00:00Unconstitutional
00:30Umalma ang ilang House prosecutors sa naging desisyon ng Senado bilang impeachment court
00:36sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte na ibalik ang impeachment complaint sa Kamara.
00:41Sa isang pahayag sa GMA Integrated News, sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua,
00:47isa sa mga House prosecutor na mandato ng Senado na magproceed sa trial.
00:52Ang pagrimand sa Kamara ng Articles of Impeachment ay hakbang daw na paatras imbis na pasulong
00:57at ito raw ay unconstitutional.
01:00Kung nais daw ng Senado ng certification, pwede naman daw itong hingin sa Kongreso.
01:05Maituturing din daw bilang certification ng Articles of Impeachment.
01:09Nananawagan naman ng indignation rally ang makabayan block sa Senado,
01:13kasunod ng desisyon ng impeachment court.
01:15Binatikos naman ang ilang grupong nagvigil sa labas ng Senado
01:19ang desisyon nitong ibalik sa Kamara ang impeachment complaint.
01:23Napakaduwag ng mga Senador na nagremand ng impeachment complaint
01:27pabalik sa House of Representatives.
01:31Pagkatapos ng ilang buwan na denable nila yung impeachment complaint.
01:35Pagkatapos nilang manumpa, magrobe,
01:39tapos ire-remand lang nila pabalik sa House of Representatives ang impeachment.
01:43Nakakapikon po, nakakainis, nakakaasar
01:46dahil ibinalik na naman po ng Senado ang impeachment trial complaint sa House of Representatives.
01:55Muli na naman po tayong pinaasa ng ating mga binotong Senador.
02:00Sabi naman ang isa pang House impeachment prosecutor
02:02at ilo-ilo 3rd District representative na si Lawrence Defensor,
02:06ang ginawang pag-remand ng Senado sa impeachment case ay mapanganib na president.
02:10Hindi daw option ang pag-remand.
02:12Tanging acquit o convict lang daw ang option sa trial.
02:15Ang ginawang hakbang, malinaw raw na pagsagasa sa konstitusyon at demokrasya ng bansa.
02:21Sinisika pa namin kunan na reaksyon ang Senado.
02:24Bago ang hakbang ng impeachment court,
02:26naghayag ng kahandaan ang House Prosecution Panel
02:29para sa presentasyon ng Articles of Impeachment sa Senado.
02:32Giit nila, pwedeng tumawid ang impeachment proceedings sa 20th Congress.
02:37EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:45Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments