00:00Updates sa mga kandidatong nagsumite ng SOSES sa itinakdang deadline
00:04at ang panukalang batas kaugnay ng term extension ng barangay at SK officials
00:09ating pag-uusapan kasama si Director John Rex Laudianco
00:13ang tagapagsalita ng Commission on Elections.
00:16Magandang tanghali, Sir. Welcome back.
00:23Magandang tanghali po, Asik Chowey, at magandang tanghali po sa lahat ng ating tagkasabaybay.
00:27Sir, unahin na po natin yung update sa filing ng Statement of Contributions and Expenditures
00:33o yung SOSES. Ilan po yung kabuoang bilang na nagsubmit as of nung deadline po nung nakaraang araw?
00:43Mahigit 90% po ng ating mga kandidato nakapagsumite ng kanilang mga Statements of Contributions and Expenditure
00:50ngunit meron pa rin po talagang ilan, katulad po sa mga kandidato sa Senador
00:54na expect po natin ay 64 ngunit 60 lamang ang nakapag-file.
01:00Katulad din po doon sa ating party list, nage-expect po tayo ng 155
01:03ngunit 142 lamang po ang nakapag-file ng kanilang mga SOSES.
01:08Ganito rin po ang sitwasyon sa iba't ibang bahagi ng aming mga Field Offences
01:12kung saan meron po talagang mga kandidato na hindi nakapagsumite.
01:16Ngunit makikita po natin na mahigit 90% po o higit ba
01:19ang kanilang mga nakapag-file naman po ng kanilang mga SOSES.
01:23So, attorney, ano po yung next steps para doon sa mga hindi nagsubmit ng SOSES?
01:29Ano po yung gagawin ng COMELEC sa kanila?
01:36Sisiya sa atin po natin ang ating database
01:38dahil ayon po sa Section 14 ng Republic Act 7166,
01:44kapag ikaw ay una hindi nakapag-file o kaya na late ng pagpapag-file ng SOSES,
01:49ito yung tinatawag natin na First Offence kung saan mapapatawan ka ng multa
01:54dahit sa hindi pag-comply.
01:56O kaya po kung ikalawang pagkakataon na po nila na hindi nakapagsumite ng kanilang SOSES,
02:01bukod po sa multa ay mapapatawan po sila
02:03noong tinatawag natin na cancellation o perpetual disqualification.
02:07Kaya kung matatandaan nyo po, Asik Joey,
02:10noong nakarang halalan,
02:11meron mga ilang kandidato na ang COMELEC mismo
02:14ang nag-administratively cancel ng kanilang COC
02:17dahil nga po dun sa paglabag,
02:20dun sa dalawang beses na hindi nakapagsumite ng SOSES.
02:23At asahan nyo rin po, Asik Joey,
02:25sa mga susunod na araw,
02:26ilalathala po, gaya ng naipangako ni Chairman Garcia,
02:30ilalathala po namin sa aming website
02:32ang mga statements of contributions and expenditure
02:34ng lahat ng mga kandidato.
02:36Opo, nabangit nyo, attorney, yung fine.
02:40May mga nagbumukahi po daw na dahil parang
02:42tila napakababa nung fine,
02:44dapat taasan para mag-comply
02:47yung mga kandidato na mag-submit talaga ng kanilang SOSES.
02:50Ano po yung masasabi ng COMELEC dito?
02:55Ang COMELEC naman po ay bukas sa ganitong panukala
02:58kung ito po ay magiging parte ng pag-aambyenda
03:01sa ating batas at inaaral na rin po namin
03:03kung sa pamamagitan ba ng COMELEC resolution
03:05ay maaaring magawa ka ito.
03:07Ay asahan nyo po na gagawin po ito ng COMELEC.
03:10Ngunit ang mas mabigat po po kasi,
03:12bukod po doon sa fine,
03:13ay yung tinatawag na po na two-strike rule
03:15na nabanggit natin kanina.
03:17Kapag dalawang beses na po kasi sila
03:18na hindi nakapag-submitin ang SOSES,
03:21ay talagang hindi na sila papahintulutang
03:24pang kumandidato.
03:25Dapat po alam ng lahat ng kandidato yan
03:27na kapag ikaw ay nagsumite ng COC
03:29naging kandidato,
03:33ikaw ay may obligasyon na mag-file ng SOSES
03:35sa tinak ng oras.
03:37At ito po ay 30 days lamang
03:38pagkatapos ng halalan.
03:40Wala pong extension ang 30 days na yan
03:42dahil batas ng po mismo
03:43ang nagsasabi.
03:44Sa ibang usapin naman po,
03:47attorney,
03:48magkakaroon po ng emergency meeting
03:50ang COMELEC
03:50dahil mukha pong
03:52mapopospon talaga yung barangay
03:55at SK election.
03:57So ano po yung detalya nito
03:59at ano po yung magiging focus
04:01ng meeting ninyo?
04:05Ito po ay paghahanda natin
04:07kung sa kasakali po na talagang
04:09pirmahan na ng ating Pangulo
04:11yung bicameral conference report
04:13na nagbookload na po
04:14nung proposal sa House
04:15at proposal sa Senate
04:17na imumug na ang ating halala
04:19ng barangay at SK election
04:20from December 1
04:21to November 2026.
04:23Nakasaad din po dito kasi
04:24na meron na pong apat na taon
04:26ang ating mga barangay official
04:28sa kanilang termino.
04:29Tatlong beses po pwedeng makatakbo.
04:31Tatlong termino ang kanilang limit.
04:33Ngunit after the third term po
04:35ay wala na.
04:35Yun na po yung last.
04:36At sa SK naman po,
04:38may apat na taon din.
04:39Ngunit one term lamang po
04:40at tatlong re-eleksyon.
04:41Pinagkahandaan na po namin
04:42ano ang mga pwedeng matigil na
04:44sa ngayon?
04:45Ano yung talagang dapat matigil na?
04:47At kung sakaling mapirmahan,
04:49isaayos muli
04:50ang ating calendar of activities
04:52dahil dalawang bagay po
04:53ang nakita namin dito.
04:54Una nga po,
04:55ipagahanda na napag-usapan,
04:56ikalawa yung ating
04:57voters registration
04:58na supposedly gagawin namin
05:00mula July 1 to 11.
05:02E baka po ang mangyari.
05:03Simulan na natin sa Enero,
05:04January ng 2026
05:05nang sagayon yung
05:07mas mahaba ang panahon
05:08para makapag-rehistro
05:10ang ating mga kababayan.
05:11Habang naghihintay pa po tayo
05:14sa magiging desisyon
05:15ng Pangulo,
05:16meron na po bang
05:17paghahanda na ginawa
05:18yung COMELEC
05:19at ano-ano po yung
05:20mga paghahandang ito?
05:22Ito po ay ang pating
05:25pagbabalangkas una
05:26ng siguridad,
05:27ang pagsasayos po
05:28ng ating mga project
05:29of precincts,
05:30ang pagbabalangkas po
05:31ng mga resolutions
05:32na nakikita nyo na po
05:33sa ating website.
05:35At ito nga po
05:35ang paghahanda natin
05:37sa July 1 to 11
05:38na voters registration.
05:40Kung matatandaan po kasi natin,
05:42hindi lamang po
05:43nakaboto noong nakaraan,
05:44kundi yung magiging 18
05:45by December 1.
05:47Pwede nang bumoto
05:47sa barangay elections
05:49at yung 15 years old
05:50at magiging 15 years old
05:52by December 1
05:53ay makakasali po sila
05:54doon sa tinatawag natin
05:56ang katipuna ng kabataan
05:57na siyang bumoboto
05:58doon po sa ating
05:59Sangbunean Kabataan Elections.
06:01Iyan po yung pinakamalaking
06:02bahagi ng paghahanda
06:03as to the procurement po.
06:04Wala pa naman pong
06:05napaprocure ang COMELEC
06:06sa ngayon
06:07at kung sakali man po
06:08inuunap po namin
06:10habang naghihintay po kami,
06:11inuunap po namin
06:12yung pwedeng gamitin pa
06:13sa susunod na halalan.
06:15Yung mga hindi masisira,
06:16yung hindi mga sensitibong gamit.
06:17Yung pong medyo sensitibo,
06:20indelible ink,
06:21yung mga thumbprint takers,
06:23huli na po na
06:23ang pinoprocurean
06:24just in case mapospoon talaga,
06:26ay tsaka na lang po
06:27namin sila bibili.
06:29Sa kali sir
06:30na mapospoon talaga
06:31yung barangay at SK Elections,
06:33ano po yung magiging mode?
06:35Manual pa rin ba
06:36o will we consider
06:37na automated na rin ito?
06:41Manual elections pa rin po
06:43ang ating barangay at SK Elections
06:45at si Joey.
06:46Dahil kung titignan po natin,
06:47pag automated elections
06:48nakaimprenta
06:49ang pangalan ng kandidato
06:50sa balota,
06:50nung nakaraang elections po,
06:53eh meron tayong
06:531,667
06:55na ibang-ibang uri
06:56ng balota.
06:57Equivalent po ito
06:58sa ibang-ibang munisipyo
06:59at mga syudad.
07:00Pero pag barangay po,
07:01meron tayong
07:02mahigit 42,000 barangays
07:04na ibang-ibang klase rin
07:06na kanika nilang balota.
07:08Medyo mahirap pong gawin ito
07:09sa automated elections.
07:10Napakaraming uri ng balota.
07:12Ikalawa,
07:13wala mawawala rin po
07:14yung advantage kasi
07:15ng automated elections.
07:16Tignan nyo po,
07:17pag manual elections po kasi,
07:19binababaan namin
07:20ang laman ng bawat presinto
07:21ng mga botante
07:22na mga nasa 400,
07:23600 lamang.
07:24Pag automated elections po kasi,
07:26nasa 800 to 1,000 tayo.
07:28At dinodoblen na lamang po natin
07:31ang bilang
07:32ng mga teachers
07:32na naninilbihan
07:33ng mapadali po
07:34ang pagbilang
07:35ng kanika nilang mga boto.
07:36Isa pa po sa
07:37hindi kinakailangan kasi,
07:38yung transmission
07:39ng mga boto.
07:40Kung matatandaan po natin,
07:42saan tayo bumoto na paaralan,
07:44doon na rin po
07:44bibilangin ang boto
07:45at doon na rin
07:46ikatanvas nito po
07:48proklama
07:48ang mga nanalong kandidato.
07:51Kaya hindi po
07:51kinakailangan talaga
07:52ng automated elections.
07:54Doon naman po
07:56sa registration
07:57ng ating mga kababayang
07:58overseas Filipino workers,
08:00sa Nobyembre po ba ito?
08:02On track pa rin ito?
08:03At ano po yung detalya nito?
08:08Tama po kayo.
08:09Sa Nobyembre pa rin po natin
08:10bubuksan muli
08:11ang registration
08:12ng ating mga overseas Filipinos.
08:14Ito po ay
08:14mas mahabang panahon
08:15para mapagbigyan sila.
08:17Alam natin,
08:18medyo malalayo
08:19ang konsulat at embahada.
08:20Medyo po merong kailangan
08:22i-timing sa schedule
08:23ng kanika nilang mga trabaho
08:24dahil hindi naman
08:25kapareho dito sa Pilipinas
08:27at hindi ganun karami
08:28ang ating registration sites.
08:30Kaya po sa ating mga kababayan
08:31abroad,
08:32sinisimulan po natin
08:33ng mahabang panahon
08:34ang inyong registration
08:35tungo sa 2028 elections
08:37ng sagayon.
08:38Sapat na panahon,
08:39sapat na bilang
08:40ng pagkakataon sa inyo
08:41para makaparehistro.
08:43At hinihiling po namin muli
08:45pahalagahan
08:45ng inyong krapatan,
08:47pahalagahan
08:47at tutuparin
08:48ng inyong obligasyon
08:49dahil mahalaga
08:50ang inyong bose
08:51sa ating demokrasya
08:52tungo sa 2028 elections.
08:55Kamusta naman,
08:55sir,
08:56yung paghahanda natin
08:58para sa
08:58BARM
08:59parliamentary elections?
09:03Sumusulong po ngayon
09:04ang pagbabalangkas
09:05ng mga huling yukto
09:06ng aming preparations
09:07para sa BARM elections.
09:09Kung mapapansin nyo nga po
09:10sa mga susunod na linggo,
09:11i-anunsyo na namin
09:12ang ating mga
09:13project of precincts
09:14kung saan po gagawin
09:15yung ating mga pahalalan
09:17na practically
09:18e kung ano po
09:19yung halala
09:20na mga paaralan
09:21na ginamit natin
09:22noong nakaraan
09:23ay siya rin pong
09:24doon din tayo bo-boto.
09:25Susulong na rin pong
09:26pag-iimprinta
09:27ng mga balota
09:28ang paglalathala nito
09:29sa ating mga website
09:30nang sa gayo
09:31may sapat na kaalaman
09:33ang ating mga kababayan
09:34sino ba talaga
09:35ang mga kandidato
09:36sa BARM elections
09:36ang daan po natin.
09:38Dalawang uri po yan.
09:39Una,
09:39yung tinatawag na
09:40regional political party
09:42representatives
09:43na paghahati-hatihan po
09:45ay 40 seats
09:46at yung legislative district
09:47representatives
09:48na ang paghahati-hatihan
09:49naman po
09:50ay 25 upuan
09:51doon sa kabuang
09:5273 seats
09:54ng BARM parliament.
09:55At ito po
09:56susulong na rin po tayo
09:57sa voter education
09:58itinatakda po namin
10:00sa pagitan po
10:01ng Agosto at September
10:02yung ating muling roadshow
10:04voter education
10:05voter information
10:06paggamit, pagboto
10:07subok po
10:08at yung ating
10:08automated counting
10:09machine
10:09nagsagayon
10:10mapamilyarize
10:11maalam muli
10:12ng ating mga kababayan
10:13kung gano'ng kadali
10:14bumoto
10:15dahil ang sabi po
10:15sa Republic Act 12
10:16123
10:17kung ano ang sistema
10:18ginamit
10:19noong May 12
10:202025 elections
10:21ganon din ang sistema
10:23na gagamitin dito
10:24sa BARM elections
10:24dahil karugtong lamang po ito.
10:26Attyrne,
10:27Attyrne,
10:27kamusta po yung
10:28pagkikipag-ugnayan ninyo
10:29sa AFP,
10:30PNP,
10:31pati sa BARM
10:32government mismo
10:34patungkol naman po
10:35sa security,
10:36meron po bang
10:37special considerations
10:38para sa halalang iyon?
10:40Tama po kayo,
10:43isa po sa dahilan
10:44kung bakit
10:44nabalangkas
10:45ang Republic Act 12
10:46buwan 2023
10:47na naglipat
10:48ng halalan
10:49sa BARM
10:49mula May 12
10:50patungo sa
10:52October 13
10:53ay yung seguridad
10:54at dahil
10:55tumatalima po dito
10:56ang COMELEC
10:57eh kami po
10:58ay maagang
10:58nag-usap
10:59ng PNP,
11:00ng AFP
11:01kasama na po
11:01ang Philippine Coast Guard
11:02talakayin
11:03ano-ano ba
11:04ang seguridad
11:04na maaari
11:05nating ma-improve
11:05na mailatag
11:06para mas maganda pa
11:08ang atin
11:08mas maayos
11:09ang ating seguridad
11:09sa BARM elections
11:10na yan.
11:11Ikalawa,
11:12sino-sino
11:12ang gagamitin
11:13ng mga itatas
11:14bilang special electoral boards
11:15bilang paghahanda
11:16kung sakaling may aatras
11:18ng mga ating mga electoral boards
11:20agad ay may kapalit
11:22na Philippine National Police
11:23o iba pang kawaninang pamahala
11:25nang sasagayon
11:26walang delay
11:27walang failure of elections
11:28at titignan po natin
11:29at dito po
11:30talaga magiging mahigpit tayo
11:32ang pagbabantay
11:33hindi lamang sa butuhan
11:34ngunit pati na rin
11:35doon sa deployment
11:36ng balota
11:37sa pagsisetup ng makina
11:38yung pagdeploy mismo
11:40ng makina
11:40yung ating mga repair hubs
11:42at yung seguridad
11:43pati na ng mga electoral boards
11:44at bilang panghuli
11:45syempre po
11:46ang layunin po natin dito
11:47mula pa sa voter education lang
11:49ay maging secure na tayo
11:51maramdaman ang ating mga kababayan
11:53na talaga sila ikabahagi
11:55dito sa ating
11:56BARM elections na ito
11:57at mula
11:58voter education
11:59roadshow
12:00maging maramdaman nila
12:01ang seguridad
12:02nagsagayon hindi po sila
12:03matakot bumoto
12:04sa October 13
12:05Ang dami natin na pag-usapan
12:07na attorney
12:08yung sose
12:08yung possible postponement
12:10ng barangay elections
12:12OFW registration
12:14pati BARM elections
12:15so
12:16kayo na pong bahala
12:17mensahe
12:18at paalala nyo
12:18na lamang po
12:19sa ating mga kababayan
12:20na nanonood
12:22at nakikinig ngayon
12:23maraming salamat po
12:28sa ating mga kababayan po
12:29ang inyong komisyon
12:30ng elections
12:31ay hindi tumitigil
12:32sa aming mandato
12:32at tungkulin
12:33para ibigay
12:34ang napakataas na
12:35antas ng halalan
12:36yun po
12:37katatapos lang natin
12:38ang halalan
12:39sumusulong pa rin po
12:40tinatawag natin
12:41random manual audit
12:42kung saan
12:43mahigit 700
12:44na ballot boxes po
12:45balota
12:46mano-manong binibilang
12:48nakatapos na po
12:48na mahigit 711
12:50ongoing po
12:51ang mahigit 50 ngayon
12:52at 27 na lang po
12:53yung natitira namin
12:54gagawin
12:55matatapos na pong
12:56random manual audit
12:57at kinagagala ko pong
12:58ibalita sa inyo
12:59na sa pagbibilang
13:00ng boto
13:01direkta mula sa balota
13:02ay 99.9%
13:05accurate po
13:06walang discrepancy
13:07walang pagbabago
13:08ito pong
13:09nagpapatunay
13:09na kung ano
13:10ang nilabas na bilang
13:11ng ating makina
13:12ay nagkocorespond
13:13at tugma ito
13:14mismo
13:15dun sa balota
13:16na binotohan
13:17ng ating mga kababayan
13:18kaya po sana
13:19sa ating mga kababayan
13:20bigyan nyo po
13:21ng tiwala
13:21ang ating sistema
13:22dahil nakikita naman po
13:24labas ng eleksyon
13:25eto na po
13:26mano-manong binibilang
13:27ating balota
13:28higit sa lahat po
13:30subaybayan
13:30ang mga gawain
13:31ng Comelec
13:32patungo sa
13:33Barm Elections
13:33at sa inaabangan po
13:34nating barangay
13:35at SK Elections
13:36maraming salamat po