State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Pag-o ngayong gabi, nanumpa na si Senate President Francis Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
01:08Hi Francis Cheese G. Escudero.
01:39Unanimous ang boto ng mga senador na i-refer sa Committee on Rules and Impeachment ang impeachment complaint laban sa bisik.
01:47Bago ang oath-taking ni Senate President Escudero pinagdebatihan sa Senado ang kapalara ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
01:55Ang mosyon ng minorya simulan na ito habang si Sen. Robin Padilla nais itong ma-terminate na walang paglilitis.
02:03May report si Joseph Moro.
02:05Sa kasaysayan ng impeachment na dininig ng Senado ngayon lamang susubukan ng ilang senador na ipadismis ang kaso kahit walang paglilitis.
02:17Sa Senate Resolution 1371 na inihain ni Sen. Robin Padilla, ipinunto niya ang Senate Rules na lahat ng matters of proceedings ay natatapos kasabay ng pagdatapos ng isang kongreso.
02:28At dahil mag-a-adjourn si Nadia na ang 19th Congress sa June 13, dapat daw ituring ng terminated ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
02:39Pero punto ni retired Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution, lumalabag daw sa saligang batas ang resolusyon.
02:49It's very clear under the Constitution that the Senate has the power and the duty to try and decide impeachment cases.
03:00So they cannot abdicate that duty.
03:03Bago nito, naghain ng mosyon ng Minority Block para simula na ang impeachment proceedings.
03:08Sabi ni Senate Minority Leader Coco Pimentel, matindi nang batikos sa Senado dahil hanggang ngayon hindi pa rin inaaksyonan ng articles of impeachment na ipinadala ng Kamara noon pang February 5.
03:19Any further delay not only undermines the explicit mandate of the Constitution and our rules, it risks eroding public trust in the Senate's capacity and capability to uphold the accountability of public officers and the rule of law.
03:36Sa mosyon ni Pimentel, ititigil ang legislative business ng Senado para makapag-convene na bilang impeachment court at makapanumpa ang mga senador na tatayong judge.
03:47Gagawa na rin sila ng trial calendar at saka ipatatawag ang prosecution panel bukas sa las 2 ng hapon para basahin ng articles of impeachment.
03:56Sunod ay i-issuehan ng writ of summons ang vice.
03:59Sinagundahan ni Senador Rizontiveros ang mosyon.
04:01Naon na nang iminungkahin ni Sen. Majority Leader Francis Tolentino na gawin ang impeachment trial mula June 11 hanggang 30.
04:09Ang promulgation o paghatol kay V.B. Sara target sa June 30 na huling araw ng 19th Congress.
04:15We can still start the impeachment process but I stick to the constitutional precept that we cannot carry over because it is not part of the Constitution.
04:35We can only interpret the word as enshrined in the Constitution.
04:39Pabor dito si Sen. Migs Subiri para raw hindi na makwestyon kung legal bang tumawid ang impeachment complaint sa 20th Congress.
04:47Pero tingin ni Ontiveros masyadong maigsi ang panong sinasabi ni Tolentino.
04:51Sa mga simpleng civil case nga raw, 30 araw ang inilalaan ng korte.
04:55We've dragged our feet for several months and then suddenly we tell the Filipino public that we are able to sift through the evidence and exact accountability from the second highest official in our land within a period of three days.
05:11What insanity is this?
05:13Tutol din si Sen. President Chista Skudero sa minadaling paglilitis pero buong Senado Anya ang dapat magpasya sa schedule.
05:21Paano ba at bakit ba naging objective na paikliin, pabilisin ang trial?
05:25Hindi ba dapat protektahan natin ang karapatan ng magkabilang panig?
05:29Ang nasasakdalatang prosekisyon na mabigyan sila ng sapat na panahon na ipresenta ang kaso nila upang sa gayon may basya ng pagpapasya ng mga Sen. Judges.
05:39Hindi ko gusto si VP Sarah pero hindi rin ako galit sa kanya.
05:43I am performing and doing my role the best way I see fit without any fear or bias in favor or against anyone.
05:53Ginagamit na basihan sa agarang pagdaraos ng trial ang clause sa Article 11, Section 4 ng Saligang Batas na trial by the Senate shall proceed forthwith.
06:04Si Ascuna mismo ang nagpalagay ng salitang forthwith.
06:07Fourth with, in the necessarily right away, there can be some delay as long as it's reasonable.
06:15Ang defense team ni Duterte binigyan di ina may constitutional infirmity o kahinaan sa konstitusyon ang pagpapagulong ng impeachment process.
06:24Anila hindi dapat ginagamit ang impeachment process na sandata upang gipitin, patahimikin o walisin ang mga kalaban sa politika.
06:32Isaan nila itong mekanismong itinakda ng saligang batas at hindi political tool.
06:38Ayon sa Office of the Vice President, nasa Kuala Lumpur, Malaysia ngayon si Duterte para gunitain ang araw ng kalayaan sa Webes, June 12.
06:45Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:50Tutol ang ilang kongresista sa rekomendasyong pagsamahin sa dalawang artikulo ang pitong articles of impeachment laban kay Vice President Sarah Duterte.
06:59Sabi ni House Impeachment Prosecutor Rog Guterres, ang hakbang ay pagtataksil sa kanilang isunumiting articles of impeachment.
07:08Tingin naman ni Akbayan Partylist Representative Percy Sendanya, hindi magkakaroon ng patas na paglilitis kung mamadaliin ang trial.
07:16Inirekomendahan ni Sen. Francis Tolentino ang pag-consolidate sa articles of impeachment para matapos ang impeachment trial sa June 30 bago mag-adjourn ang 19th Congress.
07:26Kinalampag naman ng iba't ibang grupo ang Senado para agad nang umpisahan ang impeachment trial.
07:32Sa pinakahuling tugon ng masa survey ng OCTA Research, 78% ang nagsabing dapat humarap sa paglilitis ang vice para sagutin ang mga paratang sa kanya.
07:4313% naman ang nagsabing hindi siya dapat humarap sa Senate trial, habang 9% ang hindi alam o walang sagot.
07:50Isinagawa ang non-commissioned survey noong April 20-24 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na edad 18 pataas.
08:02Ang survey ay may margin of error na plus-minus 3% at confidence level na 95%.
08:08Unang araw ngayon ng Brigada Eskwela para sa pasukan sa lunes.
08:14Lumahok dito si Pangulong Marcos na saksimismo sa ilang problema.
08:18May report si Ian Cruz.
08:22Isang linggo na lang bago magpasukan ngunit problema pa rin sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan,
08:29ang mahina o kawalan ng tubig sa palikuran.
08:32Dahil hirap sa tubig, sabi ng dalawang guro, may mga estudyante raw na nagpipigil na lang ng ihi.
08:38Minsan po may parent po na nag-UTI nga daw po yung anak niya.
08:43Sabi ko, minsan po kasi talaga mahira po yung tubig.
08:47Pinunayan ni Pangulong Marcos sa pagbisita niya kanina kasabay ng pagsisimula ng Brigada Eskwela.
08:52Kailangan na kailangan natin linisin at pagandayin ang mga bathroom.
08:56Titignan namin na mabuti kung saan dapat mang galing yung tubig.
08:59Bakit walang tubig at nagbabayad naman sila?
09:02Sinilit din ang Pangulo ang mga kinukumpuning inanay na kisame sa mga classroom.
09:06Bago sa San Miguel, tinignan din ang Pangulo ang pagkukumpuni ng mga kisame at pagpipintura sa mga upuan sa Barihan Elementary School sa Malolos.
09:18I'm very happy that we are doing a better job I think in preparing for the school year.
09:26Magandang partisipasyon mga komunidad, mga magulang, syempre mga guro.
09:31At yun ang inaasahan natin na talagang yung buong komunidad ay nakamobilize para tulungan ang ating mga paralan
09:38at siguraduhin ligtas ang ating mga estudyante pagbukas ng pasokan sa June 16.
09:43Sa Dagupan City naman, nakisa sa Brigada Skwela ang nasa 5,000 miyembro ng 4-Piece o Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa iba't ibang barangay.
09:57Sa Iloilo City, nagtulong-tulong ang mga magulang sa paglilinis sa mga basura at alikabok sa Tikod Elementary School.
10:05Sa Negros Occidental, nilinis ang drainage system sa Efegenio Enrica Lizares Memorial School bilang pangontra sa baha.
10:16Sa pasokan sa lunes, para sa school year 2025-2026, nasa 27 million ang inaasahang bilang ng mga mag-aaral.
10:26Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:29Maling pagdurok ng anesthesia.
10:37Nagdulot ng pagdurugo sa utak ng batang nasawi matapos magpatuli noong May 17.
10:42Yan naglumabas sa autopsy report at ng pulisya.
10:45Inihablanan ng Manila Police District ng reckless impudence, resulting in homicide, ang nagtuli sa bata na sinusubukan pangkuna ng pahayang.
10:52Bakuna kontra African swine fever sa mga baboy, target ng Department of Agriculture na maging available sa third quarter ng taon.
11:01Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulorel Jr., oras na pumasa sa pagsusuri ng third-party experts ang mga bakuna.
11:08Maaari nang i-endorse ito ng DA sa Food and Drug Administration sa Hulyo.
11:12Aabot sa P816 million pesos na umunay shabu na biso ng pidea sa mga naharang na padala galing Amerika.
11:21E diniklarang various goods ang mga kontrabando na kapangalan sa iba't ibang consignee.
11:26Patuloy ang imbisigasyon ng pidea.
11:28Mga floating shabu sa Pangasinan at Ilocosur iniimbisigahan din ang pidea.
11:33Umaabot na sa lagpas 1,000 kilos ang nasamsam na shabu mula June 5 to 8.
11:38Katumbas ito ng halos 7 billion pesos.
11:40Hiwalay pa ang floating shabu sa Zambales noong Mayo na lagpas 1.5 billion pesos ang halaga.
11:47Hinihinalang galing niyan sa Golden Triangle, oriyon sa Thailand, Myanmar at Laos na talamak ang produksyon ng droga.
11:54Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:03Kumpiskado sa operasyon ng NBI at LTO ang nasa 65 sasakyang iligalumanong inangkat sa bansa.
12:11Nasamsama mga ito sa isang car yard sa Talisay City, Cebu.
12:15Ayon sa mga otoridad, surplus o sobrang supply, ang mga sasakyan at panay right-hand drive o nasa kanan ang manibela.
12:23Sabi ng LTO, i-co-convert ang mga ito sa left-hand drive para magamit nito sa bansa.
12:28Di nila ang mga sasakyan sa impounding area ng LTO Region 7.
12:33Iniimbestigahan din ang isang babaeng taga Peru na isa raw sa may-ari ng car yard.
12:38Turista ang kanyang immigration status sa bansa.
12:41Hindi makapag-ingles ang dayuhan ng kausapin ng media,
12:45ngunit nagpakita siya ng mga dokumentong patunay na nakarehistro raw sa kanya at lihitimo ang negosyo.
12:51Mga karakter na bubuo sa Encantadja Chronicles Sangre ipinakilala na.
13:02Mula sa mga bagong tagapangalaga ng brilyante hanggang sa mga makakalaba nila.
13:08Mapapanood na ang bagong yugto sa mundo ng Encantadja simula sa Lunes, June 16.
13:13Tatlong may dugong Pinoy waggi sa 78th Tony Awards ang pinakapremyadong parangal sa U.S. Stage Plays.
13:25Si Nicole Sherzinger ang musical best actress para sa Sunset Boulevard na kinilala rin best revival of a musical.
13:33Best actor si Darren Criss para sa Maybe Happy Ending na itinanghal na best musical.
13:40Kinilala rin ang musical director at orchestrator na si Marco Paglia for Best Orchestrations for Benavista Social Club.
13:52Hindi na lang si kapuso PBB housemate Will Ashley ang may billboard sa South Korea.
13:59Magkakaroon na rin ang kapwa housemates niyang si Nabyanka Devera at Dustin Yu.
14:04Yan ay matapos silang hirangin bilang best international artist sa isang voting app.
14:12Speaking of PBB, pumasok sa bahay ni Kuya bilang pinakabagong house guest si kapuso global fashion icon Heart Evangelista.
14:23Ang ex-PBB house guest na si David Licauco, all smiles sa ipinose niyang out of the country snaps.
14:31Habang very chic and posh si Jillian Ward while strolling sa Hong Kong.
14:40Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:44Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
14:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
14:50Mag-subscribe na sa YouTube.