State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
01:00Pinerwisho rin ng matinding baha ang mga motorista sa bayan ng Kalintaan, Occidental Mindoro.
01:13Bago ngayong gabi, walang pasok sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, July 19, dahil sa epekto ng bagyong krising at pinahigting na habagan.
01:23Sinuspindi na ang Saturday classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Laguna, gayon din sa buong Pagyos City.
01:36Ilan pang classes pension bukas dahil sa bagyong krising ang inanunsyo.
01:41Sa Tuguegaraw City, suspendido ang face-to-face classes bukas sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
01:48Kabilang dyan ang mga nasa law school, med school at graduate studies.
01:52Sa norte ang punteria ng bagyong krising, pero ang nasa pool ng pinalakas na itong habagat, umabot sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
02:03May report si Bernadette Reyes.
02:05Alas 6 pala ng umaga, binulabog ng pag-apaw ng ilog ang ilang residentes sa barangay Montilla, Puroklangka, sa bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental.
02:21Ayon kay U-scooper Sheila May Dalumpines, maraming hayop ang inanod at nasira ang mga pananip.
02:26Halos lamunin na ng tubig ang mga bahay, malapit sa ilog Hilabangan River sa Cabancalan City matapos umapaw.
02:35Nagsagawa na ng rescue operation ng LGU sa apektadong mga residente.
02:39Nakaalerto naman ang mga residente na nakatira malapit sa Bagu River sa Bagu City dahil sa patuloy na pagulan.
02:45Sa barangay 5, bayan ng Isabela, hindi na makadaan ang mga maliliit na sasakyan kaya kinailangang mag-track ng mga residente dahil sa taas ng baha.
02:58Lubog din sa baha ang bahaging ito malapit sa tulay sa barangay San Vicente sa bayan ng Binalbagan.
03:04Ayon sa Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, walong LGU ang apektado ng baha.
03:10Talara sa Guiapon ang moderate to heavy rains man. Actually ang forecast man ipag-asa sa aton is until this day, July 18, maka-experience agin kita sa Guiapon sa 100 to 200 millimeters of accumulated rains as tapagid buwas.
03:29Isa-isa namang iniligtas ang tatlong minor de edad na natrap sa gitna ng rumaragasang ilog sa Negros Oriental.
03:36Nakatira raw ang tatlo sa kubo sa isang isla sa gitna ng dalawang ilog at hindi naka-uwi dahil sa baha.
03:44Halos kulay puti ang bahang rumagasa sa mga bahay sa barangay Pardo, Cebu City.
03:50Ayon sa uploader na si JunT, nalubog ang ilan nilang appliances.
03:54Hinala raw nila galing ito sa quarry site malapit sa kanilang komunidad.
03:58Sa barangay Mabolo, abot hanggang dibdib ang baha.
04:01Kinailang gumamit ng lubid ang mga rescuer sa pagsagip sa mga residente.
04:06Sa kasagsagan ng malakas na ulan, bumigay ang suspension bridge na ito sa Patnongon Antique.
04:14Ang mga residente lumusong sa rumaragasang baha nang tangkain nilang ayusin ang nasirang tulay.
04:20Sa Kalibu Aklan, iniligtas ng isang dalaki ang isang asong na trap sa Aklan River.
04:25Ayon sa mga residente, may iba pang hayop na nailigtas ang dalaki sa ilog, gaya ng mga baka at kalabaw.
04:30Sa ibang bahagi ng Zamboanga City, nagkasira-sira ang mga bahay dahil sa malalakas na alon.
04:36Ayon sa lokal na pamahalaan, mahigit dalawandaang pamilya ang lumikas dahil sa insidente.
04:42Brunerette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:46Nagsimula ng ilikas ang ilang residente sa Cagayan dahil sa hagupit ng bagyong krisin.
04:52Bago pa ito mag-landfall.
04:54May mga binahang kalsada at may inanod pang sasakyan dahil sa umapaw na ilog.
05:00May live report si James Agustin.
05:02James!
05:05Ataw maghapong naging masungit ang panahon sa buong lalawigan nitong Cagayan.
05:10Tumagilid bago tuluyang inanod ng bahaang jeep na yan sa Peña Blanca sa Cagayan.
05:18Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, sinubukan tumawid ng jeep sa ilog pero nabalahaw.
05:24Mabutit wala itong sakay.
05:26Isang ipo-ipo naman ang nabuo sa Apari Cagayan.
05:29Walang sugatan o nasirang bahay sa ipo-ipong tumagal ng ilang minuto.
05:34Sa Santa Teresita, halos zero visibility sa ilang kalsada.
05:37Malakas din ang ulan sa bayan ng Gataran at Calayan.
05:42Sa igig hanggang gator ang baha sa ilang kalsada.
05:45Malakas na hampas ng alon ang naranasan sa bayan ng Gonzaga.
05:48Kaya ang ilang nakatira sa tabing dagat sa Barangay Bawa, pinalikas na.
05:53Hinaalala namin yung bahay namin, sir.
05:55Pero linikas po kayo.
05:57Ang nanay niyang senior citizen na una ng lumikas dahil sa pangambang abutin ng malakas na alon.
06:03Malakas sa alon sa dagat, sir.
06:06Ah, lumalaki na ngayon.
06:09Kaya pimunta kami dito.
06:11Ang ilan hindi pa rin lumikas.
06:13Pero handa naman daw sila anumang oras.
06:15Pag magiging worse na siguro,
06:18o kaya makita namin na hindi na maganda yung panahon,
06:20that's the time na rilikas na kami, sir.
06:22Si Honrado nang mumroblema sa pagkain dahil dalawang araw nang di makapangisda.
06:27Mahirap.
06:28Dito kami nakasalalay sa pagkain namin.
06:30Sa bayan ng Santa Ana, nagsimula ng umapaw ang tubig sa ilang bahagi ng paaralang ito.
06:36Walong flood-prone barangay sa Santa Ana ang binabantayan.
06:39Kaya inihanda ng ilang rescue equipment.
06:41Samantala, pabugso-bugso yung pagulan at malakas yung hangin
06:49na naranasan dito sa bayan ng Santa Ana, Cagayan, ngayong gabi.
06:53Umabot na po sa labing tatlong pamilya yung kainailangang ilikas.
06:57Yamuna ilitas mula dito sa lalawigan ng Cagayan.
06:59Balik sa'yo, Atom.
07:00Maraming salamat at ingat, James Agustin.
07:05Dahil pinalakas ng bagyong krising ang habagat, inulan at binaharin ng Mimaropa region na wala sa track ng bagyo.
07:13Nagmarka naman sa iba't ibang lugar sa norte ang hagupit ng bagyo.
07:17May report si JP Soriano.
07:18Sinoong ng motorsiklong ito ang rumaragasang tubig sa baragay Poblasyon West, Uminggan, Pangasinan.
07:28Pero tinangay sila ng agos.
07:30Sinubukan pa silang habulin ng isang residente.
07:34Pinagtulungan na ng mga rescuer at residente ang pagsagip sa rider at kanyang angkas.
07:40Ang flash flood na nanalasa sa apat na iba pang barangay ay bunso ng hindi na isaranggi ng irrigation canal
07:50at atrasadong pagbubukas ng Vanilla River Irrigation System.
07:54So lahat po ng buhos or flow ng tubig po natin ay going dito sa masel-sel na irrigation canals.
08:01And nabanggit din po kanina na yung track po niya or yung flow niya po is going po dito sa Poblasyon.
08:08Bumaba na ang tubig sa katsada ngayong araw sa maraming binahang bahay.
08:13Naglilimas ng tubig ang mga residente.
08:15Si Aling Belen, wala raw na isalbang gamit.
08:18Nalubog din ang kanilang kotse at mga motorsiklo na mga pamangkin.
08:23Nalunod din ang kanilang mga tuta.
08:25Banyan na yung tubig, wala na, bigla-bigla na lang.
08:27Wala na, wala ka naman magawa naman eh kasi yan lang dyan na.
08:32Sa lawag Ilocos Norte, malakas ang buhos ng ulan mula hapon.
08:36Malalaki na rin ang mga alon sa dagat.
08:39Bawal pumalawot kaya ang ilang manging isda sa ilog muna manghuhuli.
08:43Minsan, pag ulam lang mahuli namin.
08:45Pag makabenta kami naman, higit isang daan lang.
08:50Meron ding namimingwit ng pugaw na lumalapit na sa pampang.
08:54Tuloy rin ang hanap buhay ng ilang magsasaka.
08:57Malaking bagay raw sa pagkatanim ng palay ang ulan.
09:00Malayo sa sitwasyon sa tumawin ni Isabela, kung saan lubog sa tubig ang ilang maisan at palayan.
09:07Makapal na hamog naman ang gumalot sa La Trinidad, Benguet.
09:11Umulan din sa Baguio City.
09:13Sa gitna ng masamang panahon, isang pick-up ang nahulog sa bangin.
09:17Sugatan ang 23 taong gulang na driver na ayon sa Baguio Police ay nawala ng kontrol sa sasakyan.
09:24Hindi man direkt ang apektado ng Baguio Crescine, inulan din ang maraming lugar sa Mimaropa.
09:30Sa San Jose Occidental, Mindoro, umabot hanggang hita ang tubig.
09:34Gumamit na ng lubid ang rescuers sa bayan ng kalintaan sa lakas ng ragasa ng baha.
09:39May mga paralan din pinasok ng tubig.
09:42Sa Palawan, bumaharin sa Puerto Princesa City, gayon din sa El Nido.
09:47Isinakay na sa bangka ang mga residente ng isang barangay na natrap sa baha.
09:51May nalubog ding basketball court at kalsada sa Rojas, Palawan.
09:56Nagmistulang fish pond na ang mga palayan sa bayan ng Taytay.
10:00Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Mimaropa ay bunsod ng habagat na hinahatak at pinalalakas ng Bagyong Crescine.
10:09JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:13Bago ngayong gabi, napanatili ng Bagyong Crescine ang lakas nito, pero mababa na ang chance na mag-landfall sa Babuyan Islands.
10:23Base sa 11 p.m. bulletin ng pag-asa, huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Kalayan, Tagayan.
10:30May lakas itong 75 km per hour at buksong aabot ng 105 km per hour.
10:37Patuloy itong kumikilos pa northwest sa bilis na 15 km per hour.
10:41Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Batanes, Cagayan, Kabilangang Babuyan Islands, Isabela, Apayaw, Kalinga,
10:49northern at central portions ng Abra, eastern portions ng Mountain Province at ng Ifugao.
10:56Signal number 2 din sa Ilocos Norte at northern portion ng Ilocos Sur.
11:00Signal number 1 sa Quirino, Nueva Vizcaya, mga natitirang bahagi ng mga probinsya ng Mountain Province, Ifugao, Abra at Ilocos Sur.
11:08Signal number 1 din sa Benguet, La Union, northern portion ng Pangasinan, northern portion ng Aurora at northeastern portion ng Nueva Ecija.
11:17Ayon sa pag-asa, patuloy itong kikilos pa west-northwest at tatahaki ng extreme northern Luzon hanggang tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
11:29Taugnay sa TNVS driver na nagtangkaumanong manaksak ng pasahero, inalis na siya ng ride-hailing app na N-Drive sa kanilang platform.
11:41Sabi ng N-Drive, bukod sa permanente ang pag-alis ng driver sa app, iniimbestigahan nila ang sumbong ng pasahero na nanutok ng kutsiyo ang driver matapos silang magreklamong ibinabah sila sa maling lugar.
11:54Sinubukan ang N-Drive na makipagunayan sa pasahero para sa pagpapaabot ng tulong at pagkasampan ng reklamo laban sa driver.
12:03Magtusumita raw sila ng formal na tugon sa show cost order ng LTFRB.