagi ng paaralan nitong linggo.
00:15Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways na bumuo ng plano para sa agarang pagpapatayo ng bagong gusali at pasilidad ng paaralan.
00:25Ayon sa Pangulo, pagkakataon na rin ito na ma-upgrade ang building at matiyak na hindi mauulit ang insidente.
00:33Tiniyak din ang Pangulo na ibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong guro at estudyante, gaya ng pamamahagi ng learning kit at mga bagong computer.
00:43Tinatayang nasa mahigit 600 estudyante ang apektado ng nangyaring suno.