00:00Ilang kongresista ang hindi pabor na paikliin ang panahon ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte
00:06kaya panawagan nila simula na ang impeachment trial sa lalong madaling panahon.
00:11May detalye si Mela Les Moras.
00:17Nanindigan ang ilang kongresista na dapat ay mabigyan ng sapat na panahon ang paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:26Ayon kay One Rider Portalist Rep. Roj Gutierrez, isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team,
00:33sa ngayon tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa impeachment trial.
00:37Hindi siya pabor sa lumulutang na ideya na gawin nalang labing siyam na araw ang impeachment proceedings sa Senado.
00:43Pwede naman daw kasing tumawid sa 20th Congress ang paglilitis kaya't hindi ito dapat madaliin.
00:50We can't comment on it right now. The prosecutors have yet to meet since the release of that timeline.
00:54But personally, I don't think it would be possible on our part to just consolidate it into two articles.
01:00That would be betrayal of the full articles of impeachment that we have filed.
01:05I think hindi po siya sapat if we take a look.
01:08Para naman kinag-Gabriela Partilist Rep. Arlene Brosas at Act Bayan Partilist Rep. Percy Sandania
01:14na parehong impeachment complainants.
01:17Ang mahalaga, mabusising mabuti ang nilalaman ng kanilang reklamo laban sa vice-presidente.
01:22Muli nilang iginiit na dapat ay masimulan na ang paglilitis sa lalong madaling panahon.
01:28Malino naman yung panawagan natin dati pa.
01:30Kailangan ng impeachment case natin ng fair day in court.
01:34At hindi siya makakaroon ng fair day in court kung mamadaliin naman ngayon.
01:37Sana ma-realize nila na it's always the constitution over personal ambition.
01:43Yun ang mahalaga.
01:44Hindi ito parang si Carlos Yulo na sa kaka-gymnastics nila, mental gymnastics, kakatambling at kaka-split,
01:52ay mapapalusot nila yung kanilang poon.
01:55Actually, no one can dictate kung ano yung timeline, di ba?
01:58Alam natin na ang mas gusto ng taong bayan is to see yung impeachment trial mag-proceed.
02:04And from there, ay makita yung mga substantial talaga na kailangang pag-usapan doon sa usapin ng impeachment.
02:12Sa panig naman ng House Majority Block, nire-respeto ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adyong
02:18anumang maging hakbang ng Senado, lalo pat nagampanan na rin nila ang kanilang panig.
02:23If that's the call of the Senate to hold the impeachment trial starting 11 up to 13, we respect that.
02:32We have already delivered our commitment to the people and our mandate to the Constitution,
02:37and so we're just waiting for the Senate to do the same.
02:40Melales Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.