Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00The House Prosecution Panel
00:30The House Prosecution Panel
01:00The House Prosecution Panel
01:29It was a clear result of plenary action.
01:35Ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay dumaan sa wastong proseso.
01:41Ikalawa, ang sinabi ng Korte na hindi inaksyonan ng Kamara ang unang tatlong impeachment complaint na inihain noong December 2024. Sabi ni Abante, hindi rin yan totoo.
01:51This too is inaccurate.
01:53Sa parehong araw na inaksyonan ang February complaint, bumoto rin ang Kamara sa plenaryo na i-archive ang tatlong impeachment complaints na inihain noong December.
02:04Ginawa ito ilang oras bago mag-adjourn ng session dahil na kumpirma na ang February complaint ay permado at verified ng one-third ng mga miyembro ng Kamara.
02:17Ayon sa konstitusyon, ito ay itinuturing ng articles of impeachment at obligadong ipadala sa Senado para sa paglilitis.
02:26Ikatlo, ang sinabi ng Korte na hindi raw binigyan ng due process si VP Sara o yung pagkakataong masagot ang reklamo bago ito ay pinadala sa Senado.
02:35Sabi ni Abante, walang ganyang requirement sa konstitusyon o sa rules ng Kamara.
02:40Lalot ang complaint ay permado ng hindi bababa sa one-third ng mga mababatas kaya pinadala na agad sa Senado.
02:47Nagbigay ang Korte ng panibagong patakaran na wala naman sa umiiral na batas.
02:52Pinawalang visa nila ang articles of impeachment base sa mga bagong pamantayan ng due process para sa respondent.
03:00Kung due process at opportunity to be heard ang usapan.
03:04Ilang beses nang naimbitahan si Vice President Sara Duterte sa mga pagdinig ng committee na natili siyang tikong ang bibig.
03:11Pumalag dyan ang abogado ni VP Sara.
03:14Hiwalay naman yung naging mga committee hearings.
03:16If I'm not mistaken, sa aking interpretation,
03:18ang tinatalakay ng Supreme Court doon ay yung due process mismo doon sa pag-initiate ng impeachment proceedings
03:25which includes yung pagbibigay sa kanya ng kaukulang pagkakataon upang sumagot doon sa draft articles of impeachment or draft impeachment complaints.
03:37Ayon kay POA, nagpasalamat sa kanilang Vice Presidente nang makarating sa kanya ang desisyon ng Korte Suprema.
03:43Handa na raw sana ang defense team sa impeachment trial.
03:46Ngayon, maghihintay raw muna sila sa mga mangyayari sa impeachment court.
03:50Sa ngayon, wala pang petsa ang kamera kung kailan sila magka-file ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.
03:55Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended